"Sir, magsasara na po kami pero ayaw niya pa rin umuwi kaya naman tinawagan ko na kayo." Sabi ng crew ng Bar. Inabotan ko agad ito ng isang libo peso galing sa walet bilang tip ko dito. At pasasalamat na rin dahil hindi niya iniwan ang dalaga.
"Here? Thank you. Ako na bahala." Malamig niyang sabi. Kung hindi lang kasalanan manakit ng babae baka matagal ko na hinagis sa dagat ang anak ni Marvin.
Kaagad kong binuhat ang dalaga papunta sa sasakyan ko. Wala na siyang malay dahil sa kalasingan. Marami siyang ginawang kalukuhan na hindi alam ni Marvin. Lahat na lang mga ginawang kasalanan ng dalaga ako nag-aayos. Iwan ko ba bakit ginagawa ko pa din at pinagtiyagaan ang ugali ng babaeng iyan. Nakakasakit ng ulo. Malaki ang utang na loob ko kay Marvin dahil sa pagkaligtas ng buhay ko, kaya ako bumabawi. Nang makiusap siya sa akin bantayan ang nag-iisang anak niya. Hindi ako nagdalawang isip na umoo agad. Kahit hindi ko pa kilala o nakita anak niya. Hindi ko naman akalain na sakit lang sa ulo ang binibigay sa akin ng babaeng iyan. Walang araw na hindi siya nasasangkot sa gulo. Dahil sa sama ng ugali. Minsan hindi ko maitindihan ang katigasan ang ulo, o talagang sinasadya lang ng dahil ayaw niya sa akin bilang bodyguard.
Kung pwide pa lang ilibing ng buhay ang babaeng iyan. Baka matagal ko ng ginawa. Believe din ako sa sarili ko. Dahil nahahabaan ko pa ang pasensiya sa dalagang iyan. Kapag tulog nagmukha siyang anghel sa paningin ko. Parang hindi makabasag pinggan. Humugot na lamang ako ng hangin mula sa aking dibdib at maingat naman pinasok sa loob ng sasakyan nang makitang okay na, saka ako pumasok at tumabi ng upo sa dalaga.
"Mark, let's go!" Sabi ko sa naking assistant at na rin driver. Matapos maisara ang pinto.
"Ohh! Malamig..." Rinig kong sabi. Umusog sa tabi ko ang dalaga at siniksik ang sarili sa akin. Hindi ko alam na malikot siya kung malasing kung anong -ano na lang hinawakan ng kamay niya. s**t!
Sighed.
Hinayaan ko lang siya. Hindi niya alam ang ginagawa. Kapag nasa tamang pag-iisip siya. Sigurado akong mabilis pa sa alaskuatro ang pag-iwas sa kaniya at sigurado din akong magmumura siya kapag makita ang pagmumukha ko. At cute naman sa paningin ko. Kapag naging dragon na ang etsura ng dalaga. Nasisiraan na talaga ako ng bait lahat na lang na pangit sa ugali ni Honey normal na sa akin. Hindi kasindaksindak... Damn! Hindi ko gusto ang pakiramdam na iyon. Pero hangga't maari pinigilan ko ang sarili hindi mahulog sa dalaga. Masasaktan ko lang siya.
Kinabukasan.
Masakit ang ulo ni Honey ng magising. Parang mabiyak ito sa sobrang kirot.
"Ahh!" Hiyaw ko sa sakit. Habang hawak ng kamay ko aking ulo.
"Here... Para mawala ang Hangover mo." Sa familiar na boses. Agad ko naman kinuha ang gamot at ininom kaagad.
"Thank you. " Pagpapasalamat ko. Sabay angat ng tingin ko. Kaagad akong napasigaw at lumayo kaagad sa lalaki.
"Ahh! Anong ginawa mo dito. Bakit nasa kwarta ka, ha? Anong ginawa mo sa akin?" Sunod sunod kong tanong sa lalaki.
Nagkibet-balikat siya.
"Lilinawin ko lang babaeng lasenggera! Una, kwarto ko ito. Look around?" Agad ko naman nilinga ang aking paningin sa paligid. Hindi nga ko silid ang tinulogan ko. Pero paano ako napunta dito at silid pa ng kumag na iyan.
"P-paano ako..."
"See?"
"Paano ako napunta dito. Alam ko nasa Bar ako..."
"Yes, lasing na lasing ka at dahil sa kalasingan mo nakatulog kana. Alam mo ba mayroon akong appointment ng gabing iyon ng tawagan ako ng mga bodyguards mo nawawala ka daw, at crew ng Bar dahil magsasarado na sila. Kababae mong tao umiinom ka? Paano kung hindi ako dumating ano kaya mangyari sayo, ha? Siguro pinagpestahan ka ng mga lalaking halang ang mga kaluluwa." Kalmadong sabi sa akin. Well salamat sa bakulaw na ito. Dahil safe ako at walang nangyaring masama sa akin. Semprey, hindi ko sasabihin. Sa isip ko
"Oo na... Mali na ako!" Pakumbabang sabi ko. "Sana hinatid mo na lang ako sa bahay hindi sa bahay mo." Mahinang sabi ko sa kaniya.
"Hinatid sa bahay mo! Kung hinatid kita ng ganong kalagayan mo, baka atikihin sa sakit sa puso ang ama mo dahil sa kunsimesyon sayo!" Agad naman akong napasimangot.
Hindi ako sumagot at wala sa sariling kinagat ang mga kuko sa daliri ko.
"Kasalanan ko... naabala ka sa date mo!" Pabulong na sabi ko.
"What?"
Agad naman na realize ko ang mga sinasabi.
"Wala po... sabi pasensiya na kung naabala kita.
"Boss? Nahanap ko na ang pinahanap mo. Ang pangalan niya ay Zach Romero anak ng simply pamilya. Tindera ang nanay at magsasaka ang ama sa maliit na bukid. Isang council president sa university kung saan nag- aral si Ma'am Honey. At sabi pa sa mga pinagtanongan ko studyante, limang buwan na daw magka relasyon ang dalawa." Naikuyom ko mga kamao pero kalaunan ay kumalma rin at napangisi na lamang.
"Paano na afford ng batang iyon ang tuition sa eskwelahan? Sa tingin ko medyo may kamahalan ito."
"Matalino si Zach Romero kaya ito nakakuha ng scholarship. Dahilan para makapasok sa mamahaling eskwalahan."
"Okay. Gusto ko bantayan mo siyang mabuti at lahat report mo sa akin. Hindi natin alam kung ano ang iniisip niya at pinatulan niya si Honey sa kabila ng pagiging salbahi nito."
"Boss patawarin mo ako sa aking sasabihin pero ito ay sa aking palagay lamang. Maaring mahal niya si Ma'am Honey. Hindi naman maitatangging aminin na maganda si Ma'am Honey, at sexsi... Kahit sino lalaki pantasyahan siya."
"Sabihin nga natin ganoon nga, pero hindi natin alam na kaya niya niligawan at pinagtiyagaan si Honey dahil malaki ang makukuha niya dito. Besides, nag- iisang tagapagmana si Honey ni Marvin, na mayaman sa boung asia at hindi malabong magka interest siya sa pera ni Honey."
"Anong binabalak niyo Boss? Sasabihin niyo ba sa kaibigan niyo?"
"Hindi muna... Hayaan na lang muna natin si Marvin mismo ang makatuklas sa Zach na iyon at aminin ni Honey sa Ama niya ang pagkaroon niya ng boyfriend." Sabi ko. Ayaw ko muna makialam sa problema ng mag-ama sa ngayon. Marami akong dapat bigyan ng pansin.
"Sige, Boss masusunod." Hindi ako sumagot. At umalis na ito sa harapan ko.
"What? Really? Si Cyrus ang nakasama mo magdamag. Ano may nangyari ba sa inyo? Nakakainis naman." May pagmamaktol na sabi ni Ivory. At makikita sa mukha niya ang pagkadismaya.
"Nakakainis ka Honey? Akin lang si Cyrus! Akala ko ayaw mo sa kaniya. Bakit kayo magkasama magdamag huhuhu!" Sinampal ko dahil ang OA na, ng malakas para magising sa maling iniisip.
"Lukaret! Walang nangyari sa amin at bou pa naman ako. Gaga!" Tinaasan ko ito ng aking kilay at nakacross -leg habang nakaupo sa upuan.
"Ouch! Naman..." Mangiyak-ngiyak ito.
"Paano kasi dumi ng utak mo. Walang nangyari sa amin. Siya nag- uwi sa akin dahil lasing na lasing na ako nun!"
"Saan ka niya inuwi sa bahay mo?"
"Hindi sa condo niya."
"Sabi ko na nga ba, eh?"
"Ang alin?"
"Special ka sa kaniya."
"Tsk! Paano maging special... Eh, hindi nga gentleman ang tao iyon. Walang ka lambing lambing sa katawan."
"Bakit?"
"Dahil wala siyang puso."
"Gaya mo?"
"Shut up." Supladang sabi ko dito.
"Ah basta! Ako? Siya pa rin at hindi ko siya ipagpalit kahit kanino."
"Bahala ka sa buhay mo. Pero pag malaman mo sekreto niya. Baka pagsisihan mo."
"Anong sekreto?"