bc

The Missing Piece

book_age16+
901
FOLLOW
3.5K
READ
dark
one-night stand
family
pregnant
arranged marriage
independent
drama
mystery
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa isang gabing pagkakamali, pagdudugtungin ng tadhana ang kapalaran ni Andromeda Crealle at Neon Strontium. Sa kagustuhang hindi matulad sa kanyang buhay, pipiliting habulin ni Andromeda si Neon upang panagutan ang dinadala niya. Ngunit ang alam nilang isang gabing pagkakamali, dahil nga ba sa plano ng iba? Sa paghahabol ni Ada kay Neon, dadalhin siya ng kanyang mga paa sa Vaun Deriogne kung saan kasalukuyang naglilingkod si Neon, isang institusyon na pinahahalagahan ang legal na pagpatay kung hindi susunod sa kontrata. Sa mundo ng negosyo, hindi ka maaaring lumabag sa nakatala sa papel. Hindi ka pwedeng tumakas lalo na't parte ka ng Underworld. Dito matutuklasan ni Andromeda na hindi lang aksidente ang lahat, may dahilan kung bakit siya napunta roon. Tanggapin kaya niya ang magiging posisyon niya sa Vaun Deriogne lalo na't maraming nag-aabang na siya ay magkamali? At kikilalanin ba ni Neon ang pinagbubuntis ni Andromeda sa kabila ng ng aso't pusa nilang pakikitungo sa isa't isa?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
ANDROMEDA The Moonlight—iyan ang pangalan ng lugar kung saan ako nakaharap ngayon. Ikinalat ko ang paningin ko sa buong lugar. Nasa labas pa lang ako pero kitang-kita ko na ang mga disco lights na nagmumula sa loob. Malakas na tugtugan na nag-iimbita sa mga taong nasa labas tulad ko. Mga taong nagsasayawan, tapos may dalawang malalaking lalaki na nasa pintuan. Nakabukas ang pinto kaya kitang-kita mo ang nangyayari sa loob. Kinagat ko ang labi ko. Dito ba talaga makikipagkita sa akin si Tulip? Huminga ako ng malalim. Mukhang dito nga. Hindi ako nagkakamali. Si Tulip pa? Nakapasok ako sa loob. Iginala ko agad ang paningin ko. Malaki pala ang lugar na ito. May mga nagsasayawang tao sa gitna ng dancefloor. Tapos may mga nasa gilid naman na nagkekwentuhan at yung iba ay umiinom ng alak. Takte, kung agad kong makikita si Tulip dito, mabilis ko siyang papaulanan ng talak at pingot. Sinabi ng hindi ako nagpupunta rito eh. Hindi naman sa hindi ko gusto, wala lang talaga akong oras dahil mas mahalaga ang trabaho. Umupo ako sa isang bangko sa pinakagilid ng bar area. Humingi lang ako ng tubig. Sabi ko kasi, mamaya na ako mag-o-order dahil wala pa naman 'yung kasama ko. Kahit na ang totoo, makita ko man dito si Tulip ay hindi ko iyon hahayaang bumili ng kahit anong alak, light man iyan o hard. Tuloy lang ang nakabibinging ingay at tugtugan. Sinulyapan ko ang mga taong nagsasayawan, parang mga ibon na sabay-sabay pinakawalan sa hawla, grabe kung magwala. Para mawala ang atensyon ko sa kanila ay inilabas ko na lang ang phone ko. Keypad lang ito dahil hindi pa ako nakakaipon. Tinext ko si Tulip. Walang hiya, ten minutes na siyang late. Alam naman niyang ayaw na ayaw ko sa mga taong nahuhuli sa oras ng napag-usapan eh. Tinawagan ko na rin siya pero out of coverage daw. Lintek. Pupuntahan ko na lang siya sa apartment niya, doon ko na lang siya hihintayin. Kaysa naman dito, baka may mangyari pang kung ano sa akin. Aba, mahirap na... Hindi pa ako nakalalayo sa inupuan ko ay may humawak na sa braso ko, "excuse me, Miss." Pagkaharap ko ay tinaasan ko agad siya ng kilay, "bakit?" Lumitaw ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Isang estranghero ang nasa harapan ko. Itim at may gel ang buhok niya. Singkit ang kanyang mga mata. May itim na hikaw sa magkabilaan ng kanyang tainga. Puti ang t-shirt niya at may suot na itim na leather jacket. "Bakit?" hindi ako judgemental ah, pero ang ganitong tipo ng mga lalaki ang madalas na bumihag ng mga puso ng mga babae... pero hindi do'n natatapos ang kwento dahil... "Gusto yatang makipagkaibigan sayo ng kasama ko..." dahil ang ganitong mga klase din ng lalaki ang mga manloloko. Binawi ko sa kanya ang braso ko, "bakit, wala ba siyang ibang kaibigan?" Ganitong-ganito ang mga style ng mga adik sa amin kaya alam ko na rin kung paano sila pakitunguhan. Mga lalaki talaga, naghahanap na naman ng mapagtitripan. "Miss, sandali!" sa pangalawang beses ay hinawakan niya ulit ang braso ko. "Ano ba, titigilan mo ako o susuntukin kita?" "Woah, stay there. I'm not gonna hurt you. Sinasabi ko lang na gustong makipagkaibigan ng kasama ko. What's wrong with that?" Ginaya ko ang reaksyon niya, "woah, stay there. Pwede ba, lumayo-layo ka sa akin ah. Kung nakikita mo siguro ang itsura mo ngayon, malalaman mo kung bakit kita gustong layuan." "Dude, tigilan mo na nga siya. Hanapin na lang natin 'yung iba pa nating kasama and let's go home," wika ng isang lalaki sa likod ng lalaking kausap ko. Siya yata yung tinutukoy ng lalaking kausap ko na gustong makipagkaibigan sa akin. "Dude—" hindi ko na sila pinansin at naglakad na ako. Pero sa pangatlong beses ay may humawak na naman sa braso ko, at sa pagkakataong ito ay mahigpit na ang pagkakahawak niya. Bago ko pa siya mapagsalitaang muli ay naramdaman kong may nag-inject sa akin ng kung ano. "Uy anong—" natapos na ang pagturok sa akin ng walang kulay na likido at pagkatapos ay hinigpitan ng lalaki ang hawak sa aking braso. Mabilis na gumalaw ang lahat ng pigura sa aking paningin. Kasabay no'n ang paglapit at paglibot sa amin ng maraming lalaki na pare-parehong nakasuot ng itim. "Si Neon, hawakan niyo si Neon. Ako na ang bahala kay Andromeda," hindi ako nakagalaw—mas maiging sabihin na hindi ako nakatutol sa mga ginawa nila sa akin. Isinakay nila ako sa kotse, katabi ko ang lalaking nakahawak pa rin sa braso ko. Pagkasara ng pinto ay mabilis na umandar ang sasakyan. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana. Lintek, ang sakit na ng ulo ko! Anong ginawa nila sa akin? "Ano, settle na ba ang lahat?" "Yes, Sir." Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Kumpara kanina ay bahagya nang nabawasan ang p*******t ng ulo ko. Gano'n pa rin ang paningin at ang galaw ko, parehong hindi stable. Kinuha ng isang lalaki ang braso ko, at inilabas nila ako sa sasakyan. Noong una ay pagewang-gewang ang paglalakad ko, parang wala akong buto at walang kalatoy-latoy ang lahat ng galaw ko, kaya siguro napagdesisyunan ng lalaking humahawak sa braso ko na isampay na lang ako sa kanyang balikat. Unti-unting nagbabago ang sahig, nagiging tiles na ito mula sa kaninang semento lang, pati ang ilaw ay mas lumiliwanag. Tanging mga naglalakarang mga paa lang na nakasunod sa amin ang nakikita ko. Ang sumunod ay nalaman kong sumakay kami ng elevator at nang tumunog ito ay sinalubong kami ng isang grupo ng mga lalaki. Umiinit ang pakiramdam ko. Parang... parang... gusto kong... "Ipasok niyo na silang dalawa sa loob tutal naman ay sigurado akong pareho na silang dalawa na nakakaramdam ng init." Mabilis ang mga pangyayari. Nagbukas ang isang kwarto, ibinagsak nila ako sa kama, tapos may pinapasok silang isang lalaki, at nagsarado ang kwarto. Ang sarap magmura ng todo. Kaso mukhang kahit bibig ko yata ay tinakasan ako ngayong gabi. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa hotel kami. At... at... Manipis lang ang polo na sinuot ko ngayon pero bakit mainit?! Bakit naiinitan ako?! "K-kai... l-langan kong..." tinignan ko ang lalaking kasama ko sa iisang kwarto at matalim niya akong tinitignan pabalik. Habang ginagawa iyon ay naglalakad siya palapit sa akin. Bwisit. Pareho kaming... Nasaan na ba 'yung lintek kong cellphone?! Bago ko pa mahanap ang phone ko ay naramdaman kong sumampa ang lalaki sa kama kung nasaan ako. Matatalim at nakakapangilabot ang mga mata niyang nakatingin sakin, pero hindi iyon ang mas nakita ko kundi ang kalahati ng katawan niyang hubad na. "A—" bumagsak ako sa kama. Mas nawalan ako ng lakas. Hindi ko alam kung bakit at paano. At hindi ko rin alam kung paano mababawi ang lakas na unti-unti nang nawawala sa akin. Mabilis akong binalutan ng init sa katawan. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ako nagdalawang-isip na tanggalin ang ilang butones ng polo na suot ko. Pero hindi nagtagal ay itinuloy ng lalaking kasama ko ang pagtatanggal ng mga natitirang butones, pipigilan ko sana iyon nang mabilis na dumapo ang kanyang labi sa leeg ko. Pilit kong inilalayo ang labi niya sa leeg ko pero nahihirapan ako—either dahil sa itinurok nilang likido sa akin kanina o dahil sa sitwasyon ngayon na gusto kong kumawala kahit nanginginig ang tuhod ko. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko ng mahigpit at marahas niya akong hinalikan. I can smell the mint in his breath. Patuloy ang halikan namin nang maramdaman ko ang kamay niya sa pantalon ko, unzipping the zipper. Shit. He's kissing me torridly at hindi ko na mahanap ang hangin sa pagitan naming dalawa. Sandali siyang kumalas sa labi ko at mabilis niyang ibinaba ang pantalon ko. Ang ipinagtataka ko ay bakit hindi ko magawang tumutol. Bakit hindi ko magawang kumontra sa mga nangyayari? Pagkatapos ng ilang oras ay tanging bra at underwear ang natitira sa akin, underwear na lang ang kanya. Hinalikan niya ulit ako at sinuportahan niya ang likod ko habang binabangon ako. Hindi ko alam kung ano ang intensyon niya. Ang sumunod ay dahan-dahang lumapag ang kanyang kanang kamay sa dibdib ko, at unti-unti ay gumagapang ito sa ilalim ng aking bra hanggang sa umikot ito patungo sa likod at tinanggal ang hook ng bra ko—revealing my breasts. "I don't know what to do with your... breasts..." kung hindi ako nagkakamali ay paos ang boses niya, pagkatapos ay inihiga niya ulit ako. Ang isa niyang kamay ay nasa aking tagiliran at ang kanan naman ay nakahawak sa buo kong kabilang dibdib. Patuloy ang paglibot ng labi niya sa kaliwa kong dibdib, habang ang isa niya namang kamay ay tuloy lang sa pagmasahe ng isa ko pang dibdib. Pagkatapos ay bumalik ang labi niya sa labi ko at tuloy ang halikan namin. Mas lalong bumaba ang mga kamay niya, hinahaplos na ang dalawa kong hita. Sa pagtagal ay mas lalong lumalapit ang mga kamay niya sa underwear ko hanggang sa makapasok ang kaliwa niyang kamay sa loob nito at walang ano-ano'y mabilis na ibinaba ang suot ko. Hindi ko alam kung kailan pero nakatulog na lang ako. May nararamdaman akong sakit sa loob ko pero hindi ako makaangal. Nagpagising sa akin ang sinag ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana. Naramdaman kong wala akong saplot sa katawan at magulo ang ayos ng kama. Namilog pa lalo ang mata ko nang may makita akong dugo sa hinihigaan ko. Patay... ~~~ "You are three weeks pregnant, Miss Crealle. Congratulations," napapikit ako habang napanganga naman si Tulip. "Ano po ulit iyon, Doc? Kasi hindi malinaw 'yung—" "Tatlong linggo ng buntis ang kaibigan mo, hija," wika ng doctor kay Tulip. "Po? Paano po nangyari 'yon?" binatukan ko si Tulip at nagpasalamat na sa doctor. May ilan pa siyang sinabi at tinandaan ko 'yon. Lumabas na kami ni Tulip at pareho kaming tahimik. "Anong plano mo?" "Hahanapin ko ang ama ng bata," pinal kong wika. Para bang walang makakapigil sa akin sa gagawin ko. Naaalala kong pumunta ako sa isang bar dahil sa text ni Tulip. Naaalala ko rin ang lalaking kasama ko sa iisang kama at ginagawa namin ang bagay na 'yon. Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano ako nakaalis ng bar at nakarating sa hotel? Sino ang nagdala sa akin doon? For sure naman hindi ako pupunta sa mga ganong lugar ng kusa dahil wala akong gano'ng kalaking pera para pumunta do'n. Pakiramdam ko ay may mga mahahalaga akong detalye na nakalimutan. Posible kayang bumili ako ng alak, sumakit ang ulo ko, at dahil do'n ay nakalimutan ko ang ilang mga nangyari? Bwisit. Lalong sumasakit ang ulo ko kapag mas iniisip ko kung ano ang nangyari sa akin! "Talaga? Eh saan mo naman siya hahanapin, aber? Tsaka para talagang hindi kapani-paniwala 'yung nangyari sayo eh." Inirapan ko siya, "Tulip, ilang beses ko nang ikwinento sayo ang lahat. Ikaw nga 'yung nagtext sakin at nakipagkita ka pa sa akin sa isang bar." "Pero ilang beses ko ring sasabihin sayong hindi ako 'yon, Ada. Nanakaw ang cellphone ko tapos wala pa akong pera kaya paano ako makakapunta sa mga gano'ng bar. Tsaka ang taba rin kasi ng utak mo, bakit naman ako makikipagkita sayo sa isang bar ng alas dose ng gabi ha?" "Naisip ko kasi na hindi na tayo nakakapagkita tapos bigla kang nagtext sa'kin pagkatapos ng duty ko, na heto ka't nakikipagkita sa akin sa isang bar. Eh alam ko kasing party girl ka—" "Hay nako Andromeda! Alam mo, ang ganda ng pangalan mo pero ewan ko kung may laman ang utak mo! Nako nako, nanggigigil ako!" Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko. Tiyak na mahihirapan ako nito. Kwinento ko na kay Tulip ang lahat at pareho naming iniisip na huwag sabihin sa mga awtoridad ang nangyari sa akin. Kagaya ni Tulip noong una, tingin ko ay hindi rin sila maniniwala sa kwento ko. Sa lahat ng nararamdaman ko, ang sarap lang na magmura. Bwisit! "Sabihin ko na ba kay Ma'am na titigil ka muna sa trabaho?" Nagkibit-balikat ako, "hindi ko alam, Tulip. Saan naman ako magsisimulang hanapin ang hinayupak na lalaking 'yon?" "Sandali, hindi ba't sinabi mong may nakita ka sa sahig bago ka umalis ng kwartong 'yon?" natigilan ako sa sinabi ni Tulip at matagal bago nagproseso ang lahat ng sinabi niya sa akin. Oo nga, 'no? Nilabas ko ang kaisa-isang bagay na pwede kong magamit para mahanap ang lalaking 'yon at agad namang kinuha ni Tulip. Isang calling card. Naglalaman iyon ng kaunti ngunit sapat na detalye para magsimulang hanapin ang lintek na lalaking 'yon. Nathaniel Strontium President of Strontium Industry

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.5K
bc

Love Donor

read
87.1K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.0K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
539.1K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
317.2K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
330.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook