"Basta loyal ka sa akin, Mahal at hindi mo ako sasaktan matatanggap ka ni Daddy."
"Of course not! Loyal to ah? At tapat sa mahal ko...." sabay kindat sa akin ni Zach.
"Mabuti naman."
"Anyway, kailan mo balak sabihin sa Daddy mo tungkol sa Atin."
Hindi ako agad nakasagot.
"I don't know... Zach?"
"Bakit?"
"Sa ngayon wala pa akong pagkakataong ipagtapat ang tungkol sa atin. Abala siyang sa negosyo."
"Okay lang... marami naman araw. Ang mahalaga mahal natin ang isa't-isa." Kampanting sagot sa akin ni Zach.
"Oo naman... mahal kita."
"Honey? Hangga't alam ko na mahal mo ako. Iyon ang paghahawakan ko dahil kahit anong mangyari. Hindi mo ako iiwan at ipaglalaban mo ako sa Daddy mo."
"Yes, Mahal kita? Zach? Yes, ipaglalaban kita. Kahit sino pa humadlang sa pagmamahalan natin."
Ngumiti siya ng matamis at niyakap ako.
"Mabuti... At mahal na mahal rin kita, Honey?" Isang mahigpit na yakap muli ang pinaramdam sa akin at ganoon din ako.
"Ang sweet naman! Nakakainggit kayo, ha?" Si Ivory.
"Hahaha?"
"Mag boyfriend kana din." Sabi kong nakangiti Kay Ivory.
"Hmp, talagang mag boyfriend na ako nakakainggit na kayo ah! Pero sana ligawan na ako ni Cyrus ko... Bakit kasi hindi niya ako pinapansin? Maganda naman ako. Agh!" Ivory said na may kilig.
"Hahaha? Ayaw sayo nun dahil pandak ka! Haha?" sabi ko naman.
"Oo, kayo na ang pinagpala ng maganda height!" Nakangusong sabi niya. Heto naman kasi si Zach inasar pa.
"Huwag kana magtampo diyan. May number naman ako dito. Ibigay ko sayo para magkausap kayo pero huwag mo sabihin galing sa akin. Lagot ako nun kung sakali?" Sabi ko. Mabuti na rin may pagkaabalahan si Cyrus para naman hindi ako laging nakikita.
"Ay talaga ba! Oo naman hindi ko sasabihin. Salamat, ha? Kaibigan talaga kita! Dahil wala kang ibang ginusto ang mapaligaya ako... Nakaka touch naman." Kunwaring pa iiyak.
"Heto oh! Nagdadrama kapa diyan. Alam mo naman ayaw ko ng drama, eh?" Nakaangat ang kilay na sabi ko dito.
Naramdaman ko ang mga kamay ni Zach hinagod ang hita ko dahilan para makiliti ako.
"Stop!"
"Ha?" Takang tanong ni Ivory. Pero ngitian ko lang ito ng bahagya.
"I mean.. kunin mo dito sa cellphone ko tapos balik mo kapag nakuha muna hanapin mo na lang diyan."
"Okay. Sandali kunin ko phone ko sa bag. Saglit lang ako." Agad tumalikod sa amin si Ivory at saka naman ko hinarap si Zach na may inis sa aking mukha.
"Ano ba ginagawa mo?" Sa kalmadong boses.
"Wala?"
"Anong wala? Kinikiliti mo ako."
"Hinahanap ko lang kung saan mas nakakaliti ka." Pagdadahilan niya sa akin.
"Hindi ka nakakatuwa, tigil muna kung pinagtripan mo lang ako." Masungit kong sabi.
"I'm sorry..."
"Fine."
"Hindi ko na uulitin. Huwag kana magalit, ha?"
"Okay na ako... ikaw naman kasi... kung ano naisipan mong gawin."
"Mahal na mahal lang talaga kita."
"Alam ko... ako rin mahal na mahal kita."
"Thank you." Halik sa aking noo..Tumayo na siya nakahandang umalis.
"Mamaya ulit may klase pa ako. Hindi kita masundo mamaya. maaga akong uuwi may sakit si Mama bilhan ko ng gamot."
"Okay, ingat ka, heto pera, sana makatulong at makadagdag sa pambili mo ng gamot." Agad bumaba ang tingin niya sa perang nilagay ko sa palad ni Zach. Maliit lang naman un pero sapat para makabili ng gamot.
"Salamat, hindi ko ito tatanggihan."
Tumango ako at bumalik sa pagkaupo ng lumakad na si Zack palayo sa akin.
"Honey, salamat, ha? Alam mo ba e' text ko siya agad at nagreply naman siya. Kilig na kilig ang lola!"
"Ang dami namin napag kuwentuhan. Grabi ang saya saya ko. Kahit sa pagtulog kinilig pa rin ako, ayyy!"
"Okay. Mabuti."
"Hoy! Bakit ganiyan boses mo walang ka sigla- sigla saka kanina kapa uminom diyan, baka mamaya malasing kana, ha? Hindi kita mabuhat... May problema kaba? Kanina kapa kasi tahimik." Nag-aalalang sabi sa akin.
"Pakiramdam ko nahihirapan si Zach sa aming relasyon."
"Ano? Bakit?"
"Kasi hindi ko magawang ipakilala sa papa ko. Tapos hindi ko magawang ipagkatiwala puso ko sa kaniya ng boung-buo."
"Hindi kita maitindihan. Akala ko mahal mo siya. Anong nangyari?"
"Iwan ko ba? Gulong- gulo na ako."
"Hindi ka magkakaganiyan kung walang ibang lalaking nagpapatibok ng puso mo?"
"Salamat, sa pagiging honest mo, ha?" Ngising sabi ko.
"Your welcome..."
"Gagek! Tigil mo na nga iyan. Lasing kana oh! Alam ko tinakasana mo naman ang bodyguards mo. Hindi ka makakapunta dito, kung hindi mo sila tinakasan. Baka mamaya malaman ng ama mo pinagagawa mo, baka grounded ka ng isang buwan. Buti nga hindi nagsusumbong si Cyrus, kaya hanggang ngayon hindi pa alam ng ama mo kalukuhan mo."
"Try him, I will hate him forever!"
"Hay naku! Sino ba tatawagan ko para iuwi ka sa inyo."
"No! Huwag! Sa bahay mo na lang ako uuwi. Bukas na ako uwi."
"Hindi pwide! Malalaman nila umiinom ako. Lalo akong paghigpitan ano kaba?"
"Di' pabayaan mo na lang ako dito at umuwi kana pag may nangyari masama sa akin dito. Lagot ka!"
"Pinapa guilty mo naman ako. Hindi ka pwide sa bahay. At lalong hindi pwide sa hotel wala akong pera naubos na dito. Ikaw ba may pera ka pa diyan para sa hotel kana lang magpalipas ng gabi."
"Kapag hindi ako makauwi ng bahay. Mag report na iyong mga bodyguard kay Daddy."
"Ano ba talaga? Sa bahay mo o sa hotel?"
"Bahay ko na lang... pero baka dumating na si Daddy."
"Haist! Magiging kasalanan ko pa, eh? Saka Honey, malalim nang gabi malalaman nila wala ako sa silid. Alam mo tumakas lang ako."
"Sige na uwi kana. Hayaan mo na lang ako. Ako na bahala dito. Huwag kang mag-aalala uuwi din ako."
"Sigurado ka diyan?"
"Oo. Go!" Taboy ko dito. Alam ko naman gaya ko mahigpit din ang parents ni Ivory. Kaya naitindihan ko siya. Nagpapasalamat din ako dahil sinasamahan pa rin ako kahit madalas nagsusungitan ko siya.
POV Cyrus:
Kasalukuyan nililitis ni Cyrus ang kaaway
"Boss! Ayaw umamin, eh? Matigas pa din kahit patayin mo ng bogbog wala pa rin."
"Wala kayong makukuha sa akin kahit anong gawin niyo!"
"Raul... Raul? Ayaw mo ba sabihin kung buhay si Larry at saan siya matatagpuan, ha?" Hinawakan ko ang ulo ng mahigpit at nakahandang palipitin ang leeg ng lalaking ito.
"Patay na siya ano paba hinanap niyo?" sigaw sa akin ni Raul. Lalo lang nagpainit sa ulo ko.
"Sinungaling ka! Buhay siya at nakita ng mga mata ko, kasama mo siya ng salakayin niyo ang casino sa cavite." Si Danilo ang kanang kamay ko.
"Malay ko ba malabo na mga mata mo hangal! Patay na siya! Pinatay niyo!"
Gigil naman binitiwan ang ulo nito. At sinipa ng malakas. Bumaligtad si Raul.
"Huwag mo bilogin ang ulo ko Raul. Kapag hindi ka umamin kung buhay at saan matatagpuan si Larry. Ang boung pamilya mo mamatay. Ano aamin kaba o hindi?" Agad naman natakot si Raul pero hindi pinahalata matapang pa rin siya hinarap ako.
"Wala akong alam---?"
"Dapat ang katapatan mo kay Boss hindi Kay Larry."
"Wala akong pakialam!"
"Matigas ka Raul! Mabuti pa nga mawala kana sa mundo wala kang silbi!" Gigil na gigil na tinukan ko ng baril sa ulo si Raul ng tumunog aking cellphone.
At kaagad ko namang sinagot ang tawag na hindi tiningnan kung sino ang tumawag.
"What?" sa mataas na boses.
"Sir, Cyrus? Nawawala po si Señorita Honey? Kanina pa namin siya hinanap."
"Damn! Anong klase kayong bodyguards kung natatakasan kayo ng isang babae lang. Hanapin niyo bwisit!"
"Boss, may problema ba?"
"Nawawala si Honey! f**k! Sakit sa ulo ang babaeng iyon. Maturuan nga ng lection para magtino, Damn! That woman..."
"Anong gusto niyo gawin namin Boss?"
"Nothing! Ako na bahala. Bahala kana kay Raul kung ayaw pa rin umamin. Bahala kana."
"Sige, ako bahala Boss?" Tumalikod ako agad at umalis para hanapin ang pasaway na dalaga. Bakit pa ba ako pumayag sa pakiusap ni Marvin bantayan ang anak niya. Sakit lang sa ulo ang binibigay sa akin ng pasaway iyang anak.
,