I just can't believe I really love you, Hero Beauregard Faulkner Fiennes Tiffin.
Roanne Colasi
"Inhale... Exhale... Inhale... Exhale you can do it, Roanne" pagka-usap ko sa sarili ko.
"Nervous?" Si Director. Tumango ako. "Nagpetition ang mga kamag-anak nung mga namatayan sa m******e na buksan ulit ang kaso dahil hinahanap nila ang hustisya para sa mga mahal sa buhay... I will give you a two months to do this case, Roanne." Tumango naman ako.
"Matagal pa bago siguro mabuksan ang kaso, two months from now pero dapat may mga na-interview ka na about duon here's the other details kung sino ang pwede mong iinterview-hin" may binigay na folder sa akin si Director.
"Thanks po"
"You may go, your works starts now" aalis na sana ako pero napahinto ako sa sinabi ni Director. Parang nagimbal buong pagkatao ko. "But if you failed on this case. I am sorry to say but...I will fire you" dahan-dahan akong napa-tingin kay Director. "And I am dead serious, Roanne" lunok.
"HOYYYY!!!!" nabingi ako sa napaka-lakas na sigaw ni Jevi. Hindi ko namalayan na nasa van na pala kami. "Ano ba 'to si Roanne hindi nakikinig?" Tila pikon na niyang sabi.
"H-ha? Ano ba kasi yun? Nagsasalita ka ba?"
"Hindi, tahimik lang ako kaya nga sinigawan kita 'di ba?" Ngumuwi naman ako. "Ano ba kasi iniisip mo?"
"W-wala yun... Ano bang sinasabi mo?" Mas okay siguro na itago yun kaysa sabihin sa iba. Kailangan kong matapos ang report na'to.
Kailangan kong malutas ano ang nasa likod nito.
"Ayun na nga ang una nating pupuntahan yung CEO ng Rmall. Malay natin may tinatago pala na statement sila para protektahan ang Rmall"
"Mahihirapan tayo duon... Teka sino ba CEO nuon?" Tanong ko.
"Nagda-drive ako 'di ba?" Sarcastik na sabi niya. "Malamang basahin mo sa folder, gusto mo ako mag-basa? Para deretso langit tayong dalawa?" Hindi ko siya pinansin at binuksan ko ang folder.
"Sharine Umali, the acting CEO of Ramos Corporation. She is the niece of the owner of Ramos Corporation; Mrs. Fidela Umali Ramos. She leads her auntie's business because of the owner's son; Rico Ramos is a captain on a Philippine Military and he has no time to handle their business and Mrs. Fidela Ramos and her husband is too old to handle their company that's why Ms. Sharine Umali act as a CEO until now and she managed the business well."
"Wow sana may tita akong ganuon yung tumanda ka lang binigay na sa'yo yung kumpanya" si Jevi.
"Assuming, mukang mahihirapan tayo kuhanan ng statement si Ms. Sharine."
"Kukuha tayo ng appointment malamang" si Jevi.
"Sobrang busy siguro yun ngayon lalo na at after two months bubuksan na muli yung kaso na kinaharap na problema ng mga Ramos"
"Malamang pero kailangan mangulit tayo para sa work na 'to"
Malamang, kasi matatanggal ako sa trabaho e.
Maya-maya pa hindi pa namin gaanong nararating yung Ramos Corp. pero dagsa na ang mga reporter sa labas.
"Mga hapit yung ibang station tingnan mo nauna pa sa'tin. Dapat sa atin yung pinaka-magandang scoop na mauuna" si Jevi. Umiling-iling na lang ako.
Nang maka-baba ako sa Van humanap muna ng pwedeng ma-park-kingan si Jevi kaya nauna ako.
Kaniya-kaniyang salita ang bawat reporter, ngayon pa lang ako naka-kita ng ganito kadaming reporter dahil hindi naman ganuon ka-importante ang nirereport ko.
"Sure akong hindi na naman masosolve 'to"
"Sure akong pag-uusapan lang 'to tapos wala na naman"
"Sarado na naman ulit ang kaso pag ganuon"
"Ayaw pa kasing mag-bigay ng mga statement nang mapadali lahat ng trabaho" kaniya-kaniyang komento ang mga naririnig ko sa kanila.
Maya-maya pa dumating na si Jevi dala ang camera.
"Ano lumabas na ba si Ms. Sharine?" Tanong niya. Umiling ako. "Sayang narinig ko kasi sa mga tao na ang ganda daw nung CEO na yun"
"Nako akala mo naman papatulan ka nuon" pang-aasar ko. Sasagot pa lamg sana siya pero agad kaming napatingi. Sa isang magandang babae na mahaba ang kulay brown na buhok at singkit.
Masasabi kong maganda siya.
Kaniya-kaniyang paunahan ang mga reporter para sa kaniya.
"Ms. Umali ngayon na bubuksan ulit ang kaso makakapag-bigay po ba kayo ng kongkretong estamento para mapadali ang kaso?"
"Ms. Umali kung patuloy po kayong mananahimik sa tingin niyo ba makakakuha pa ng hustisya ang mga namatayan?"
"Ma'am kilala niyo po ba ang nasa likod nito?"
"Ma'am ano sa tingin niyo ang rason bakit mina-ssacre ang Rmall?"
Halos hindi ako maka-singit sa sunod-sunod na mga tanong nila pero hindi mo kakikitaan ng pagbabago ng emosyon si Ms. Sharine.
Parang wala lang sa kaniya ang ganito, parang normal sa kaniya na dinudumog siya.
Ni wala nga siyang shades or face mask para takpan ang muka niya. Simpleng naka-lugay lang 'to at walang emosyon ang muka.
"I am so sorry but I am too busy to answer all your questions if you want to talk to me nor hear my statement just please set an appointment thank you" at biglang may pumaradang mamahaling sasakyan at mabilis na sumakay siya duon at umalis.
"Grabe na-star struck ata tayo sa ganda nuon ni hindi man lang tayo nakapag-salita" natauhan ako sa boses ni Jevi. "Pero magkasing ganda ata kayo"
"Sana ol" natawa naman siya. "So saan tayo next na pupunta?"
"Nasa akin ba ang folder?" Hindi na ako nag-salita at dumeretso na lang ako sa van at kinuha yung folder. Pina-andar niya yung Van. "Saan daw next?"
"Aiken Isabelle daw isa siya sa mga nakaligtas na sales lady sa mall pero hindi siya makita ngayon last na tinirahan niya Pampanga daw"
"Edi punta tayong Pampanga" ilang oras pa mas pinili kong umidlip dahil malayo ang byahe papuntang Pampanga pero hindi din nag-tagal ginising ako ni Jevi.
"May picture ka ba nung Aiken?" Tinitigan ko siya.
"Nasa Pampanga na ba tayo?"
"Bilisan mo kung may picture ka ba nung Aiken?"
"Bakit ka ba nagmamadali?" Sabi ko habang tinitingnan kung may picture nung Aiken. "Ito oh copy ng bio data niya" binigay ko agad kay Jevi.
"Tingnan mo yung cashier sa 711" napa-tingin naman ako sa paligid at nakita kong nasa tapat kami ng 711 at kamukang kamuka sa 2x2 picture ni Aiken Isabelle ang cashier na yun.
"Paano mo naman na mukaan na si Aiken yung kung hindi mo alam ang muka?" Napakamot naman siya sa ulo.
"Nung pag-tingin mo sa data ni Aiken... Auto ganda kasi 'tong mata ko. Kaya kong kabisaduhin ang isang libong babae sa loob lang ng sampung segundo basta magaganda"
"Eh paano pag may panget na isa?"
"Syntax error yun" natawa naman ako.
"Tara puntahan natin" pumunta naman kami sa 711.
"Good afternoon, Ma'am" bungad nung Cashier. Naka-ngiti ito at napaka-ganda.
Bakit lahat maganda?
"Miss may I know your name?" Tanong ko agad.
Nawala ang ngiti ng babae at seryosong tumingin.
"Bakit po?" Kasing tanda ko lang ata siya.
"About Rmal-"
"Ganuon ba? S-sige" nakahinga ako ng maluwag nung sumama siya sa'kin. Umupo kami sa isang bench malapit sa 711.
"May nakita ka bang kakaiba bago yung pag-sabog at pamamaril nung araw na yun?" Agad na tanong ako.
"Tatlong taon na ang nakakalipas nuon at hindi ko matandaan ang ibang pangyayari pero puwede ako magkuwento." Bumuntong hininga siya sabay tumitig sa kalsada.
"Ina-assist ko yung babaeng bibili ng sapatos nuong oras na yun at kukuha na sana ako ng size na gusto niya pero bigla akong nakarinig ng pag-sabog at pamamaril. Na-stock ako sa stock room at hindi ako lumabas duon hanggang sa tumahimik pero dahil sa usok nawalan ako ng malay, pag-gising ko nasa ospital na ako" malungkot na sabi niya
"So sa madaling sabi wala kang nakita dahil nasa stock room ka?" Tumango siya sa akin at tumitig.
"Sa tingin ko dapat ... Hindi niyo na pinapa-kielaman ang bagay na dapat sarado na" at duon napa-lunok ako. "Kasi baka bukas.... Madamay ka" kasabay nu'n ang pag-tayo niya. "Mauuna na'ko, salamat po" at umalis na siya.
Parang hindi ako naka-galaw sa kinatatayuan ko. Natakot ako sa hindi malamang dahilan.
"Shet ang ganda niya, may cellphone kaya yun?... Diyosaaaaa" bumalik ako sa ulirat sa sinabi ni Jevi.
"W-wala tayong makukuha sa kaniya"
"Oh ba't nauutal ka?" Hindi ko siya pinansin.
"Sino pa ba ang iinterviewhin?" Tanong ko na lang.
"Ang mga sundalong humawak sa kaso."
"Tara"
Ilang oras pa kinontak namin ang mga sundalong kasama sa kaso, isa silang grupo na lima ang myembero tawag sa kanila Alpha Team.
"Narinig ko na yung Alpha Team dati sa mga balita eh" maya-maya sabi ni Jevi.
"Talaga? Nagbabalita tayo bakit hindi ko sila kilala?"
"Wala ata kayong TV sa inyo" sinamaan ko siya ng tingin. "Sa taguig tayo sa Recruitment Office-Luzon, Fort Bonifacio, Taguig City"
"Sige tulog lang ako"
"Mag-gagabi na nu'n"
"Ano naman?"
"Hindi ba pwedeng bukas?"
"Sige mag-bukas ka"
"Ano ba sabi ko? Deretso Taguig."
Pumikit ako, kapag hindi ko natapos 'to mawawalan ako ng trabaho. Nilagay ko sa panganib ang trabaho ko.
You have to do this Roanne. Kaya mo 'to.
Tumingin ako sa kalsada dahil hindi ako makatulog inabot na nga ng gabi nang maka-rating kami duon at naabutan namin ang lahat halos ng sundalo na busy.
Kaniya-kaniya silang lakad, kaniya-kaniyang basa ng papeles, kaniya-kaniyang gawain at talagamg busy.
"Ahm sino po ang puwede maka-usap about sa Rmall's m******e Case?" Pag-tanong ko sa isa sa mga guard.
"Ah nanduon si Sergeant Major Macapagal, Ma' am isa po siya sa Alpha Team na humawak nung kaso. Siya lang po ang nandito sa Alpha Team"
"Salamat kuya saan siya banda?" Tanong ko.
"Duon sa may hall paliko sa office po ni Major Bulacena" tumango ako. Habang naglalakad dahil siguro sa sobrang busy nung mga tao hindi na nila kami napansin.
Kumatok muna ako bago kami pumasok nung maka-rating kami sa opisina.
Isang matanda ang bumungad sa amin na kung hindi ako nagka-kamali yun yung Major Bulacena.
"Ahm hello p-"
"Major Bulacena this is Sergeant Major Dred Macapagal asking permission to enter your room sir" napahinto ako sa pagsasalita sa boses na yun.
Pakiramdam ko wala ng hangin bigla sa mundo, naubusan ng tubig sa dagat, natanggalan ng buhangin ang disyerto. Lahat ng ka-abnormalan naisip ko na agad.
Nagbago ang pag-hinga ako. Hindi ako maka-galaw, hindi ako maka-kilos. Ayaw ko lumingon. Kinakabahan ako.
"Come in" tila dahan-dahan ang naging pag-bukas ng pinto at rinig na rinig ko ang pagbukas nito kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko.
"By the way... you are?" Bumalik ako sa ulirat sa sinabi nung Major.
Inhale.... Exhale.... Inhale.... Exhale.... Kaya mo 'to, Roanne.
Hindi ka pa sure sa conclusion so don't conclude easily.
"Sir I am here because I want to hear the statement of atleast one of the member of Alpha Team who's hold the case of... Rmall's m******e" at duom sumandal sa swivel chair ang matanda.
"General Ramos told that we're not allowed to say any statements about to that cas-"
"But please have mercy, how about the people who wants justice for their love ones?" Paano ang mga taong napatay? "To those people who wants the answer about this endless case" Para sa taong hindi malaman ang sagot kung bakit malungkot. "Madaming umaasa sa kakapiranggot na sasabihin niyo pero pinagdadamot niyo" katumbas ng salita niyo ang trabaho ko sa oras na 'to.
Maawa kayo.
"I am so sorry but that was the order and we can't do anything about it" bagsak amg balikat na tumalikod ako sa Major.
Hindi ko na tiningnan ang lahat walang sabi-sabing lumabas ako nung opisina pero bago pa ako maka-labas narinig ko ang isang sundalong tila nagpa-hinto ng mundo ko.
"Long time no see"