Chapter Two

1043 Words
AT mukhang hindi nga nagkakamali ang kaibigan sa tinuran nito. Napakaganda nga ng lugar ng Borongan City. Sa biyahe pa lang ay hindi niya na maiwasang humanga sa nakikita sa paligid. Though, gano’n din naman sa Maynila. Pero iba sa lugar na ‘to, eh. Bukod sa mga bundok at malalawak na lupa ay presko pa ang mga hangin na nalalanghap niya. Walang mga halong kemikal.   "Hmm, hindi na masama, ha. Sayang wala akong kasama, mas mae-enjoy ko siguro 'to kung kasama ko si Teresa.   Noong hindi pa nag-aasawa ang kaibigan ay lagi niya itong kasama kahit saang lugar. Tuwing holidays nila ay laman sila ng club sa Makati. Kapag celebrations naman ay palagi silang nasa beach. Ngayon ay nabago lang ang pagiging buhay single niya simula nang magkapamilya at isa siya sa masaya para dito.   Her life is perfect, kahit pa broken family sila hindi naman nagkukulang ng pangaral at pag-aalaga ang mga magulang niya. Wala man siyang naintindihan kung bakit naghiwalay ang mga ito ay masaya pa din siya sa mga ito. It's a part of maturity. After all, wala namang rason para magalit siya sa magulang dahil ginawa naman nito ang lahat para maparamdam sa kanila ang presensya sakanila ni Andrew. Nakapagtapos sila ng pag-aaral at kung magkaroon man ng problema ano mang oras ay nandoon ang mga ito. Hindi sila pinapabayaan at kung mayroong problema man ay palaging nandito ang mga ito, handang makinig sa kanila.   Iba na nga lang ngayon lalo na nang mag-asawa ang kanyang kapatid.   Ngayon niya mas lalong naramdaman ang pag-iisa sa buhay. Natatakot siyang sumubok sa isang relasyon, paano kung.... magaya siya sa mga magulang? Naniniwala kasi siya sa 'history repeats itself'.   Nakakatakot sumubok kung may hangganan ang lahat.   "Purok C, Poblacion... saan kaya yon," naalala niyang banggit na address ng kaibigan. Sinabi nito na hanapin daw niya si Inay Amy para may matuluyan siya. Ngunit inabot na siya ng gabi ay hindi niya mahanap ang lugar. Naisipan niyang maghanap muna ng hotel. "Not bad..." wika niya nang makahanap ng hotel na tutulugan. Sa Maynila ay gusto niyang high class five-star hotel ang tutuluyan, but since nandito siya sa lugar na hindi siya pamilyar ay wala dapat siyang kiyeme. Kung ano ang nasa harap niya as long as ligtas siya, go siya.   Akmang papasok na siya sa loob nang mahagip ng paningin niya ang food cart na iyon sa gilid. Siya namang kumalam ang sikmura niyang kakakain pa lang, eh, gutom na agad.   'Hindi bale.... madali lang naman akong matunawan kapag naglakad na ako.'   Maganang nagtungo siya doon dala ang maleta nang biglang may lumapit na isang lalaki. Nagulat siya sa inasal nito na mukhang aligaga.   "Ikaw na ba 'yon? ‘Yung galing sa Maynila?" tanong nito.   "Oh? Ako nga! Sinabihan ba kayo ni----"   "Oh, abutin mo dali. Bakit kasi dito mo pa sa labas naisipang ipaabot 'to?" anito na inabot sa kanya ang sling bag. Kumunot ang noo niya at tiningnan iyon.   "Sandali, mukhang nagkakamali ka ng pag-aaka---"   Hindi niya natuloy ang sasabihin nang biglang may humintong mobile car sa gilid nila. Nanlaki ang mga mata niya lalo na ng makita ang mga pulis. Bigla ay bumangon ang kaba niya.   ‘My God...’   "Sumama ho kayo sa presinto, ma'am at sir, may warrant of arrest ho kayo," sabi ng pulis.   "Tangina!" mura ng katabi niya pagkuway mabilis na tumalikod at tumakbo. Hindi na nag-sink in sa utak ng dalaga ang nangyari. Hinabol ng mga pulis ang lalaking iyon habang siya ay nilapitan ng dalawang pulis na may dalang posas.   Napahakbang naman siya sa narinig at nakikita.   "Huwag kang magkakamaling tumakas..." bigkas ng tinig na iyon mula sa likuran niya. Bumaling siya sa likod para lamang makita ang isang matangkad na lalaki. Natigilan siya nang mapatitig dito. Maamo ang mukha nito kahit pa masama ang tingin sa kanya. Tumatama sa ibabaw ng ulo nito ang poste ng ilaw kaya kahit gabi na ay namamasdan niya ito. Sa Maynila. bilang na lang yata sa mga kakilala niya ang moreno. Lahat ng kilala niya ay mapuputi ang mga balat but this one is different. He's tan, ngunit makinis iyon at napakaganda sa paningin niya. Oh God, what's wrong with her?   ''Kapag hindi ka pa gumalaw sa kinatatayuan mo ay baka ako na mismo ang kumaladkad sa ‘yo papasok sa mobile," may diin na sabi nito. Umawang ang labi niya.   "H-ha?" Parang tanga na sabi niya. His jaw tightened, marahil ay sa inaasal niya. Naramdaman na lamang niya ang paggabay sa kanya papasok sa mobile car. Doon ay hinimig niya ang sarili at pinilit na gisingin ang diwa.   ''S-sandali...saan n’yo nga pala ako dadalhin? Anong kasalanan ko sa inyo?!"   "Sa presinto na ho kayo magpaliwanag, ma'am."   Tumingin naman siya sa labas at doon ay nakita niya ang lalaking iyon na sumakay sa isang lumang single motor. Shock na napasandal siya sa upuan.   “He-hey! I can explain! What the heck is happening? Kadarating ko lang sa lugar na ‘to ano ba?” wika niya sa pulis. Hindi siya pinakinggan ng mga ito. Inis na umayos siya ng upo at muling tumingin sa labas. Nagtama ang mata nila ng lalaking ‘yon.     “Hey you! You can’t just do this to me! Hello?! Pwede bang tanungin n’yo muna ako bago niyo ako pagbintangan ng kung ano-ano?!” pagtaas ng boses niya. Hindi siya pinakinggan nito, walang emosyon na tinanggal nito ang tingin sa kanya. Bumagsak ang balikat niya.   ‘My gosh! Bakit hindi nila gustong makinig sa ‘kin?’   Nagpantay ang labi niya at kinuha ang cellphone. Kinontak niya ang kaibigan ngunit naalala nga pala niya ang kalagayan nito. She took a deep breath and tried to call her brother ngunit naalala nga pala niyang nasa honeymoon pa ito. Nanghihinang binaba niya ang cellphone at parang batang tumingin sa paligid.   ‘My God, I’m not really familiar in this place. Gusto ko lang naman ng maginhawang bakasyon habang nire-relax ko ang sarili ko. I just want a peace of mind!’   Naalala nga pala niya na minsang mag-isa siyang bumiyahe ay naligaw siya. Muntik pa siyang mapahamak dahil maling lugar ang napuntahan niya. Kaya sinabi niya sa sarili noon na sisiguruhin niyang hindi na siya magkakamali ng lugar na pupuntahan.   ‘Well… kamalasan nga naman talaga, oh.’    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD