~(CHANTAL LANE SY POV) Magkatalikod kaming nahiga sa bed. I tried to sleep pero hindi ko nakuhang matulog. Naalala ko lahat ng nakita ko, lahat ng sinabi niya at sinabi ko. I didn't mean to say all of it. I was just... really full of thoughts. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Naramdaman ko ang bisig nitong yumakap sa akin. Napapikit ako. I missed him. I always missed him pero parang nagkamali ako na pagbigyan siya lagi sa mga maling ginagawa niya. Parang it was not right na wala akong pinapalagpas na araw na hindi kami nagkakayos. Parang mali ako na hindi ko siya kayang tiisin. "Gusto ko lang... bigyan mo ako ng oras." Nagsimula na namang mag-init ang mga mata ko. Naramdaman ko ang mainit na halik nito sa balikat ko pataas sa leeg ko. The past 4 months sa sobrang busy ko ay hi

