~(GABERIELLE SAAVEDRA POV) Nakaupo ako sa bar stool habang umiinom ng alak. Dalawang araw na hindi pa rin siya umuuwi. f**k it! Hindi niya man lang nakuhang magsabi! Ni walang text o tawag man lang! Damn it! Muli akong uminom ng alak nang may umupo sa tabi ko. "Penny for your thoughs?" Napalingon ako sa magandang babaeng nasa tabi ko. Nangingiting umiling ito sabay baling sa bartender at sumenyas dito. "Mukhang na-travel mo na ang universe." Bumuntong hininga ako. "Here's your drink, Kar." Napatingin ako sa nakangising si Jade. Hindi naman kailangang siya ang mag-abot ng inumin. Isusumbong ko talaga siya kay Hailey. Ngumiti nang malapad si Kara, "Thank you, Jade." "Oh, you are very welcome, beautiful." Bumaling sa akin si Jade at kinindatan ako pagkatapos ay paatras na lumayo s

