"SIGURADO ka bang taga-dito yung hinahanap ko? Eh bakit parang wala namang tao?"
Napahaplos si Maggie sa braso habang tinitingala ang bahay na may dalawang palapag. Luma ang bahay na iyon pero maayos pa ding tignan. Tingin niya ay matagal ng nakatayo ang bahay na iyon doon.
"Kilala ko si inay Amy at hindi kita dadalhin dito kung hindi ko sila kilala."
Umirap lang siya sa sinabi ng lalaking iyon. Muli niyang kinatok ang pinto ngunit wala pa ding nagbubukas.
"Baka wala sila diyan, kanina kasi ay napansin kong aligaga si nanay Amy."
Napalingon siya sa lalaking yon.
"What?" napahawak siya sa ulo, ibig sabihin ay wala siyang matutuluyan sa gabing ito? Nakagat niya ang ibabang labi.
"Pwede bang bumalik na lang tayo doon sa hotel? Babalik na lang ako dito bukas." Sambit pa niya dito. Napailing ang lalaking iyon, hindi naman niya makita ang mukha nito dahil tanging ilaw lang sa labas ng pinto ng bahay ang liwanag sa paligid. May kahinaan pa man din ang ilaw na yon.
"Mukhang hindi ko magagawa iyan miss. Kailangan ko pang gumising ng umaga para asikasuhin ang mga palay ko. Kung gusto mo ay maglakad kana lang pabalik doon."
Nagpantay ang labi niya at pasugod na lumapit dito.
"Para sabihin ko sayo hindi ko na kasalanan iyon. Baka nakakalimutan mo ang perwisyong ginawa mo sakin? Alam mo bang sa mga sandaling to baka tulog na ako sa hotel na 'yon?" frustrate na sabi niya. Narinig niyang bumuga ito ng hangin.
"Kung ganon, doon kana lang sa bahay ko." kaswal na sabi nito. Natigilan siya, ngayon niya lang nakilala ito. At kung tutuusin ay barumbado pa ang ugali nito kaya bakit siya magtitiwala dito.
"Pero kung ayaw mo hindi kita pipilitin. Hindi kita maihahatid sa hotel na 'yon dahil bukod sa gabi na ay madilim na din sa daan."
Napayakap siya sa sarili, kapag nagmatigas naman siya siguradong maglalakad siya ng dis-oras ng gabi.
"S-saan ba ang bahay mo dito?" mahinang sambit niya.
"Sumunod ka sa akin.." anito at dala ang gamit niya na tumalikod. Tarantang sumunod siya dito, napapangiwi pa siya sa tuwing mali ang natatapakang daan. Paano ba naman ay sa itaas pa ata sila ng bundok pupunta.
"Sandali lang, hintayin mo naman ako oh. Ang dilim kaya..." hindi makatiis na sabi niya dito. Hindi naman ito sumagot, basta na lang niyang naramdaman na may humawak sa kamay niya. Hindi siya nakaimik, tingin niya ay marami ngang trabaho ang binata. Ramdam niya ang kalyo sa kamay nito tanda na maraming ginagawa ito.
“Ang taas naman ng kinatititrikan ng bahay mo." reklamo niya, ilang sandali pa ay nakita niya ang isang kahoy na bahay. Bukas kasi ang ilaw non sa labas.
'Iyan ba ang bahay niya?'
It's a bamboo type. naalala niya lang mga ganong bahay kapag kumukuha sila ng cabin sa beach na pinupuntahan nila ng kaibigang si Teresa. Napansin pa niyang may malaking space sa ilalim ng bahay na iyon, may dalawang manok pa sa ilalim. May maikli pang hagdan sa harap ng pinto, nakita niyang umakyat na ang binata.
"Bakit parang walang tao dito sa bahay mo?"
Binalingan siya nito.
"Ako lang ang mag-isa dito." malamig na sabi nito saka pumasok sa loob. Nanlaki ang mga mata niya.
'S-siya lang ang mag-isa?!'
Parang gusto tuloy niyang pagsisihan ang pagsama dito. Ilang sandali pa ay dumungaw ito sa pinto.
"Bakit nakatunganga kapa diyan?" inis na sabi nito. Umirap naman siya at umakyat. Pagpasok niya sa loob ay hindi niya mapigilang humanga sa loob. Kahit pa may kaliitan iyon ay malinis naman ang paligid.
"Nasaan ang kusina mo?" tanong niya nang makitang isang kawayang sofa at mesa lang ang nandoon. May isa pang pinto sa sulok.
"Nasa ibaba..." anito na pumasok sa loob ng pintong iyon. Sumunod siya dito, may isang maliit na papag doon at may mga nakatuping unan at kumot sa ibabaw. Tingin niya ay dito natutulog ang binata dahil sa amoy panlalaking sumalubong sakanya pagkabukas pa lang nito ng pinto. Binalingan siya nito.
"Pansamantala kong ipapahiram sayo itong kwarto ko. Bukas ay babalik tayo sa bahay nila inay Amy."
Tumango siya at hindi pa din kumilos sa kinatatayuan.
"Bakit? Naliliitan kaba sa bahay ko?" nanunuyang sambit nito. Tumingin siya sa mukha ng kaharap, nakakatuwang isipin na nage-enjoy siyang titigan ang mukha nito. Kahit kasi na masungit ang bukas non ay hindi maitatagong maamo ang mukha nito.
"Hindi naman kaya lang....ikaw lang pala ang mag-isa dito. Tapos babae ako na pinatuloy mo. Hindi ba ang awkwa----
"Kung gusto kita kahit anong oras hahalikan kita.." putol nito at naglakbay ang mata sa katawan niya. Namula naman ang pisngi niya. She was wearing a plain white sando. pinatungan niya lang iyon ng blazer na kulay pink.
"....kahit anong oras pwede kong gawin ang gusto ko. Mas malaki ako di-hamak sayo, hindi ka din makakalaban kahit anong gawin ko." dugtong pa nito saka binalik ang atensyon sa mukha niya.
"Pero hindi ikaw ang mga tipo ko kaya ligtas ka sa mga kamay ko." nakangising sabi nito at nilagpasan siya. Napabuga siya ng hangin at naghalukipkip. Okay safe na siya, ayos na iyon sakanya. Pero naiinsulto siya sa sinabi nito, baka hindi nito alam na marami ang lalaking gustong makakuha ng atensyon niya. Kahit noong dalhin siya ng mommy niya sa States ay nakakakuha pa din ng atensyon ang kagandahan niya.
"Akala mo naman type din kita?" pairap na bulong niya at binalingan ang binata na mukhang magpapahinga na sa kawayang sofa.
"Sandali lang mr. Levi.... may gusto sana akong ipakiusap sayo.." sambit niya, binalingan siya nito.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Malamang sinabi nong pulis sakin kanina...but anyway, its not that really important. Pero. may pagkain kaba diyan? Hindi ba ay nabanggit ko sayo kanina na nagugutom ako?" aniya at nahihiyang tumango dito.
"....please? Babayaran na lang kita."
Bumuga ito ng hangin at tumayo.
"Hindi ko kailangan ng pera mo." anito pagkatapos ay tumalikod at lumabas. Napanguso lang siya, sa tanang buhay niya ay ngayon lang talaga siya nakatagpo ng ganitong klase ng lalaki. Lahat kasi ng mga nakikilala niya ay mababait ang pakikitungo sakanya. Lahat ng iyon ay masaya sa tuwing nakikita siya. Ano bang meron ang paningin nito?
Padabog na umupo siya upuan at kinapa ang cellphone sa bulsa ng pants. Inaasahan na nga talaga niyang walang cignal lalo sa mga lugar na ganito. Napabuga siya ng hangin at muling binalik ang cellphone sa bulsa. Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Nakita niya ang binata na may dalang tray na may lamang pagkain. Ngumiti siya ng malawak pero napalis iyon nang makita ang pagkaing dinala nito.
"What's that?" tanong niya dito, nilapag naman nito ang tray sa mesang nasa harap.
"Hindi kapa ba kumakain ng okra at dilis na may kamatis sa buong buhay mo?" nang-aasar na naman na sabi nito. Pero.....tama naman kasi talaga ito. Never siyang kumain ng mga ganito, lalo na ang okra na pinakaayaw niya! Titignan mo pa lang kasi ang itsura maduduwal kana.
"Hindi naman..." magrereklamo sana siya kaya lang wala naman siya sa lugar. Palihim siyang bumuga ng hangin saka kinuha ang kutsara.
"Sabihin mo lang kapag tapos kana, aayusin ko lang ang loob ng kwarto." sambit pa nito at tumalikod. Napapangiwing sumubo naman siya.
'Ikaw talagang babaita ka yare ka talaga kapag natawagan kita.'
Sa pagkamangha niya sa sarili ay naubos naman niya ang hinain nito kahit na ang okra. Maybe she's really hungry, dahil siguro sa mga nangyari kaya nagwala na ang mga alaga sa tiyan niya. Nakita niyang lumabas na ang binata kaya uminom na siya ng tubig.
"Thank you sa pagkain. Saan pwedeng ilagay 'to?"
Nilapitan siya nito at kinuha ang tray.
"Pumasok kana lang sa loob, ako na ang bahala dito." sambit nito habang nililinis ang mesa. Gumilid naman siya habang pinapanood ito.
'Siguro naman...may soft side din ang isang ito hindi lang pinapahalata.'
Binalingan siya nito.
"Pumasok kana sa loob, anong oras na. Sanay pa naman ang mga kagaya mo na tanghali gumising, hindi iyan uubra sakin dito." supladong sabi nito. Inirapan niya ito.
"Ito na boss, kalma lang." patuyang sabi niya saka tumalikod. Padabog niyang sinara ang pinto.
'Sure talaga ako na walang side na ganon ang lalaking 'yon eh. Bwisit!'