Kinabukasan ay halos tanghali na pumasok si Kent sa trabaho. Parang ayaw nga sana nitong pumasok ngunit kailangan at para na rin daw hindi magduda rito si Doña Faustina. Anito ay si Doña Faustina talaga ang nagpapahanap sa kanya ngunit napilit nito ang imbestigador na sa binata na lang mag update at iligaw ang paghahanap sa kanya ni Doña Faustina. Somehow ay nakahinga siya ng maluwag. Pero maghapon parin siyang hindi lumabas sa condo ni Kent. Siguro ay nasanay na rin siyang palaging nasa loob lang ng bahay dahil simula nung magising siya sa hospital ay halos di naman siya umaalis ng bahay. Kahit nong nasa Cavite siya ay lalabas lang siya pag kakain at kung kadalasan nga ay nagpapadeliver na lang siya para na rin maiwasang may makakita sa kanya na posibleng makakilala sa kanya. Idagdag

