PAIN

1654 Words
Hindi ako makapag-focus sa ginagawa ko nag-aalala ako. Hindi pa'ko nakakapunta sa ospital kasi may trabaho ako. Dalawang araw na mahigit. "Kung nag-aalala ka puwede ka namang pumunta duon" napalingon ako sa nakangiting si Spartha. "Ako na gagawa ng report" "Paano kapag pinarusahan ka?" "Ayos lang hahaha parurusahan ka din naman." Tinapik niya balikat ko. "Ibang klase ka pala maawa umiiyak." Mapang-asar na sabi niya. "Puntahan mo na siya maiintindihan ka nila Captain" mabilis na tumango ako at nagpasalamat sabay alis. Pumara ako ng taxi dahil wala naman akong sasakyan na naka-parada dito at dumeretso sa flower shop bago pumunta sa ospital. Nang makarating sa ospital dumeretso ako sa front desk. "Miss saan yung kuwarto ni Ms. Roanne Colasi?" Tanong ko agad. "Sino po sila sir?" "Dred... Kaibigan niya." "Ah sorry sir bawal po kasing pumasok sa room ni Ms. Colasi due to her condition" agad naman akong nadismaya. "Kahit tingnan bawal siya?" Tanong ko pa din. "Sorry sir" bumuntong hininga ako. "Gising na ba siya?" "Opo sir" "Paabot na lang 'to pasabi bumisita ako" at binigay ko yung bulaklak. "Thank you sir" Ganuon siguro kalala yung nangyari sa kaniya kaya bawal ang bisita. Itext ko na lang kaya siya. To: Roanne Bumisita ako diyan kanina bawal daw bisita, maayos ka naba? Anong pakiramdam mo? Inantay ko ang reply niya pero wala. Siguro sa mga panahon na'to umiiyak siya at natatakot. Hindi pa rin siguro nagsisink-in sa kaniya ang mga nangyare. ** Roanne's "Ma'am ipinabibigay niya po" sabi nung nurse sa front desk. Hindi ko tiningnan ang nilagay niya sa side table. "Umalis na ba siya?" Walang buhay na sabi ko. "Opo, pero Ma'am mas mabuti kung haharapin niyo po siya kaysa sabihing bawal ang bisit——" "Nurse ka lang kaya umalis ka na" hindi siya nakapag-salita at umalis na. Walang buhay kong tinitigan ang binti ko na may mahabang sinulid na naka-tahi dito at may assistive devices para hindi ko magalaw. Naguunahang luha ang lumabas sa mga mata ko hanggang sa pumasok ang doctor. "Wala pa ang mga kamag-anak mo kaya sa'yo ko na lang sasabihin ang kondisyon mo. Meroon kaming ikinabit na Intramedullary rod, plates amd screws sa binti mo" Patuloy pa din sa pag-iyak ang mga mata ko pero ang nararamdaman ko wala. Wala akong maramdaman. Narinig ko ang pag-bukas ng pinto. Inaasahan kong sila papa 'yon pero mali ako. "Ayos lang ho ba siya?" Rinig ko ang boses ni Jevi. Wala na akong paki-elam pakiramdam ko ang manhid ko pero patuloy pa din akong umiiyak. "Bawal mo munang igalaw ang binti mo. Baka mag-stay ka pa dito ng one week para matutukan ang binti mo. Sa ngayon inumin mo muna yung mga gamot na pinaanom sa'yo at huwag mong igalaw ang binti mo" nagpaalam na ang doktor at umalis. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa binti ko. Kitang-kita ko ang sinulid at ramdam ko ang sakit sa tuwing ginagalaw ko. Hindi ko na naman mapigilang umiyak. Nakaramdam ako ng banayad na yakap. "Ssshh nandito ako" sabi ni Jevi habang hinahaplos ang buhok ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak. Dahil sa nararamdaman ko kay Dred ito ako ngayon, katangahan. Nakakainis. Buti sana kung namatay ako. Mabuti sana kung namatay ako. Dagdag hirap lang 'to sa buhay. "N-nasaktan ng emosyonal noon at n-ngayon p-pati ba naman pisikal na sakit hindi pa pinalampas ng panginoon" umiiyak na sabi ko. "Pagod na pagod na'ko sa g-gyerang nilalabanan ko. P-pagod na pagod na'kong masaktan, J-jevi. P-pagod na p-pagod na" hagulgol ko. Niyakap lang ako ni Jevi at hindi nag-salita. "S-sabihin mo naman na magiging maayos ang lahat para w-worth it yung sakit. Para kung m-masaktan man ako ulit atleast alam ko na magiging ayos sa huli." Pahigpit nang pahigpit yakap ni Jevi sa'kin. "I am so sorry, Roanne pero magiging maayos ang lahat sa ngayon pagaling ka ha.... Tulog ka muna, malay mo pag-gising mo maayos na" at inihiga niya ako. Salamat sabi ko sa isip ko at nakatulog na. Dumaan ang limang araw at patuloy sa pagbisita si Dred pero hindi ko pa din siya pinapapasok. Sinasabi na bawal pa din ang magpapasok sa kuwarto ko. Hindi niyo ako masisisi kung sisisihin ko siya sa kalagayan ko. Kasi siya ang dahilan ng pisikal at emosyonal na sakit ko. Napatingin ako kay Aiken nung punasan niya ang luha ko. Nabalitaan niya sa balita na nabalita ako. "S-siya ang may kasalanan" panimula ko sabay iyak. "S-siya" kinuwento ko kay Aiken ang nangyare bago ang aksidente. "Saan ka pupunta nung sumakay ka ng kotse?" Malumanay na tanong niya. "Mag...maglalaslas" tapos malungkot na ngumiti siya sa'kin. "Hindi mo ba naisip na pinapaburan ka ng diyos?" Kunot na tumingin ako sa kaniya. "Kung pinapaburan niya ako hindi ganito... Dapat masaya ako" "Hindi ka kasi marunong lumaban" tinitigan ko siya ng puno ng galit. "Alam mo ang pinagdaanan ko. Paano ako makakalaban? Sige nga?" "Lumaban sa problema ang tinutukoy ko. Hindi ba't gusto mo magpa-kamatay? Ayan pinaranas ng panginoon sayo kung paano mahirapan. Hindi mo ba alam na kasalanan yun? Kaya ayan tinupad ng diyos yung gusto mo" mahinhin pa din na sabi niya. "Bawat sakit na nararamdaman mo laging ang sagot sa isip mo pag-kitil sa buhay mo. Walang sagot na 'kaya kong lumaban sa buhay ko' wala Roanne. Depress ka pero hindi ka man lang nagoopen up ng feelings mo, depress ka pero laging sinasarili mo ang problema mo, depress ka pero hinahayaan mo lang ang sarili mo. Sinabi ng papa mo sa'yo na magpa-doctor ka pero ayaw mo. Bakit hindi mo tulungan ang sarili mo?" pangaral niya. "Kung ikaw ba nasa katayuan ko anong gagawin mo? Hindi mo alam ang mga nararamdaman ko, Aiken kasi magkaiba tayo." "Pero hindi ako magpapakamatay kung sakaling ako ang nasa posisyon mo. Ang sundalong 'yon na nito mo lang nakilala at dahil sinaktan magpapakamatay ka? Pag-ibig lang 'yan Roanne. Mag-antay ka ng sa iyo hindi mo pa siguro panahon pero yung paulit-ulit mong saktan sarili mo" at duon matalim niya akong tiningnan. "Sa tingin mo ba walamg mag-aalala sa'yo?" Yumuko ako. "Kapag nasasaktan umiyak ka, kung nalulungkot ka ngumiti ka, kung nagagalit ka, tumawa ka. Ipakita mong malakas ka. Kasi paulit-ulit kong sinasabi na bibigyan ka ba ng panginoon ng problema na hindi mo kaya? Roanne tingnan mo ngayon. Paano kung namatay ka? Paano kung naputulan ka ng paa?" Yumuko at umiyak. Bawat salitang binibitawan ni Aiken tagos sa puso ko. " Sa laban na hindi ka pa nagsisimula natalo ka na. Sa karerang ang iba tumatakbo na, ikaw nadapa pero hindi na bumangon pa. Hindi sulosyon ang pagpapakamatay dahil sa tingin mo sa kabilang buhay hindi ka mahihirapan? Roanne hindi masamang sumuko kahit isang beses pero yung pag-suko ginagawa mong hobby." At ngumiti siya sa akin. "Laban ka muna, ipanalo mo ang karera mo. Tumakbo ka" ngumiti ako sa kaniya at pinunasan ang luha ko. Tama si Aiken kahit kailan hindi siya naging mali. "Pero paano ako makakatakbo sa kondisyon ko?" Biro ko na ikinatawa naming parehas. ** Nang maka-uwi ako sa bahay alalay ako ni Papa at Ranne dahil sila ang kayang bumuhat sa bigat ko. May saklay akong hawak at hindi ko mapigilang umiyak sa sakit. "Arayy... Arayy... Papa" umiiyak na sabi ko nung magalaw ko yung binti ko. "Papa ang s-sakit papa" mabilis at maingat na inalalayan ako ni papa pahiga sa kama ko. Hindi ko alam kung nasaan si mama pero hindi ako magsisinungaling na malaki na ang galit ko sa kaniya kahit minsan sa ospital diko siya nakitang dumalaw. "Sshhh shhh magiging maayos ka na" tiniis ko ang sakit hanggang sa mawala. "Ililigpit lang namin yung mga damit mo, duon muna kami ni Ranne sa labas anak. Tawagin mo lang ako pag-may kailangan ka" hinalikan ako ni Papa sa noo at nginitian ako ni Ranne. Sakto namang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Dred. Ngayon ko lang ulit nahawakan ang cellphone ko dahil sa tatlong linggo ko sa ospital hindi ko yun nahawakan. Siyempre hindi pa nagsisink-in sa'kin. Namalayan ko na lang na pinatay ko ang tawat at nagulat ako nung sobrang daming messages galing kay Dred. Hindi naman siya nakalimot na pagpapadalhan ako ng bulaklak bawat araw. To: Roanne Bumisita ako diyan kanina bawal daw bisita, maayos ka naba? Anong pakiramdam mo? From: Sergeant Major Kamusta ka na? Bawal pa din bang bumisita? Nakakakain ka ba? From: Sergeant Major Maayos ka naba? Nababasa mo ba mga texts ko sa'yo? From: Sergeant Major Naririnig kita umiiyak ka ngayon. Nasa harap ako ng kuwarto mo. Tahan na ha. From: Sergeant Major Nasa harap ako ng kuwarto mo ngayon naririnig kita sumisigaw sa sakit. Ssshhh matatapos din 'yan. From: Sergeant Major Araw-araw akong nasa harap ng kuwarto mo at bawal ba talaga dumalaw sa'yo? From: Sergeant Major Nakita ko yung camera man na pumasok sa kuwarto mo tinitigan lang ako. From: Sergeant Major Sabi ni Maxine hindi daw siya makakadalaw may emergency sa kanila pero siya yung unang-unang dumalaw sa'yo nung maaksidente ka bago ako at pamilya mo From: Sergeant Major Kinausap ako ni Aiken. Roanne may nagawa ba ako? From: Sergeant Major Nasa harap ako nung kuwarto mo naririnig kitang tumatawa. Masaya ako. From: Sergeant Major Roanne aalis muna ako, may emergency kay Spartha. From: Sergeant Major Sabi nung nurse wala ka na daw sa ospital sayang nandito pa naman ako sa harap ng kuwarto mo. From: Sergeant Major Masaya ako nakalabas ka na. Uuwi na din ako kung sakaling mag-alala ka. From: Sergeant Major Mag-reply ka naman mababaliw na ako. Hindi ko na binasa yung ibang messages niya pero umiiyak habang binabasa yun. Parang sa mga messages na yun nawala ang galit ko. Hindi ko kayang magalit ng matagal sa kaniya. Hindi talaga. Mabilis na tinawagan ko si Dred at isang ring pa lang sinagot na. "Maayos ka na ba? Put* Roanne salamat naman tumawag ka? Ano masakit ba? Anong pakiramdam mo? Umiiyak ka ba ngayon? Mag-salita ka naman" "I miss you"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD