Roanne Colasi
Naka-yuko lang ako at pilit na nilalaban ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'kin.
Dahil lang kay Bage, si Bage na mahal ko at minahal din ako. Ang sakit sobra ang malaman na nabuntis ng fiance mo ang pinsan mo.
Walang tumbas na sakit lalo nung i-invite nila ako bilang ninang ng anak nila.
Hindi ko alam kung ano meroon sa pinsan kong si Ella kung bakit grabeng sakit ang binigay nila sa'kin pero masakit.
Nag-aral ako bilang reporter, sobra pa sa salitang sobra ang ginawa kong pag-aaral pero wala, bumagsak ako.
Na-mental block ako, nawala lahat sa utak para akong nabaliw. Hindi ko tanggap na yung pinag-hirapan ko nawala lang ng ganuon kadali.
Hindi ko na alam ang gagawin ko tapos nalaman ko pa yung dapat asawa ko nabuntis yung pinaan ko.
Grabe yung nang-yari. Hindi ko naman inisip na patong-patong yung sakit. Bumagsak ako, niloko ako tapos ginawa akong ninang.
Umiling-iling ako sa sakit na nararamdaman ko at pilit na pinapa-tahan ang sarili kahit na alam ko naman na hindi naman ako tatahan.
"Ano bagsak na naman? Anak hindi tayo mayaman, hindi tayo katulad ni Ella. Huwag mo sayangin yung mga ganuong bagay dahil lang kay Bage" halos maiyak na sabi ni mama.
Hindi ba niya na-isip na may pinag-dadaanan ako ngayon? Hindi ba niya na-isip na ang hirap? Hindi niya ba na-isip na ang sakit? Wala ba dapat akong maramdaman?
But that was all that they can say because we are not standing on the same shoe.
Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi ko at pilit na ngumiti kay mama.
"Oo, mama oo. Hindi tayo mayaman, hindi natin afford maka-pag aral ako sa university. Hindi tayo katulad nila Ella. Unting kembot na lang ma e. Unting kembot na lang" umiiyak na sabi ko at napa-luhod na. "M-magpapakasal na kami dapat... pero dahil sa puny*tang Ella na 'yan... Yung dapat kasal ko, naging kasal niya" at galit na tumingin ako kay mama. "Paano mo nasasabi sa akin ang mga ganiyang bagay?" Hindi ko na napigilan ang pag-taas ng boses. "Huwag kong sayangin ang ganuong bagay dahil kay Bage? Ma wake-up try to imagine na si papa nangaliwa. Hindi ba 'di mo kaya? P'wes ganuon din ako. Kasi put*ng*na dahil sa pamangkin mo... Nawala ang dapat asawa ko" mabilis na pinunasan ko ang luha ko at umalis sa bahay.
Wala silang alam, walang may alam at walang gustong maka-alam o umalam ng tunay kong nararamdaman.
Wala!
Namalayan ko na lang ang sarili ko nasa dagat na'ko dala-dala ang second hand na kotseng binili ni papa.
Hindi ko mapigilang umiyak, I can't bear this sh*t. I can't hold this pain. And I can't act like it was nothing because the truth is... It does.
Oh my God, Bage.
I love you more than you do but the always answers that I got from you was tears, sadness and pain. I accepted all your flaws, I was with you everytime you need a shoulder to cry on. I am your number one fan, you are my happines but I am no longer yours.
Ang sakit. Ang makitang ika-kasal ka sa pinsan ko masakit. Ang sakit-sakit.
But cupid was indeed a player biruin mo pinag-laruan kayo ng pinsan ko. Baka ako talaga yung daan lang para maging kayo.
Napahinto ako nang maramdaman ang malamig na tubig ng dagat. Habang pababa ang araw.
"Lord, God, Jesus if I can bare this pain I will keep fighting in life but... I can't please let me enter to the door of peace and let me rest... Please... Pleaseee..." Patuloy ako sa pag-iyak. Iyak na parang wala ng bukas.
Iyak na sinasabing...
Sinaktan ka, niloko ka, pinag-sikretuhan ka, pinag-tulungan ka, mina-liit ka, inapakan ka, minalas ka.
Kasi ako si Roanne Colasi isang loser. Isang malas.
Naghabol na ako ng hininga ko nang maramdaman ang tubig sa leeg ko.
This is it Roanne.
"Makakapag-pahinga ka na" naka-ngiti kong sabi at isang hakbang na lang tuluyan ko ng hahayaan ang tadhanda kung mabu-buhay ba ako o hindi.
Hahakbang na sana ako pero ganuon na lang ang gulat ko nung may humawak sa braso ko at dali-dali kong tiningnan kung sino yun.
Isang mala-adonis na lalaki ang nasa harap ko at naa-awang tiningnan ako.
"Diyos ka ba?" At duon sa hindi malang dahilan naramdaman ko ang galit niya. "DIYOS KA BA TINATANONG KITA!" nagulat ako sa medyo pag-taas ng boses niya kaya na-estatwa ako at hindi nakapag-salita. "Ano? Sumagot ka!"
"H-hindi" takot na agad na sabi ko. Sino bang hindi? Sisigawan ka ng taong hindi mo kilala?
"Eh kung ganuon bakit ka magpa-pakamatay? Iyo bang buhay 'yan? Pinahiram lang naman sayo 'yan kaya wala kang karapatang kunin yun. Ang daming taong gustong mabuhay pero ikaw gusto mo mamatay—"
"Hoy mister!" Malakas na sigaw ko at tumawa ng mapait. "Wala kang karapatan" at tumulo na naman ang walang hanggang katapusang luha ko. "Hindi mo alam ang sakit na nararamdaman ko, bumagsak ako sa CST Station, hindi ako nakuha bilang reporter, yung fiance ko sumama sa pinsan ko, yung pinsan ko nabuntis ng fiance ko. Sige nga isipin mo yung kamalasan na yun?" Galit na galit na sabi ko. Tumitig lang yung lalaki sa akin at bumuntong hininga.
"Edi isipin mo 'to na malakas ka, kasi bibigyan ka ba ng Diyos ng problema na hindi mo kaya?" At duon parang natauhan ako. "Huwag kang magpakamatay para sa kanila... Mabuhay ka para sa'yo" at duon ngumiti siya. "At dadating yung araw na kahit hindi ka gumanti, yung araw na okay ka na... Mapapakita mo sa kanila na hindi ka deserve masaktan, hindi ka deserve lokohin" huminga ako ng malalim at pinakatitigan siya.
"S-sino ka ba?" Hindi maka-paniwalang sabi ko. "Every people doesn't deserve to be cheated on and yes nalo-loko pa din sila. Kaya anong maga-gawa nung mga sinasabi mo kung hindi mo hawak ang utak at desisyon ng tao?" Galit na sabi ko.
"Walang maga-gawa ang sinabi ko kung sarado ang utak mo." Seryosong sabi niya. "Ang akin lang kung magpapa-kamatay ka edi para mo na ding sinabi na panalo sila at natalo ka na. Hangga't may bukas may pag-asa at kung hindi mo alam yun tingnan mo 'yan" at itinuro niya ang dagat.
Napa-tigil ako nang makita ang ganda ng papa-lubog na araw. Umiyak ako sa hindi malamang dahilan habang pinagma-masdan ang pa-palubog na araw.
"Hindi mo ba naisip na isa din 'yan sa dahilan kung bakit dapat ka mabuhay?" Malumanay na tanong niya.
"W-what do you mean?" Utal na tanong ko at pinunasan ang luha ko.
"Kasi kung nag-pakamatay ka ngayon hindi mo maki-kita ang ganda na naki-kita mo ngayon"
Hindi ko siya sinagot pero tumingin ako sa araw.
Hangga't may bukas, may pag-asa.
Naniniwala ako na may mara-rating ako. Hindi man siguro ngayon pero napaka-raming bukas na darating sa buhay ko at napaka-raming pag-asa ang katumbas nuon.
Wala sa sariling napa-ngiti ako at nilingon ang lalaki ngunit wala na siya.
Salamat.