Three Years Later....
Pagod sa pag-lalakad habang tagaktak ang pawis dahil sa mainit at malaking sikat ng araw na parang samin lang naka-tutok.
"Roanne ano ba 'yang CST news na 'yan, natupad mo nga pangarap mo maging reporter sa kanila ang nire-report mo naman kung hindi namatay na aso mga nalantang gulay naman. Hindi ba nila makita ang galing mo sa pagre-report? Tulad ngayon ang nireport natin traffic... Ano ba 'tong CST Station medyo bob*" napailing-iling na lang ako kay Jevi.
Camera man ko siya s***h kaibigan na din.
"Anong gusto nila si Mindy? Walang ginawa kung hindi magpa-bebe sa camera. Kung ayaw nila ng magaling lumipat na kaya tayo sa ibang station" natawa naman ako sa sinabi niya.
Nang makakita kami nang mauupuan umupo muna kami duon.
"You know what Jevi. I commited suicide before" Nanlaki ang mga mata niya kaya natawa ako.
"Sayang hindi natuloy" biro niya.
"Loko." Nata-tawang sabi ko. "My fiance cheated on me. He impregnated my cousin then my was about wedding was ended up being my cousin and my fiance's wedding galing 'no? Kailangan kasi nila mapanindigan ang ginawa nila dahil nabuntis ni Bage ang pinsan ko then kamalasan came hindi ako tinanggap bilang reporter that time sa CST Station. Edi bagsak. so I commited suicide but... A man came I actually memorize his adonis face, tanned skin and pogi looks. He saved me... From death" pagkukuwento ko.
"So anong connect niyan sa hini-himutok ko?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ko kasi ma-gets pa english-english ka pa diyan"
"Na huwag kasi susuko yun ang sinabi nung lalaki sa akin"
"Ang dami mong sinabing english yun lang pala yun" kamot-kamot pa siya sa batok niya. "Eh paano ka natanggap sa CST?"
"Nag-kulang ng reporter ako ang tinawagan" bagsak na balikat na sabi ko.
"So kung hindi sila nag-kulang hindi ka reporter ngayon?" Tumango ako.
"Oo, option lang naman ako I've never been their priority"
"Eh?" Natawa naman ako. "Naka-move on ka naman na duon sa ex-fiance mo? Wala ng galit sa pinsan mo?" Natawa ako.
"Syempre wala... Kaso ninang ako nung unak nila na naging dahilan nang paghihiwalay namin. Isipin mo ninang pa ako nung anak nila?"
"Tarag*s mga manhid na 'yan. Saan ba sila nakatira samahan mo'ko bombahin natin bahay nila. Gigil nila yung kapo-gian ko."
"Iw" at nagtawanan kami.
"Pero payag ka bang kina-kana ka lang ni Paul at Mindy? Porket mala-laking kaso hawak ni Mindy at puro pang showbiz naman kay Paul na yun tapos ikaw nalantang gulay? Namatay na aso? Traffic sa kalsada e magpapa-api ka na lang?"
Inisa-isa niya pa talaga.
"Inggetero kaya hindi tayo uma-asenso eh" pumunta na kami sa Van at dumeretso sa CST.
Sobrang laki ng TV STATION na'to. Kaya halos lahat gusto maging reporter o artista dito gusto pumasok. Nandito din kasi ang mga sikat na artista, singer at dancer na kilala ng lahat.
CST means ACOSTA tinangal lang nila yung vowels sa Acosta kaya CST.
Nang makapasok kami sa floor namin naabutan namin si Cindy na pinagkakaguluhan ng mga katrabaho namin.
"Well this is me Cindy, I am confidently great na sa akin mapupunta ang RMALL'S m******e CASE. Who's better aside from me? Wala na." Agad na nakuha ng atensyon ko ang sinani ni Cindy.
Rmall's m******e? Three years nang naka-sara ang kasong yun ha.
Sa hindi malamang dahilan wala silang makitang evidence at walang silang suspects sa sobrang linis ng kasong yun.
Isa siyang malaking misteryo at palaisipan kung sino ang nasa likod nito.
Para silang naghahanap ng limang piso sa ilalim ng dagat.
"Matagal ng sarado paano mo ire-report?" Hindi ko na napigilan ang sumingit sa usapan at mababang tingin lang ang binigay nila sakin at hindi pa nakuntento mukang may sasabihin pang hindi maganda.
Pumalakpak si Paul ang baklang nagrereport sa showbiz page.
"Come on guys, come here may bago akong sinech at nalaman" kaniya-kaniyang lapitan naman ang mga chismosa at chismoso na pinangungunahan ni Cindy. Ngumiti muna sa akin si Paul. "Sinech itong reporter ng CST news na niloko ng asawa at ng kaniya coz at ginawa pa siyang ninang ng kanilang anak"
Agad na napa-tingin ako kay Paul duon na ngayo'y naka-ngisi sa akin.
"Wow. What a fishy issue?" Maarteng sabi ni Cindy na medyo tumatawa.
Napa-tingin ako kay Jevi dahil wala naman akong pinag-sabihang iba nung isyo kong 'yon.
"Parang gusto kong ibroadcast yun" si Cindy.
"Sis ano yun? Reporter na nireport hahaha" at nagtawanan lahat.
Apaka corny.
Bumuntong hininga na lang ako at nagpa-alam kay Jevi na uuwi na ako dahil tapos na trabaho ko.
Habang nagmamaneho napa-daan ako sa bakery nila Maxine. Kaklase ko siya nung grade seven pero nag-transfer siya sa ibang school nung grade eight na pero hindi naman kami natigil sa communication kaya close kami kahit papano.
Nakita ko siyang nagce-cellphone habang tumatawa.
"Pabile po" napatingin naman siya sa akin at ngumiwi.
"Sarado kami ngayon bukas ka mang-istorbo" ngayon ko na lang uli siya nakita madalas kasi chat lang kami nag-uusap. Nasa poder siya ng tatay niya madalas kaya bihira lang dito.
"Max---"
"Sarado na po" tapos tumayo na siya at lumabas ng tindahan nila at lumapit sa akin. "So anong problema mo Colasi? Ganiyan ka naman pupunta at kokontakin ako kapag may problema ka. Minsan imemention mo pa'ko pag pa-like nung contest online nung pamangkin mo. Hindi mo naman ako in-update kung nanalo" sarcastic na sabi niya kaya natawa ako.
"Sinech itong reporter na niloko ng ex-fiance at pinsan niya?" Walang emosyon na sabi ko.
Apektado pa din ako.
"Sinech itong tang*ng reporter na three years na apektado pa din? Pagunaw na lang mundo tang* ka pa din. Ka-gandang babae ang bob*. Bumili ka na lang ng pandede coco ng dumagdag ka sa kita namin"
"Max ang hirap maliitin alam mo yun? Sa trabaho, sa buhay, sa tao, sa lahat" at tumingin ako sa kaniya. "Sila Cindy at Paul ganuon pa din, sila Ella at Bage masaya na din. Like hello? Si Roanne naiwan malungkot pa din" tinitigan niya ako at bumuntong hininga.
"Mag-kanong pande coco ba?" Sinamaan ko siya ng tingin tapos ngumuwi siya. "Papuntahin mo nga ako sa CST at nang madurog ko ang buto nung dalawang yun. Roanne isa lang naman kung bakit nila ginagawa yun kasi pakiramdam nila mas mababa ka sa kanila"
"So anong dapat kong gawin?" Seryosong tanong ko.
"Maging mas mababa ka pa" kahit kailan talaga! "Malamang pilitin mo itaas yung sarili mo. Upgrade ganuon ang tang* nito. Oh siya ano bibilhin mo? Luh ang tagal, wala na sarado na"
Pagtapos ko bumili umuwi nakong bahay at naabutan ko si mama na gumagawa ng lesson plan. Si papa na nag-aayos ng jeep sa garahe at si Ranne ang kapatid kong bunso na nanunuod ng TV.
Walang naka-pansin sa'kin dahil busy lahat at naabutan kong sinaing pa lang ang meroon kaya nag-luto na ako ng ulam.
Tinawag ko na sila isa-isa para kumain . Humingi naman ng pasensya si papa dahil hindi nila ako napansing dumating.
"Iniimbitahan tayo ni Ella sa birthday ng anak nila ni Bage sa isang linggo-"
"At hindi ka pa rin pala talaga tumitigil sa pakikipag-usap kay ate Ella, ma?" Tila galit na agad na sabi ni Ranne.
"Ranne bastos 'yang bunganga mo" sita ko.
"Bakit ate? Tigas ng ulo naman nuon, niloko ka na nga inimbitahan ka pa tarag*s"
"Ranne" saway si Papa.
"Three years na ang nakakalipas, Roanne matuto kang magmove-on" bumuntong hininga ako kay mama.
"Mauuna na ako, busog pa pala ako." Hinarap ko si mama at pilit na ngumiti. "Pumunta ka, Ma kung gusto mo huwag mo na akong idamay" at dumeretso na ako sa kuwarto ko.
Kinabukasan pag-pasok ko sa trabaho naging matunog ang isyu about sa Rmall's m******e.
Ayun ang mall na pag-aari ng mga Ramos na tinawag nilang Rmall pero sa hindi malamang dahilan at problemang hindi masulosyunan ang Rmall ay pina-ulanan ng bala at bomba sa limang libong tao na nasa loob nuon tatlong daan lang ang natira.
Walang nakaka-alam kung sino ang nasa likod nito at tatlong taon na ang kaso hindi pa rin nila alam kung bakit nangyari ang insidente. Hanggang sa mag-sara ang kaso nito at ngayon binuksan ulit.
"Roannneee, Roannneee" napa-lingon ako kay Jevi na tuma-takbo papa-lapit sa'kin. "Roanne kausapin mo si Director na tayo na lang mag-report sa Rmall's m******e isipin mo na lang ang makukuha natin pag nangyari yun, lahat sila titingalain tayo pagnag-kataon baka malalaking case na ibigay nila sa'tin?" Bumuntong hininga ako.
"Jevi alam mo naman kung sino kukuhanin nila duon eh. Huwag na tayo umasa-"
"Malamang pilitin mo itaas yung sarili mo. Upgrade ganuon ang tang* nito."
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Maxine.
Tama, kailangan ko tumaas, mag-improve, mag-upgrade. Kailangan may mapatunayan ako kasi yun ang sinabi ko nuon sa sarili ko.
"Tama ka, Jevi kakausapin ko si Director" hindi ko na siya inantay sumagot at dumeretso na ako sa office ni Director.
Kumatok muna ako bago pumasok at naabutan ko si Director na nag-babasa ng mga papeles.
"What are you doing here, Roanne?" Walang tingin-tingin na tanong niya sa akin. Bumuntong hininga ako at nag-salita.
"Director, I am not good as Mindy, I am not best as Paul but can you please trust me on Rmall's m******e, Director. Trust me on this. I will do my best to make this case work and accomplish. I wil do my best to give justice to those people they killed. To those people who keeps on finding justice until now. Please? Director give me a chance" determinadong sabi ko at duon tiningnan niya ako.
"All of us knew how big is this, Roanne. Actually I'll tell you the truth. You don't belong here in the very begginning, Roanne. You don't have the confident while reporting, you don't have the fearless poise while speaking. All you have is your sad face and in pain feelings"
"Director" ang tanging nasabi ko. Masakit ang mga binigkas niyang salita pero tama siya.
"Why can't you just let go your past? And face your reality? Because if you keep on living on you and your ex-fiance's memories. You'll stay on reporting namatay na aso, traffic, nalantang gulay. Apektado ang nararamdaman mo sa nire-report mo. At wala akong makita kakone-konekta ng nararamdaman mo sa bawat report mo kaya puro ganiyang case ang ibinibigay ko sa'yo"
Moved-on na ako sa pagkaka-alam ko. Maayos nako sa tingin ko. Hindi ko alam na patuloy pa din pala akong malungkot habang sila masaya. Wala na din akong feelings kay Bage kaya paanong ganuon pa din ako?
Or should I say I am still pretending that I am okay?
"But, I will trust you on this one" at biglang napatingin ako kay Director. "Make me enlighten that I am wrong na you deserve better report than before. That you are belong here. Make me feel embarass, Roanne. I will give you the case and make us all proud to you" unti-unti akong napa-ngiti kay Director.
"Maraming salamat, Director. Thank you" at nakailang pasalamat pa ako bago lumabas sa kuwarto niya
I will do it because I can do it.
And I deserve it.