bc

Addicted To You

book_age18+
12
FOLLOW
1K
READ
revenge
others
family
arranged marriage
comedy
sweet
serious
first love
school
addiction
like
intro-logo
Blurb

Maybe he was your first love and he fell in love with someone else. He may have been the apple of your eye, but he never prioritized you.

Maybe you weren't intended to be together in the first place. Whatever the case may be, you are feeling this way right now.

You have the impression that you are entirely broken and that no one can help you.

chap-preview
Free preview
Prologue
" Maggy's POV " Nagising ako sa lakas ng boses ni manang yes po siya po yung alarm clock ko tuwing may pasok siya taga gising palagi sa akin. As if naman na meron pang iba siya naman talaga kasi nga maaga na naman sigurong pumasok sa trabaho mga magulang ko at sanay na ako na parating wala sila mas naging Ina ko pa nga si manang kumpara sa ina ko eh . "Manang naman ang aga-aga pa." sabi ko. "Nako tigil tigilan mo ako sa ganyan mo ha. Tumayo ka na diyan at baka malate ka may pasok ka ngayon kaya tumayo kana at maghanda tung batang toh!" sabi niya. "Oo na po tatayo na po maghahanda na po!" sabi ko sabay irap ito talaga si manang kahit kailan bet ko pa naman magpalate ngayon kasi wala daw kaming guro ngayon kasi daw may importanteng gagawin sana all. "Ah manang ihatid niyo nalang po dito yung breakfast ko dito nalang po ako kakain" pagkasabi ko nun agad siyang napaharap sa akin, tinititigan ako ng mabuti nag babakasakaling may makukuhang sagot kung bakit dito ako sa kwarto kakain . Sige na pumayag kana dali na sabi ng utak ko . Ilang segundo rin nagsalita siya. "Sigurado ka ba na dito ka nalang kakain ,na ihahatid ko nalang dito ayaw mo bang bumaba para kumain? Oh baka naman may gagawin ka na Hindi ko alam? Hmmm?" pagtatakang tanong niya lintek pumayag kana ano ba nang gigil na ko ha mahal kita manang pero sobra kana talaga daig mo pa si mommy! "Oo po, sige na po ihatid niyo nalang dito promise po wala talaga akong gagawin na Hindi niyo gusto sige na kulit mo naman manang eh baka diyan pa ako malate eh sige na bumaba kana para makapaghanda na rin ako " pagmamakaawa ko at sana naman pumayag kana diyan kainis. "Jebal " pagmamakaawa ko "Anong jebal jebal sinasabi mo diyan ikaw ha. Kung ano ano ng nalalaman mo puro ka kasi kdrama kaya yan lumalabas na sa bunganga mo yung mga sinasabi nila ,oh sige baba na ako at maghanda kana baka malate ka dali na maghanda kana " sabi niya at dun sumilay ang ngiti ko sa wakas bababa rin buti naman at Hindi na nangungulit salamat Kay bro ! "Opo maghahanda na thank you manang I love you " ngiting ngiti na sabi ko sabay finger heart . Nang bumaba na si manang agad akong tumakbo sa loob ng banyo at nag shower , paglabas ko ng banyo agad akong nag bihis ng uniporme ko at maya-maya pumasok na si manang sa kwarto ko at umupo na at kumain nag sepilyo ako at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha at bumaba na . Pagkababa ko ay dumeretso na ako palabas at nandun si manang nag-aantay sa akin agad akong humalik sa pisngi niya at siyay napangiti. "Papasok na po ako promise pagbubutihin ko po sa pag-aaral gaya ng sabi niyo palagi bye po kita nalang po tayo pag-uwi ko " ngiting ngiti na sabi ko . "Oh sige hiya mag-ingat ka ha hihintayin kita mamaya " sabi niya at hinalikan din ako sa pisngi at sumilay na naman ang ngiti ko mas magaan pa ang loob ko Kay manang kumpara Kay mommy ,tinuturing ko na ring ina si manang kasi andiyan siya palagi at nagpapasalamat ako na nandiyan siya . "Kayo rin po ingat " at sumakay na ako sa kotse at tuluyang lumayo sa mansyon at papunta na sa eskwelahan ko . Pagka park ng kotse ay agad akong bumaba at kinausap saglit ang driver at lumakad na. At habang naglalakad ako ay bunganga agad ni nyx ang sumalubong sa akin. "Maggyyy! Ayan nandito ka na tara sabay na tayo pumasok sa room dali." kahit kailan Yung bunganga niya parati ang sumasalubong sa akin nakakahiya minsan kasi bigla bigla nalang lalakas ang boses. Kung hindi malakas Yung boses niya Yung tawa niya naman, ewan ko ba sa babaeng toh bat madami parin nagkakagusto dito. At tamang tama wala daw kaming guro ngayon at dumiritso na kami ni nyx sa library kasi bet kung magbasa ngayon wala gusto ko lang . Pero hindi pa nga ako nakakalahati sa binabasa ko bunganga na naman ni nyx ang naririnig ko . "Huy bunganga mo nasa library tayo mamaya kana dumaldal baka masita tayo dito." pabulong na sabi ko. "Ito na nga maggy may new guy dito sa paaralan natin transferee daw galing states oh my god I'm so excited na talaga balita ko ang gwapo daw eh omg can't wait to be his girlfriend." excited na sabi niya. "Gaga ka as if naman mapapansin ka nun baka iba type nun, hindi ikaw tumigil ka nga diyan. Kaya ka nasasaktan eh assuming ka!" sabi ko at bigla nalang siyang natigilan at napatitig sakin at parang iiyak na iyakin pa naman tong babaeng ito. "Wala namang mawawala ah kung mag assume ako na gusto din ako non. Malay mo may love at first sight magaganap tapos magka inlaban kami. Oh diba full package omg." tuloy-tuloy na sabi niya habang nag ngumingiti. "Sige ituloy mo yan. Mangarap ka ng gising." sabi ko sa kanya napabusangot naman siya bigla. "I thought support ka sa akin sa lahat bat ganyan ka makapagsalita akala ko ba magkaibigan tayo bat ganyan ka magsalita sa akin maggy bakit?" kunwareng iyak niya, ito na nga ba sinasabi ko aarte talaga. "Hindi naman sa ganon syempre support ako sa lahat andito Lang ako palagi pero sorry ka Hindi ako support sa pagka assuming mo." pagmalditang sabi ko sabay irap. "Maggy naman!" pasigaw na sabi niya "Quiet!" sabi ng nagbabantay sa library "Huy tumahimik ka nga oh sorry na alam kung nagsasabi ako ng totoo at hindi kita inaway diyan napaka arte mo talaga. Oh sorry na tara na baka malate tayo sa second subject. Alam mo naman si miss baka hindi tayo papasokin non." tumango siya at tumayo na kami at lumabas na sa library at dumiritso na sa room. Dumating si miss at nagturo na siya hanggang sumunod ang pangatlong subject at tuloy parin ang pagturo sunod ang pang-apat at pagkatapos non lunch break na. Habang nagliligpit ako walang imik si nyx at ng patapos na ako sa pagliligpit ko tumayo siya't lumabas. Ay napikon ate mo ghorl. Kaya agad-agad kong niligay ang mga gamit ko at Dali daling lumabas at hinabol siya. Hindi man Lang siya tumigil sa paglalakad kahit tinatawag ko siya may sapi ata tung babaeng toh . "Huy nyx anyare sayo may sapi ka ba?" takang tanong ko . "Nagtatampo Lang ako sayo Kasi dun sa sinabi mo!" sigaw na sabi niya "Ewan ko sayo napaka arte mo naman tara na lunch na tayo libre ko para sumaya ka naman food is life ka pa naman tara na". "Sige Basta libre mo ha tara na gutom na ako." excited na sabi niya food is life nga tung babaeng toh . Nag lunch kami at habang kumakain kami ay umingay. Bigla agad akong napatingin sa harap at nahagip ko ang dalawang lalaking papasok sa cafeteria. Pinagkakaguluhan ng mga kapwa ko estudyante , ay wow ang galing ng entrance kala mo naman kung sino tsk . "Oh my god Maggy siya na yan ang gwapo talaga niya shet!" "Ha? pasigaw na sabi ko . "Hakdog" sabi ni nyx "Lintek kahit kailan ka talaga." Inirapan ko Lang siya at napatingin sa dalawang lalaki na napadaan sa gawi namin ito namang katabi ko tudo titig kulang nalang kunin ko tung dalawang mata nito eh. " Huy nyx san yung sinasabi mong gwapo ha. Hindi naman gwapo ah muka ngang suplado bat baliw na baliw ka diyan wala namang dating. Napangiwi siya sa sinabi ko at dali- daling tumayo. "Anong Hindi gwapo bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita ang nakikita namin? Aba ipatingin mo na yang mata mo baka Malala na yan." Ay bat kasalanan pa ng mata ko? "Dami mong sinasabi diyan! Bahala ka paniwalaan mo yang gusto mo. Bilisan mo na nga Lang diyan kumain para makapunta na tayo sa gym. Baka kasi mag simula na yung program kung wala lang talagang attendance hindi ako pupunta dun mas gusto ko nalang pumunta sa Library ng school." Tuloy tuloy na sabi ko pero itong si gaga Hindi pala nakikinig sa akin Kasi tudo tingin dun sa lalaking yun nagseselos na ako ha kaya pinitik ko yung noo niya at napatili siya agad. "Aray ha ang sakit nun ikaw kaya pitikin ko." paghahamong sabi niya. "Tangina ka talaga kanina pa ako nagsasalita dito pero Hindi ka pala nakikinig. Dapat Lang yan sayo , huy yang mata mo dudukotin ko yan ngayon sige ka tumigil ka nga kakatingin diyan kumain ka na nga diyan para makapunta na tayo sa gym" galit na sabi ko. "Opo ma'am Ito na po kakain na dadalian na po ma'am." pang aasar na sabi niya Natapos na kami at pumunta na sa gym at umupo at na dismaya ako sa nalaman kasi apat na oras daw yung program. Bwesit akala ko pa naman matatapos agad pero hindi pala. Nagtuloy- tuloy lang yung program pero wala pa ngang isang oras na bored na ako ano ba naman toh gusto ko ng umalis dito jusko. Lumipas ang tatlong oras walang pumapasok sa utak ko inaantok ako na ewan ano ba naman toh gusto ko ng umuwi . Dahil sa bored na ako at kanina pa lumutang kung saan- saan yung pag-iisip ko, hindi ko namalayan na kanina pa pala tapos nakatulala pala ako kanina kung hindi lang ako niyogyog ni nyx hindi babalik ang ulirat ko . "Huy anyare sayo kanina ka pa tulala diyan ah laki ng problema natin sis ha." tawang tawa na sabi niya. "Che tara na nga gusto ko ng umuwi." inirapan ko Lang siya at nagpaunang naglakad at nung nakita ko na Yung kotse namin nagpaalam na ako Kay nyx at pumasok sa loob. Pagkababa ko dali Dali akong pumasok at nakita si manang nag usap kami saglit. Nagpaalam muna ako na aakyat muna sa kwarto ko para maligo kasi parang ang lagkit lagkit ng katawan ko ngayon. Ewan ko ba or sadyang nahawa Lang ako sa kaartehan ni nyx. Dalawang oras ata akong nandun sa loob ng banyo. Ano ba tung ginagawa ko para naman akong tanga neto. Nagbihis ako at bumaba na para kumain. "Si Mommy at Daddy po dumating na Po ba?"tanong ko "Hay nako iha tumawag Yung mommy mo sa akin ang sabi niya malalate daw sila ng daddy mo makauwi ." sabi ni manang na halatang malungkot , ano pa bang maaasahan ko sanay naman ako neto eh na wala sila or late . "Ayos lang ho naintindihan ko." Ngiting sabi ko pagkatapos kung kumain umakyat na ako sa kwarto at nagsepilyo na nagpasya kong magbasa muna hanggang hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. ************ Maaga akong naghanda para pumasok himala nagising ako ng maaga dahil siguro nakatulog ako ng maaga kagabi na walang inisip. Kaya nung nagising ako ay dumiritso na ako sa banyo para maligo tapos nagbihis at bumaba na. Wala Lang feel ko lang bumaba para kumain parang hindi ako tinatamad ngayon . "Goodmorning manang." Bati ko "Goodmorning iha sayang hindi na naman kayo magsasabay kumain ng Mommy at Daddy mo."sabi niya "Sanay na Po ako kung dati nga halos Hindi sila umuuwi eh."tumango Lang siya at ngumiti. Umakyat na ako sa kwarto para mag sepilyo at mag-ayos bet ko rin kasing ikulot ng kaunti yung buhok ko trip ko lang. Bumaba na ako para pumunta na sa eskwelahan ko at Yun nandun na naman si manang nagpaalam ako at sumakay na sa kotse . Pag park ng kotse Hindi pa nga ako nakakalabas bunganga na naman ni nyx yung bumungad ewan ko ba sa babaeng toh ang daldal. Parang Routine ko na ito pagpapasok sa paaralan eh. May bungangang sasalubong sayo. "Omg maggy Alam mo ba nung pumunta ako sa bookstore kahapon nandon yung Liam ang gwapo talaga niya sobra crush ko na siya."kinikilig na sabi niya inirapan ko Lang siya at umunang maglakad jusko stress na stress ako umaga palang dahil sa pinagsasabi ni nyx . "Maggy!"tawag niya pero Hindi ako lumingon bahala nga siya . Habang naglalakad ako papunta sa room ko may bigla nalang bumangga sa akin at nahulog lahat Yung mga libro ko sa sahig . Ano ba naman bat umaga palang minamalas na ako bwesit! "Sorry miss wag ka kasing humarang harang sa dinadaanan ko." sabi nung anemal na bumangga sa akin . Kaya hinarap ko siya at kusang kumulo yung dugo ko sa lalaking nakita ko. Wow ha hanep siya pa may ganang magalit kingina . "Huy ikaw yung bumangga sa akin at anong paharang harang, hanep ka rin eh no bakit hinaharangan ba kita ha! Nasa tabi Lang ako naglalakad at ikaw yung gagong bumangga sa akin kaya wag mo akong sasabihan na humaharang ako!" galit na sigaw ko. Wow ha Ito yung gwapo tsk ang pangit pala ng ugali bwesit . Inis kung pinulot ang mga libro ko. "Ang ingay mo." sabi niya magsasalita pa sana ako ng bigla siyang tumalikod para umalis. Ay wow bastos hindi man lang humingi ng paumanhin. Inis akong tumakbo sa kanya at tinapik ko ang likod niya at kusa naman siyang napalingon sa akin. "Bastos! Walang modo!" sabi ko at maglakad na sana paalis pero may humablot sa kamay ko inis akong tumingala sa walanghiya. Anong sabi mo? sabi nya. "Bingi ka ba ha? Linis-linis rin ng tenga para hindi mabingi." sabi ko pero ang walanghiya inilapit nya ang kanyang mukha sa akin bigla akong kinabahan hayup na yan. Kung may gagawin ba ako sayo rito mapanindigan ko ba pagtawag mo ng BASTOS sa akin at pagiging Walang modo? tanong nya habang ngumingiti nakakakilabot naman nyan pero ang gwapo nga talaga neto masama lang ang ugali ng hayup. "Lumayo ka nga nakakasira ka ng araw ko alis." tarantang sabi ko sa kanya sabay tulak. "Hoy lalaki kung may problema ka sa buhay mo wag mo kong isasali may roof top dun . Doon ka magdrama wag mo kong isali sa kawalanghiyaan mo . "Bakit kung sasabihin ko ba sayo na meron sasama ka ba?" Anak ng pating hanep rin naka drugs bato lakas ng amats ha. Ha! Asa ka! Wala akong sinabing sasama ako sayo! sabi ko na may irap at dali daling umalis gagong yun dinadamay ako sa kawalanghiyaan kainis! "Oh Maggy anyare galit na galit girl?" tanong ng napaka pakealamerang classmate ko na muka ng clown dahil sa make up niya. "May naka salubong Kasi akong DEMONYO!" Inis na singhal ko at diniinan ang panghuling salitang sinabi ko. "At kukunin ka na daw niya maghanda ka daw ." inirapan ko siya at tumalikod na baka matawa Lang ako sa mukha niya eh. Dumating si nyx na may dalang pagkain kahit kailan talaga ang takaw neto. May itatanong sana siya ng pumasok na ang guro namin at nagsimulang magturo. Patuloy lang Yung klase namin hanggang hindi ko namamalayan na lunch na pala kaya ng pagka dismiss sa amin ay nagligpit na ako at hinintay si nyx sa labas. At pagkalabas niya galit na naman yung maarte Kung kaibigan . "Oh anyare sa muka mo?"tanong ko. "Bat inaway mo yung Liam ko?" Tanong niya. "Gaga ka ba ikaw ba naman banggain hindi ka magagalit gaga."singhal ko "Hindi kikiligin ako nun maggy noh. Ikaw ba naman mabunggo ng crush mo duhhh." Pagkasabi niya ng yun inirapan niya Lang ako napaka walang hiyang kaibigan dun pa kumampi sa bwesit na liam na yun . "Seriously Nyx? tumango Lang siya habang nakangiti . "Tara na nga gutom na ako!" Pagpasok namin sa cafeteria nagkagulo na naman dahil dun sa pisteng yun. Kaya itong kaibigan ko para na namang temang ngiti ng ngiti. Hanggang sa nakaupo kami hindi parin mapakali si nyx kaya inirapan ko lang siya. "Maggy ang gwapo sobrang gwapo!" "Tumigil ka nga kumain ka na Lang diyan dami mo pang dada." Bwesit ewan ko ba bakit lahat nalang gusto siya. Eh wala nga akong magustuhan diyan eh tanga Lang siguro ang magkakagusto diyan sa lalaking iyan isa na dun Yung kaibigan ko nahawa na sa katangahan ng iba . Natapos ang lunch namin pangalan parin niya ang naririnig ko, na bukambibig parati ni nyx yung pangalan niya maganda pero ugali non mala demonyo . Tuloy tuloy ang klase namin nag groupings pa at oo pangalan na naman niya naririnig ko duhhhh nakakarindi. Natapos ang klase at uwian na sa wakas makakauwi na ako ng bigla akong kinalabit ni nyx . "Mall tayo sige na ang tagal na nating hindi nag mamall dali na." pagmamakaawa niya kaya pumayag nalang ako sabagay ang tagal narin hindi kami nag mamall kaming dalawa . Sa kotse na siya sumakay tatawagan nalang daw niya yung driver nila para sunduin siya pagtapos na kami. Pagka park ng kotse pumasok na kami sa mall at bumili ng milk tea. Tumingin rin kami ng mga damit pero si nyx lang bumili Hindi ko trip bumili ngayon . Tudo daldal si nyx pero puro lang din Liam na naririnig ko sa bibig niya hobby na ata ng bibig niya yang pangalan na yan. Nagpasyahan namin na pumunta ng bookstore at may bibilhin rin akong bagong labas na book . Habang hinahanap ko ang libro na gusto ko may bigla na namang bumunggo sa akin bwesit. "Aray!" singhal ko at ng magtama ang paningin namin kumulo na naman dugo ko bwesit siya na naman! Talagang malas talaga Yung araw ko na toh. "Ikaw na naman hobby muna siguro yung pabunggo mo sa akin noh Hindi ka pa nga humihingi ng tawad nambubunggo ka na naman hanep." inis na sabi ko sa kanya. "Sorry Hindi Kita napansin liit mo kasi."Sabi niya habang nakangisi. "Anong Sabi mo maliit ako? Huy matangkad ka Lang sa akin kaya sinasabi mong maliit ako pero Hindi ako maliit kapal ng mukha mong sabihin yan sakin." kunting kunti nalang talaga masasapak ko na toh . "Okay hindi ka na maliit chill. I'm sorry again." tawang tawa na sabi niya at naglakad na paalis. "Why you took so long kanina pa kita hinahanap ah andiyan kalang pala. Nakita mo na yung hinahanap mo tara na para makapag ikot pa tayo." sabi ni nyx at tumango Lang ako. Nag ikot nga kami at nag pasyahang umuwi na pagkatapos namin. Nasa pintuan na ako nakarinig ako ng boses sa loob kaya pumasok ako at nagulat ng nandun yung magulang ko kaya ngumiti ako habang papunta sa kusina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
784.7K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
18.3K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
553.9K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.2K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.7K
bc

The Lone Alpha

read
123.0K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook