GRAB THE OPPORTUNITY

1414 Words
Roanne Colasi Lumabas na kami sa opisina pero yung diwa ko nanduon pa din sa loob. Siya yun, siya yun. For Pete's sake siya yun. The man who saved my life when I commited suicide. And that man, Is a f*cking soldier. Anong gagawin ko? Magpapa-salamat? Manganga-musta? "Anong gina-gawa mo Roanne?" Bumalik ako sa ulirat sa boses ni Jevi hindi ko namalayan na nasa Van na pala kami. "H-ha? Wala. Pinoproblema ko lang yung sa case" bumuntong hininga ako. Trabaho muna, Roanne. Bakit kasi ayaw na lang nila mag-bigay ng statement? Bakit ayaw nilang makipag-cooperate? "Roanne may tanong ako" napa-lingon ako kay Jevi. "Yung sundalong pumasok kanina kakilala mo ba siya?" Bumuntong hininga ako. "It hard to explain sort of? Like that?" "Tarag*s 'yan tinanong lang napa-english na. Narinig ko siya sabi niya long time no see at isa siya sa Alpha Team? Puwede mo siyang kausapin para sa case" agad akong tumitig kay Jevi. "P-parang nakaka-hiya ni hindi ko alam pangalan niya" nahihiyang sabi ko. "Eh bakit long time no see?" "H-ha? Anong long time no see? Reporter ako siguro nakikita niya ako" hindi maka-tingin na sabi ko. "Roanne grab the opportunity ha" Nahihiya ako, hindi naman kami close para kausapin siya. We're not even friends. We just knew each other because of that day after that I didn't see him anymore and now? After three years we met again. And he is one of the key to solve my problem but I am f*cking shy. F*cking shy! "Huwag ka na mahiya. Kung sino man siya matutulungan niya tayo. Mukang ilang linggo akong day-off" napa-tingin ako kay Jevi. "Anong day-off? Bakit?" Kunot ang noong tanong ko. "Kasi makaka-istorbo ako sa pag-iibigan niyo. Hihihihi" "What the h*ll are you saying?" "Arte neto oh" umiling na lang ako. "Sinabihan lang long time no see nawala ka na agad sa mundo, kasi napunta ka sa mundo kung saan kayo ang bumuo yiieee" "Tigilan mo nga ako. Hindi ko yun gusto" "Wala akong sinabi, defended ka naman" "Anong defended? Baka defensive?" Nata-tawang sabi ko. "Camera man lang naman ako, anong malay ko sa ganiyan" at nagtawanan kami. "Pero I think kailangan mo siyang kausapin. Tanggalin mo ang hiya mo, mag-feeling close ka ganuon." "Sosyal 'I think'" pang-aasar ko. "Well I was born just to be me." Kahit walang connect hindi ko na lang pinansin. "Anong gagawin ko, Jevi?" "Akitin mo grrrr ganuon" "Ano ako aso?" "Hindi, muka lang" "Una na ako, pa-hatid ka na lang kay Mister Sergeant Major, Roanne kapag hindi ka naman hinatid lakad ka na lang" hindi pa ako nakakapag-salita tinulak niya ako palabas ng Van. What the?! "Goodluck, Roanne masaya 'yan kasi ang trabahong may harot ganado" at pina-andar na niya ang kotse ng hindi man lang ako pinagsasalita Trabahonv may harot ganado? Ano yun? Bakit ako iniwan? Anong gagawin ko dito? Hindi ko kabisado ang Taguig. Paano ko kakausapin ang taong hindi ko kilala? Baka naman hindi siya yun? Baka yung major ang sinabihan niyang long time no see? Tama ayun yun, hindi ko din masyado nakita ang muka niya. Myghad Roanne umayos ka. Pwede mo siyang pilitin. Mag-feeling close ka na lang. Tama-tama. Grab the opportunity dahil makaka-tulong siya sa akin. Pero kailan kaya lalabas yun? Ni hindi ko nga alam pangalan niya. Hindi ko din sure kung siya. Bakit kasi hindi ko tiningnan ang muka? Roanne naman. Kapag wala akong napala, mag-ga-grab na lang ak-— No-no-no. Grab the opportunity, Roanne. Hindi Grab na sakay. Inhale... Exhale... Inhale... Exhale. I can do it. Aantayin ko na lang kung kailan siya lalabas and then the show must go on. Lord help me, lord help me, lord help me, lord help me. Umupo ako sa gather ng tapat nung building. Kailangan ko siyang antayin—— "Hey" Pag-pinatitibok mo ng kay bilis ang puso ko pag-pinakikinggan ko mga kantang sinulat mo. Gusto ko ang nota, ang nota-nota m—-AIISSHSHH ERASE-ERASE Napa-lunok ako nang may makita akong sapatos ng pang-sundalo dahan-dahan ko yun tinitigan pataas at tama ang hinala ko. Siya yun, siya yun ang lakaking pumigil nung kamatayan ko. Siya yun, siya yun, yung pogi. Adonis myghhhaddd ang pogi niya lalo. Super ganda nung moreno niyang balat. Sundalo siya kaya moreno. Ang guwaapooo. "Hey?" Pag-uulit ko pero hindi ako sure? Myghhaaddd. Nakaka-stars struck. Bring back your poise, Roanne. Bring back your poise. "Kamusta?" Ngumiti siya sa sinabi ko. Ang puti ng ngipin. Hindi kk talaga kayang itanggu ang guwapong meroon siya. "Maayos naman. Natutuwa akong buhay ka" Mas matutuwa ako kung tutulungan mo'ko. "Salamat pala, I don't have time to say thank you that time because you left me, remember?" "Now leave" ano daw? "H-ha?" Utal na tanong ko. Now leave? Pinapa-alis ako. "Biro lang. Line kasi yun ni Kathryn Bernardo sa The How's Of Us" Ah Kathniel. "Ah hehehe" joker pala. "So ayun nga salamat, by the way my name is Roanne. Roanne Colasi" Ngumiti siya sa akin tapos inabot niya ang kamay niya kaya inabot ko yun. Ang lambot ng kamay niya. Sundalo siya eh dapat matigas or magaspang. "Cetaphile eh" "H-ha?" "Wala" Cetaphile? Hindi ko gets ano ba 'to? "Nasaan pala yung kasama mong camera man?" "Iniwan ako" para sa'yo kaya sana matulungan mo'ko. "N-nagkaroon kasi ng emergency p-pamilya niya" pag-sisinungaling ko kaya nauutal ako. "Hindi ka marunong mag-sinungaling 'no?" "At hindi mo rin kayang bitawan ang kamay ko?" Hindi ko alam kung paano ko nasabi yun pero binitawan niya ang kamay ko. "Bakit ka iniwan? Lagi ka na lang iniiwan 'no?" Pang-aasar niya pero ni hindi man lang ako naging apektado. Parang wala lang sa'kin. "Nice moved-on na. Eh bakit nandito ka pa din? Hindi ka na lang sana sumabay sa camera man mo?" "Ah-eh ano kasi... Kasi... Gusto ko magpasalamat" "Oh gusto mo ng scoop?" Deretsang sabi niya. "Rmall's m******e hindi ba?" Duon sumeryoso siya. Parang hindi na siya yung kanina. Bumuntong hininga ako. "Mister Sergeant Major—-" "Dred ang pangalan ko" "D-dred.. Dred kailangan ma-solve yung case. Matutulungan na'tin isa't-isa kung magbibigay kayo ng details about sa kaso" "Mabibilis talaga ang mga reporter" makahulugang sabi niya. "Dred please" pagmama-kaawa ko. "Three years ng sarado ang kaso... Bakit pa ba binuksan 'to?" "D-dahil gusto ng mga namatayan ang hustisya" parang naiiyak na sabi ko. "Pero dahil sa pagtatago niyo ng impormasyon karamihan sa krimen walang sulosyon" "Mali ka. Binuksan lang ulit 'to para may mapag-usapan at may idawit ng wala namang kasalanan" seryosong sabi niya. "W-what do you mean?" "Na wala kayong mapapala sa kasong 'to" tumalikod siya. "Ganuon na lang yun? Paano yung mga namatayan?" Paano yung trabaho ko? "Isipin mo na lang Roanne na kung kayo walang makuhang sagot kami pa kaya?" "Meron kayong impormasyon na tinatago. S-siguro may pinoprotektahan kayo." Kinakabahang sabi ko. "Huwag mong kuwestiyonin ang pagiging sundalo namin. Ginawa namin ng maayos ang trabaho namin" tumalikod na siya at aalis na sana pero nag-salita ulit ako. "Kung ginawa niyo bakit hanggang ngayon wala pa ring sagot?" Seryosong tanong ko. "Bakit ba ayaw niyo mag-salita? Bakit ba ang ilap-ilap niyo sa impormasyon? Bakit ayaw niyong tumulong? Maawa kayo sa mga taong nawalan ng mahal sa buhay, maawa kayo sa mga taong nawalan ng hanap-buhay. Kahit kaunting impormasyon, Dred makaka-tulong na. But all of you keep your mouth shut. For what? Why don't we guys help each other about this case? Dred I am begging you. They need justice-—" "At ikaw?" Napa-hinto ako sa sinabi niya. "Anong kailangan mo?" Seryosong dugtong niya pam Ang trabaho ko. "Wala akong kailangan sa kasong 'to pero gusto kong tumulong—-" "Tumulong o madagdagan ang sweldo mo?" "A-ano?" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Ang mga sundalo maka-tapos ng misyon, may mamatay man sa'min, may matanggalan ng paa o ano mang parte ng katawan, may malaki man at sikat na misyon na hawak. Hindi tumataas ang sweldo, pero ang ibang trabaho bawat galaw ng sikat na isyu sa mundo, pataas nang pataas ang suweldo lalo na pag-sumikat yung pinag-uusapan nito" "Ibang trabaho? O mga reporter lang ang tinutukoy mo?" Hindi siya sumagot. "Ratings lang naman ang importante sa inyo, hindi ang pag-tulong-—" "Huwag mong husgahan ang trabaho namin" "At huwag mong kuwestiyunin ang pagiging sundalo namin" "Ang gusto ko lang naman ay maka-tulong-—" "Ang gusto mo scoop sa report mo. Lahat ng reporter naglalaway para dito" "Bakit kasi hindi mo na lang sabihin na ayaw mo? Bakit kasi hindi na lang kayo mag-salita?" Inis na sabi ko. "Because that's an order"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD