Kararating ko lang ng salubongin ako ni Ivory.
“Buti naman at natakasan mo ang mga bodyguards mo, Honey?” Si Ivory, kaibigan ko mula rin sa mayamang angkan.
“Yes, of course! Ako pa,” proud kong sagot, sabay linga sa paligid.
“Saan na iyong iba?” tanong ko.
“Malelate lang daw sila,” sagot ni Ivory.
“Sige.” Nilabas ko ang bago kong iPhone mula sa bag at napanganga si Ivory sa nakita.
“Wow! Iphone! Ano na nga pala na saan ang isa mong phone?”
“Naiwala ko. Hindi ko alam kung saan ko naiwan,” sagot ko.
“Ano? Kailan?”
“Kahapon, sa party na pinuntahan natin,” maikli kong paliwanag.
“Bakit hindi mo sinabi para hanapin?”
“Hindi na… Bumili na lang ako ng bago. May pera naman ako, kaya okay lang,” Sabi ko, habang kinulikot ang bagong iPhone.
“Sabagay… tama ka rin. Pero sayang pa rin iyon, lalo na kung maraming magagandang alaala ang naka-save doon,” Malungkot na sagot ni Ivory.
Bigla kong naalala ang mga larawan at files na nandoon. Sigurado akong na-delete na lahat. Hindi na ako umaasa na maibabalik pa ang lumang phone ko. Mahal iyon—nasa 50K ang halaga.
“Hindi na bale. Gagawa na lang ako ng panibagong memories,” nakangiti kong sabi sa sarili.
“Anyway, alam na ba ng ama mo, may boyfriend ka na?” kilig na tanong ni Ivory.
“Siyempre hindi! kilala ko si Dad… gagawin ang lahat masira lang boyfriend ko.”
“Iniingatan ka lang ni Tito Marvin lalo na ikaw tagapagmana niya."
"Alam ko naman iyon, Ivory.... pero malalaman ko naman kung tapat sa akin si Zach or hindi. Buhay ko to... alam ko ginagawa ko."
Sighed.
"Mahal na mahal mo talaga si Zach handa mo talikuran ang lahat para sa kaniya?"
"I don't know... Ivory, basta alam ko masaya ako na kasama siya. Nagiging malaya ako kapag kasama siya."
"Well... bago pa lang kayo marami pa kayong kaharapin na pagsubok sa relasyon niyo balang araw hanggang saan ka dalhin ng pag-ibigan niyo ni Zach."
"Anyway, gwapo ng bodyguard mong iyon, ha?"
“Yack! Eww! Nagugwapuhan ka sa kumag na iyon! Isa pa, matanda pa sa atin iyon. Ivory?”
“Ano kaba? Hindi naman halata—baby face pa at hot!” sagot niya sa akin.
“Iwan ko sayo. Basta, ayaw ko sa kaniya,” Sabi ko kay Ivory.
Cyrus POV:
“Boss Cyrus! Nakita na po namin ang cellphone na hinahanap niyo,” sabi ng secretary.
“Good. Akin na?” Sabi ko, habang nakatayo sa loob ng opisina, sa harap ng malaking glass window. Tanaw ko ang buong siyudad at ang mga matataas na gusali sa paligid.
“Heto na po,” nakayukong inabot sa akin ng secretary ko. Pinaalis ko ito pagkatapos, at naupo sa swivel chair, hawak-hawak ang iPhone ni Honey—ang anak ng kaibigan ng Papa ko.
Binuksan ko at agad na bumungad sa akin ang ilang kuhang larawan ko. Hindi ko maintindihan kung paano niya nakuha ang mga ito nang hindi ko namamalayan.
Umigting ang aking mga panga habang pinagmamasdan ang nasa screen.
“Spoiled brat…” nakangisi kong sambit, may halong inis at curiosity.
Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isipan ng batang iyon.
"Hello! Everyone! Am I late?" Nakangiting bungad ni Zach. Umangat isang kilay ko ng makita ang nobyo. Mahigit isang oras itong late. Hindi paba ako sanay. Kaya lang naman sinagot ko si Zach dahil matalino at gwapo sa aming school. Marami ang babaeng nagkandarapa dito. Nang mangligaw ito sa akin. Para na rin akon nanalo sa lotto dahil sa dinamidaming magagandang babae sa boung eskwelahan ako pa piniling ligawan. Hindi ako nagdalawang isip na sagotin ang lalaking ito. At ipamukha sa lahat na mas maganda ako at mas attracted talaga... sa mga boys. Pero hindi alam ng Daddy ko tungkol sa amin ni Zach. Abala si Daddy sa negosyo kaya ayaw ko muna siya abalahin. Sasabihin ko rin ang totoo balang araw kapag handa na kami ni Zach.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kami dito."
"I know. Pero nagkaroon ng biglaang meeting sa council. Sorry, mahal..." He said. Parang maamong tupa ito.
Sighed. "Okay. Kung ganoon wala akong magagawa. Sana man lang nagreply ka sa mga text ko para alam ko, kung na saan ka at anong nangyayari sayo, kaysa naghuhula ako dito. Agh!"
"Next time... Promise?" Tumango lang ako kay Zach. Ang mahalaga dumating ito. Busy din kasing tao si Zach.
"Okay." Sabi niyang nakangiti. Tumabi sa akin agad at mabilis akong dinampian ng halik sa labi. Agad naman akong napapikit at ninamnam ang lasa ng halik niya. Pero ng maramdaman kung saan na papunta agad ko pinutol ang halikan namin ni Zach. Hindi pa ako handa isuko ang sarili dito kahit mahal ko siya.
"Zach... stop it!" Sabi ko ng mahina.
"I know. Hindi ko nakakalimutan na hindi ka pa ready. At kasal muna bago may mangyari, Honey? Natatandaan ko iyan. Pagka graduate natin, papakasal na tayo agad. Basta sa akin ka lang..."
"Sayo lang ako, Zach pangako..."
"Salamat, mahal ko sa pag- uunawa sa akin. Akala ko magalit ka sa akin."
"Bakit ako magagalit. Naitindihan kita. Mga bata patayo at nag-aaral pa. Besides, gusto ko iharap ka sa altar na malinis at maipagmalaki sa lahat."
Hindi ko napigilan ang sariling hindi maiyak sa mga tinuran sa akin ni Zach. Talagang mahal at tapat siya sa akin. Wala na akong mahihiling pa sa Diyos.
"Kaya lang ang relasyon natin ay lihim pa, at hindi pa alam ng Papa mo baka hindi niya ako matanggap kapag nalaman niya. Mahirap lang kami." May lungkot sa mukha niya.
"Shh... ako bahala. Kapag nakikita ni Daddy na isa kang mabuting tao at karapat-dapat ka bilang asawa ko o manugang niya. Hindi niya tutulan ang relasyon natin. Mabait si Daddy."
"Sinasabi mo lang yan dahil wala pa tayo sa sitwasyon na alam niya tungkol sa atin. Kapag nalaman niya. At ang pamumuhay ng pamilya ko. I'm sure, Honey, gagawa siya ng paraan para paghiwalayin tayo. Ayaw ko... ikakamatay ko kapag mawala ka sa akin." Mahigpit na yakap ang pinaramdam sa akin ni Zach. Awang-awa naman ako sa mga oras na iyon.