"TALAGA? Sayang naman hindi tayo nagkakilala noon." "Abala kasi kayo sa trabaho niyo noon kasama ng mga officemate niyo. Hindi ko naman kayo masisisi dahil big project niyo ang events na iyon." sabi ni Troy, kapatid ni Cheska. Kasama pala nito ang kapatid ng magtrabaho sa Maynila. Nagkataong isa pala itong manager sa ginawang events noon ng company nila sa Lipa. Kauuwi lang nito kahapon at pinakilala sakanya nila aling Issa. "Babalik kapa doon?" tanong niya dito. Ngumiti ito, nakita niya ang dimples na lumabas sa magkabilang pisngi nito. Twenty-six na ito, kasing-edad niya matanda lang siya ng isang buwan. Kahit simple lang ito ay hindi naman maitatagong gwapo ito. "Oo, pipilitin ko kasing isama ang kapatid kong 'yan para ipasok sa isang department namin. Nag-alangan lang tala

