Chapter One

1188 Words
"YOU may now kiss your bride..."   Napagbuntonghininga na lamang ang dalaga nang marinig ang katagang iyon. Ilang beses na yata sa isang taon niyang naririnig salitang yon, marami sa mga kakila niya ang kinasal sa taong ito at lahat iyon ay dinaluhan niya. Kung tutuusin hindi siya mahilig dumalo sa mga pagdiriwang na ganito.   Hindi dahil sa naiingit siya ha. Kasi naman, sa edad niyang twenty-six, never been kiss at never been hug pa siya. ‘Yung nanligaw naman sa kanya, hindi pa man sila ay nahuli niya na agad sa aktong niloloko siya. Ang katwiran nito, matagal daw kasi siyang sumagot ng 'oo' gayong dalawang linggo pa lang ito nanliligaw. Kung mapanakit lang siyang tao siguradong nasa kulungan na siya ngayon.   "Oy babaita, baka may balak kang tumakas ha? Isusumbong kita sa kapatid mo," siko sa kanya ni Teresa. Binalingan niya ang kaibigan at inirapan.   "Tingin mo naman sa ‘kin, saka ayokong magtampo ang kumag na iyan," nguso niya sa kapatid na lalaking hinaharot-harot ang bride niya. Panay naman ang tili ng nasa paligid. Napangiwi siya.   "Alam mo ha, ikaw. mas matanda ka sa kapatid mo pero mas nauna pa siyang nag-asawa kaysa sa ‘yo. Look at you, ilang taon na lang malapit-lapit nang kumunat 'yang balat mo. Baka naman matanda ka na doon ka pa maghanap ng boyfriend mo. Eww 'yon ha." natatawang sabi ng katabi niya. Inirapan niya si Teresa.   "Alam mo napakaintrimitida mo. Ganitong nai-stress ako kung saan na ako pupunta nito kapag may problema ako gagatungan mo pa..." bulong niya saka huminga nang malalim. "Lahat ng nasa paligid ko may sarili ng mga pamilya."   Bata pa lang nang maghiwalay ang mga magulang nila. Ang mommy niya ay umuwi na sa States kasama ang asawang businessman. Ang kanyang daddy naman binanggit sa kanya kaninang umaga na uuwi na daw ito sa Davao kasama ng pamilya nito. Itong kapatid niya, may sarili ng bahay na kinuha sa Cavite. At mag-isa siyang maiiwan sa bahay na binigay sa kanya.   "Bakit? Nandito pa naman ako, 'di ba? Kahit may asawa na ako, pwede ka pa namang pumunta sa bahay ko para makipag-chikahan."   Napanguso siya. "Ikaw? Eh dinadagdagan mo lang naman problema ko sa away n’yo ng asawa mo."   Napahagikgik naman ito. "Anyway, kung gano’n baka magustuhan mong magbakasyon? Ang tagal mo nang hindi kumukuha ng vacation leave kay Sir, ha."   "Saan naman ako pupunta, eh, ayoko namang mag-travel mag-isa? Mahirap na ano."   "Beshy, mas nahahanap daw ang destiny ng isang tao kapag nag-iisa. Baka hindi dito sa Maynila ang kapalaran mo. Malay mo nasa ibang lugar."   Umirap lang siya. "Ang dami mo talagang nalalaman."   "Uy! Maggie,Teresa!"   Bumaling naman sila sa tumatawag sa kanila. Nakita nilang nakatayo sa harap ng altar ang lahat."   "Picture na daw, tumayo na kayong dalawa!" sabi ng isang kaibigan nila.   "Ay oo nga pala, ang daldal kasi ni Maggie, eh," sisi ni Teresa saka tumayo. Napapailing na tumayo na lang siya at sumunod dito.   "Ate Maggie, ikaw po ang sumalo ng flower mamaya, ha?" nakangiting sabi ni Martha habang papalapit sila. Natawa siya nang mahina. "Sorry, hindi ko keri, marami pa namang dalaga dito, ano ka ba?" sambit niya.   “Ate, ikaw na lang ang dalaga dito. Lahat ng mga nandito hindi na single," sabat ng kapatid. Natigilan siya, siya na lang ba ang nag-iisang single sa mundo?! Narinig niyang humagikgik si Teresa. Pinandilatan niya ito ng mga mata.   "Okay, smile na po!"   Humarap naman sila sa camera.   'Eh ano naman ngayon? Sigurado ako na hindi lang naman ako ang babaeng matandang dalaga kung magkataon, hindi ba?'       ****    ,   "Mabuti naman at napag-isipan mo ang sinabi ko na kumuha ka ng vacation leave. Aba deserve mo naman ang magbakasyon, ha."   Napabuga na lang ng hininga si Maggie sa sinabi ni Teresa. Sa loob ng ilang taong pagtatrabaho niya bilang fashion designer sa Ruby Esmeralda Corporation ay ngayon lang niya naisipang mag-leave. Buong panahon kasi niya ay ginugol niya sa trabaho. Kapag umuwi naman siya ngayon sa kanila ay siguradong mabuburyong siya.   Siya kasi ang tipo ng taong hindi sanay mag-isa.   "Sigurado ka ba na magugustuhan ko do’n?" paniniyak niya sa kaibigan.   “Oo naman! Alam mo bang napaka-sariwa ng hangin doon, malinis ang paligid. Pagsapit ng dapithapon bisitahin mo 'yung fish fond, pwede ka pang magtayo ng tent doon kung gusto mo. Ligtas ka sa lugar na 'yon, alam mo ba napaka-heartwarming din kapag tumataggap sila ng mga bisita," sabi pa nito na tila inaalala ang dating pagtira.   "Maganda kung gano’n. Hindi na ako mahihiya pumunta sa lugar na hindi ko alam."   “Sorry, bes, kung hindi ako makakasama, ha? Alam mo naman may responsibilidad ako dito."   Nagkibit-balikat lang siya. "Alam ko naman 'yon, bakla, your family needs you. Saka isa pa isasama ba kita sa lagay mong 'yan?'’   Two months nang buntis ang kaibigan, madadagdagan na ang pamilya nito samantalang siya ay edad lang ang dumadagdag. Hindi naman siya nape-pressure, eh. Iniisip lang kasi niya kung ganitong ayaw niyang mag-isa sa buhay mas mabuting mag-asawa na lang siya.   "Sigurado ako, bes, sa oras na magustuhan mo doon baka maisipan mo pang kumuha ng bahay," hagikgik ng kaibigan.   "Malabo, alam mo namang dito ang buhay ko, 'di ba?"   "Pwede pa kayang magbago ang isip mo once na nandoon ka na," nakanguso pang sabi nito. Tumawa siya nang mahina.   "I'm city girl, bes," nakangiting sabi niya. "Hindi ako sanay sa buhay bukid.''   "Okay, sabi mo eh," kibit-balikat nito. Nang mailigpit niya lahat ng gamit sa box ay binalingan na niya ang kaibigan. Napatingin siya sa umbok nitong tiyan.   "Kung ako sa ‘yo magli-leave na din ako." "Ano ka ba? Kaya ko pa naman. Napag-usapan naman namin ng asawa ko na baka mag-work from home na ako."   Napangiti siya dito.   "Mas maganda pa, hindi katulad dito puro sermon ng dragon maririnig mo," aniya sa humagikgik na ang tinutukoy ay ang manager nila. Siniko siya nito.   "Marinig ka niyan, awayin ka na naman diyan."   Kumindat lang siya dito. "Aalis na ako. Bye, beshy."   "Mag-iingat ka, ha. 'Yung address na binigay ko sa ‘yo baka mawala!" pahabol nito. Tinaas lang niya ang kamay at kinaway. Nagmamadaling pumasok siya sa elevator. Pagdating niya sa 9th floor ay may pumasok na lalaking matangkad. Napaurong siya sa sulok, naulinigan niyang may kausap ito sa cellphone.   "Napakatigas talaga ng ulo niya. Kung ayaw pa din niyang umuwi, huwag n’yo nang pilitin. Balang-araw babalik din siya sa atin. Take care of mom, sigurado akong na-stress na naman siya sa anak niyang 'yan."   Tumingin siya sa gilid para hindi nito mapansing nakikinig siya. Natigilan siya nang makitang pinindot nito ang itaas ng button.   'VIP floor 'yon ha...'   Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki. Maputi ito, mamula-mula ang balat at kahit nakatagilid ito sa gawi niya ay alam niyang guwapo ito.   'Kaibigan yata 'to ni Sir Justin...'   "Oh my God!'' gulat na bulalas niya. Hindi niya pinansin ang nagulat na katabi. Napahawak siya sa bibig.   "Bakit sa paitaas ako pumasok?!" bulalas niya. Tarantang binuksan niya ang elevator at nagmamadaling lumabas. Namula ang mukha niya sa sobrang hiya.    'Tanga ka talaga, Maggie!'   Parang bata na pumasok siya sa kabilang elevator.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD