Gusto sana niyang kumustahin ang lakad ni Kent ngunit pinigilan niya dahil baka lalo lang siyang magselos sa ikikwento nito. Di man lang ito nag-kiss sa kanya. Hmmp! Nakahiga na siya patalikod sa pwesto ni Kent nang matapos itong maligo at di nagtagal ay naramdaman niya ang paglundo ng kama and as usual yumakap sa bewang niya ang isang braso nito. Di naman siya nagpakipot lalo’t amuy na amoy niya ang bagong paligong katawan nito kaya humarap siya rito at mabilis siya nitong hinalikan sa mga labi. Ngumiti nalang siya rito at gaya ng nakasanayan na niya ay yumakap siya sa dibdib ng binata. “Goodnight.” Masuyong sambit ni Kent sa kanya. Ganon naman sila lagi pag gabi. Isang dampi ng kiss at magyayakapan hanggang sa makakatulog nalang. Nasanay na siya sa ganon. Pero ngayong gabi

