Chapter Three

1050 Words
"ILANG beses ko ba kasing dapat na ipaliwanag sa inyo na dayo lang ako dito? Hindi ko alam kung anong epektos or whatever na sinasabi niyo na idi-deliver ko dito, do I need to explained pa din ba? I already gave my personal information, ID, NBI at police clearance. At hindi ko din kilala ang lalaking iyon. Balak ko kasi munang kumain doon sa nakita ko sa harap ng hotel bago ako mag-check in."   Bumuga naman ng hangin ang police na kaharap ni Maggie saka tiningnan ang papers sa harap, pagkuway binalingan ang lalaking iyon na nakatayo sa gilid.   "Pwede ba kitang kausapin?'' sambit ng lalaking iyon. Tumayo naman ang pulis at lumapit sa lalaking iyon. Bahagyang lumayo ang mga ito, umirap ang dalaga sa hangin. Muli ay pinasadahan niya ng tingin ang lalaking iyon.   He was wearing a rugged pants, naka-t-shirt ito na kulay gray. Kung mamasdan pa ng mabuti ay tingin niyang luma na ang suot nito pati na din ang sapatos na may dumi pa. Muling bumalik sa puwesto ang pulis. Tinitigan naman siya ng lalaking iyon.   "Sorry ho sa nangyari, Ma'am, pero saan ho ba ang punta n’yo?"   Inabot niya dito ang papel na binigay ni Teresa.   "Nabanggit n’yo na hinahanap n’yo si Inang Amy mula sa purok? Kaano-ano n’yo ho siya?"   Bumuga siya ng hangin, so many questions.   “Auntie ho siya ng kaibigan ko at binanggit niya sakin na pwede akong makituloy doon habang nagbabakasyon dito. I want a peace of mind for Christ’s sake." paliwanag niya. Tumango ang kaharap saka ngumiti.   "Kilala ho namin si Teresa at ang auntie niya, mabuti na lang ho at dito niyo napiling magbakasyon ma'am. Kasingganda niyo po ang mga tanawin dito." Nakangiting sabi pa nito. Gumanti siya ng ngiti dito. 'Kaya nga eh... ang ganda nga lang ng bungad n’yo sa akin.'   Gusto sana niyang sabihin kaya lang huwag na. Ang gusto na lamang niya ay ang magpahinga.   "Marami na ang dayong nagtutungo dito. Hindi na bago ang normal niyang mukha sa lugar na 'to." sabat ng tinig na iyon. Her smile faded, tiningala niya ang lalaking iyon.   'May problema siguro sa akin ang isang ito.'   "Kung ganoon ay ako na ang maghahatid sa kanya papasok doon." anito at binalingan siya.   "Sumunod ka na sa akin, ihahatid kita sa pupuntahan mo." kaswal na sabi nito at tumalikod.   "Pasensya ka na, Ma'am kay Levi. Nag-aalala lang kasi siya para sa lugar namin lalo na ngayon na kumakalat iyong balita na mula sa Maynila ay may nagdadala na din ng mga illegal drugs dito. Nagkataon ho kasi na nandoon kayo sa lugar kung saan ilang gabi na naming inaabangan ang nagde-deliver. Kayo pa ang nilapitan ni Jay-r."   Huminga siya nang malalim saka tumayo. "Ayos lang ho, sige ho.''   Paglabas niya ng police station ay naabutan niyang nakasakay na ang lalaking iyon.   "Baka pwede mo nang bilisan? Ang dami ng oras ang naaaksaya ko sayo!" inis na sambit nito. Tumikwas ang kilay niya.   "Ay, wow! So, kasalanan ko pa pala na na-mistaken identity n’yo ako, ha? Pasalamat ka nga at hindi kita pinakulong dahil basta-basta na lang kayo nanghuhuli. Alam mo bang may kaso sa ganyan, ha?"   "Sakay na..." utos niya na hindi man lang pinansin ang sinabi ko. Hindi man lang ito magso-sorry sa kanya?! Ibang klase.   “Huwag na, kaya kong maglakad." ma-pride na sabi niya.   "Bahala ka hindi kita pinipilit. Basta hindi ko kasalanan na matagpuan na lang ang bangkay mo diyan sa daan bukas ng umaga."   Napabaling siya dito. "What do you mean by that?"   Hindi siya nito pinansin, binuhay nito ang motor pagkuway nilagpasan siya.   “H-hoy sandali lang!" tawag niya dito bago pa ito tuluyang makalayo. Nakita naman niyang huminto ito. Dala ang maleta ay tumakbo siya papalapit dito. Walang sabi-sabing kinuha nito ang hawak mula sa kanya saka iyon nilagay sa harap nito. Nag-aalinlangan man ay sumampa siya sa likod. Sinuri pa niya ang motor nito.   ‘Hindi naman siguro ‘to kakalas mamaya, right?'   “Ganyan ba kayo dito? I mean, hindi ko kayo nilalahat, ha? Pero ganyan ba ugali n’yo dito o ikaw lang? Wala naman akong ginawa sa’yo para tratu----"   “Ano bang trato ang gusto mong gawin sa mga kagaya mo ng mga tao dito?" putol nito at saka pinaandar ang motor. Sa takot na mahulog ay napahawak siya sa balikat nito. Nakagat niya ang ibabang labi nang maramdaman ang matigas na katawan nito.   ‘Geez, Maggie, kalma lang, ha? Oo, sa tanang buhay mo ngayon ka lang naging malapit nang ganito sa lalaki kaya kalma lang, ha?'   “P-pwede bang pakibagalan mag-drive, ha?!’’ sigaw niya sa hangin. Pakiramdam niya ay hihiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya.   “Ano?!” narinig niyang sigaw nito. Nagpantay ang labi niya at bahagyang nilapit ang bibig sa tenga nito.   “Ang sabi ko pakibagalan mo! Masyadong mabilis ka magmaneho!” sigaw niya muli. Hindi naman ito sumagot bagkus ay mas lalo yatang pinatulin ang takbo ng motor. Lumundag ang puso niya at pakiramdam niya, lahat ng parte ng katawan niya ay handa nang humiwalay.   Mabuti na lamang at wala silang kasabayang sasakyan dahil kung nagkataon ay masasapak niya ito.   "Kahit man lang sana sa pagmamaneho makabawi ka sa ginawa mong gulo sa gabi ko! Well, at least maging gentleman ka naman!''   Nanlaki naman ang mata niya at tuluyang napayakap sa likod nito nang bigla itong lumikod ng daan.   "Pasalamat ka gusto ko pang mabuhay kung hindi ay kanina pa kita nasapak." may kaba na bulong niya dito. Halos tumama na ang tulis ng hangin sa mga mata niya kaya pumikit siya, pakiramdam nga niya na ang nilagay niyang foundation na may spf kanina ay dinala na ng hangin, eh. Sa oras talaga na makausap niya ang kaibigan, talagang masasabunutan niya ito.   Unti-unti siyang natigilan nang maramdaman ang pagbagal ng pagmamaneho nito.  Dumilat siya at bumungad ang mga malawak na lupa sa magkabilang side niya na tingin niya ay isang palayan. Doon tumatama ang maliwanag na sikat ng buwan. Pakiramdam niya ay pumayapa ang loob niya kahit papano.   “Wow…” Hindi niya mapigilang usal habang ginagala ang paningin. Nanuot sa loob ng ilong niya ang sariwang hangin, banayad na din kung tumama ang hangin sa mukha niya hindi kagaya kanina.     ‘Napapakiusapan naman pala nang maayos ang isang ‘to, eh...’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD