Chapter 18- Wedding ring

1361 Words

Nagngingitngit sa galit si Valentina nang malaman niyang ang taong karibal ay ang babaeng matagal na niyang kinamumuhian. Kakumpitensiya niya si Honey sa lahat ng bagay—sa paaralan kung saan lagi itong bida, sa atensyon ng mga tao, at higit sa lahat… sa lalaking mahal niya. Kaya naman hindi na bago sa kaniya ang matinding selos at inis tuwing nababanggit ang pangalan nito. Ngunit iba ang pakiramdam niya ngayon. Mas mabigat, at gusto niya itong saktan. Parang may kung anong bumiyak sa loob niya. Nang makita niya si Honey sa hallway, tila nagdilim ang paningin niya. Hindi na siya nagdalawang-isip. Diretso siyang lumapit dito, matigas ang bawat hakbang, at puno ng galit ang kaniyang mga mata. “Honey,” malamig ngunit matalim ang titig niya rito. Napalingon ang dalaga. Saglit itong natig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD