Napangiti ako nung makita kong naghihiwa si Dred ng prutas sa para ipakain sa'kin. "Sabi ni Llorin bawal daw sa'yo ang maggagalaw, bawal din sayo ang junkfoods muna. Healthy living ka muna ngayon bawal ka muna sa mga badfood. More-on green food muna" sabi niya at sinubuan ako kinain ko naman yung sinubo niya. Habang tumatagal palala ng palala ang pagkagusto ko sa kaniya. "Kapag may kailangan kang kainin, gawin o kung ano man. Sa akin mo muna ipagawa. Hindi ka muna makakapasok pero alam na nung boss mo nangyare sa'yo." At pinainom akong tubig. "Huwag ka muna masyado mag-cellphone kasi ako lang naman ang dapat mong tawagan kung maari magpahinga ka huwag galaw ng galaw" sabi niya at nag-lagay ng unan sa likod ko para maayos akong makaupo. "May therapist akong kinuha ako at psychologist

