Dred's
"Ano kamusta na siya? Nasaan daw siya? Ano daw nangyare? Ano daw sabi nung mga doctor? Ano bang ginagawa nila? Putang*na bakit walang sumasagot?" Galit na mga tanong ko. Nakaramdam ako nang malakas na kutos sa ulo ko at napatingin ako kung sino yun.
"Tang*namo wala talagang sasagot sa'yo kung patuloy kang magtatanong. Paano ako makakasagot kung hindi mo ako hinahayaan? Minsan paganahin mo utak mo hindi yung istambay lang sa ulo mo" inis na sabi niya sabay nag-tipa sa cellphone.
Pinakalma ko ang sarili ko pagtapos hinarap niya ako.
"Kailangan ko ng umalis walang bantay sa bakery. Tinawagan ko na parents niya pero ikaw lang ang pumunta. Siguro papunta na din kapatid niya" sabi ni Maxine at nagcecellphone.
"Sasaktan ka lang niyan" paalala ko. Tinitigan niya ako at ngumiti.
"Ikaw ang sasaktan ko kapag sinaktan mo yung taong kakagaling lang sa emosyonal at pisikal na sakit at ngayoy masasaktan ulit" tinapik niya balikat ko at nagpaalam.
Nasa emergency room si Roanne.
Lord please help her.
Nag-antay ako mahigit ilang oras nung may doctor na lumabas agad akong lumapit sa kaniya.
"Ano pong lagay niya? Maayos ba siya? Kamusta po siya?" Isang maling sagot, gigiba 'tong ospital na'to.
"I will be honest hijo" mukang hindi maganda 'to. "Kaano-ano mo ang pasyen——"
"Kung emergency 'yan sabihin mo agad hindi yung ganiyan."
"Kamag-anak lang ang puwede mag-deci——"
"Kung mamatay ang anak mo at ako ang doctor hindi ko gagamutin yun kahit may kakilala siyang nanduon kasi wala ka pa." Seryosong sabi ko.
"That's the hospital policy para in case na may mangyaring masama walang pananagutan ang ospi——"
"Kapag may nangyaring masama sa kaniya mamanagot ang ospital at mananagot ka sa'kin"
"Hijo I am so sorry pero I c——"
"Isa pang salita mo at hindi mo pa bilisan sasapakin ko 'yang bungo mo. Ako ang boyfriend ng babaeng nasa loob at kapag ayan may nangyaring masama sa kaniya tandaan mo mauuna kang ilibing bago siya" galit na sabi ko. Bumuntong hininga ang doctor.
"Open fracture" panimula niya.
Tang*na.
Ano yun?
"An open fracture, also called a compound fracture, is a fracture in which there is an open wound or break in the skin near the site of the broken bone. Most often, this wound is caused by a fragment of bone breaking through the skin at the moment of the injury."
Halos mang-hina ako sa sinabi niya. Parang gusto ko siya sapakin.
"K-kung gaanuon? Bali ang buto niya?"
"Nabasag ang buto niya sa binti at ang naka-usling buto lumbas sa balat niya. Her tibia and fibula are broke so it coz that her bone comes out a little from her skin. It gives her such a horrible pain. It is no good. I need to do an operation. We did dibrement and irrigation to her. Now we need to do is Internal Fixation——"
"Edi bilisan niyo na" ilang saglit pa may pinasok na stretcher duon at inilabas nuon si Roanne agad akong napa-tang* at sobrang kinabahan nang makita ang kapirasong buto niya na lumabas sa balat niya.
Mabilis na kumilos sila pero ako hindi ako maka-kilos. Pakiramdam ko sinasaksak ako.
Ano bang nangyayare sa'kin? Nasaan na ba ang pamilya niya? Put*.
Put* Roanne.
Hindi ko ata kayang makita kang nahihirapan. Put* Roanne.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na pinupunasan ang pisngi ko.
"Bakit ako umiiyak?" Pero hindi iyon ang mahalaga.
Ang mahalaga ang kalagayan ni Roanne.
Agad na tinawagan ko si Llorin. Ang Army Doctor na kaibigan namin pagkatapos ng dalawang ring sinagot na niya.
"Ano ang open fracture? Hindi ko kasi talaga gets. Put* Llorin please" para akong nawawalan ng pag-asa. Nag-antay ako sa labas ng OR.
"Hindi ako orthopedists" papatayin ko na sana ang tawag pero nag-salita siya ulit.
**
Orthopedists a specialist orthopedics: a doctor who specializes in the branch of medicine concerned with the correction or prevention of deformities, disorders, or injuries of the skeleton and associated structures.
**
"Pero malala ang open fracture, Pepe. Maaaring bali ang buto mo o lumabas ang buto mo. Kailangan maoperahan agad ang nagkaroon nuon nakukuha yun sa aksidente o ano pa. Kapag nabali ang stibula at fibula baka lagyan yun ng rod o tubo para umayos yun ulit. Mahirap ang dadanasin ng meron nun, sobrang hirap. Two to eight weeks before it will heal at sa eight weeks na yun may mga assistive devices pa na nakakabit sa kaniya but doesn't mean na magaling na hindi na masakit. Dito papasok ang sobrang sakit. Gagalaw lang masasaktan na, mahawakan lang masasaktan na...sobrang sakit Pepe. Dahil hindi pa din siya makaka-lakad ng maayos sa eight weeks na yun maybe month, months or year before he/she can walk again. Kapag hindi mo naman ginamot hindi na siya makakalakad pa, or worst maybe tanggalan siya ng paa"
Parang hindi nagsisink-in ang mga sinabi ni Llorin sa'kin.
Bakit nangyayare 'to?
Halos mapaupo ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin. Nanghihina ako.
Puny*ta Roanne nasaan ang pamilya mo?
"I hope that human can get rid on that." At pinatay na ni Llorin ang tawag.
Napasalampak ako sa upuan at parang mababaliw na naka-tingin sa kawalan.
Gusto kong umiyak pero sa tingin ko hindi makakatulong yun, gusto ko sapakin yung bumangga sa kaniya ngayon na pero ayoko iwan si Roanne mag-isa dito.
Tinawagan ko si Sparta at sinabi ang sitwasyon at kung nasan ako. Mababaliw ako kailangan ko ng kausap.
Ilang minuto lang ang hinintay ko nandito na si Sparta hindi lang siya buong Alpha Team.
At duon para akong sumabog. Mabilis na nag-uunahan ang luha ko.
"Tang*na... Hindi ko alam bakit ako umiiyak? Nasasaktan ako.. G-grabe ang sakit... Tang*na ang sakit... Ang malaman na ganuon ang nangyare sa kaniya... Ang m-malaman ano ang posibleng mangyare sa kaniya. Hindi ko maimagine makita si Roanne na sumisigaw sa sakit... P*ta.. Mas nasasaktan ako... Dapat nandito pamilya niya pero n-nasaan sila? Puny*ta nasa peligro ang anak nila pero wala sila.... Anong g-gagawin ko? Mababaliw n-nako. Para akong tang*. N-nag-aalala ako. M-mamaya mapano siya. Tang*na ipapahanap ko talaga yung driver na bumangga sa kaniya"
"Wait a second ako na ang bahala mag-hanap" may kinalioot si Alas sa cellphone niya at hindi na'ko nagulat nung ipasok na niya ang cellphone niya sa bulsa niya.
Diyan magaling ang pamilya niya.
"Namatay na ang naka-banggaan ni Roanne. Head fracture basag bungo hindi naagapan dead on arrival"
"M-mabuti sa kaniya puny*ta siya" pinunasan ko ang luha ko.
"Aksidente ang nangyari Pepe huwag mo pairalim ang galit mo dahil baka yung namatay na yun ay may pamilyang umaasa sa kaniya" seryosong sabi ni Captain.
"Magiging maayos din ang lahat. Sama-sama tayo dito" si Viper.
"Tama si Viper. Minsan lang mag-salita 'yan kaya paniwalaan na na'tin tiyaka kaya ni Roanne ang lahat ayun pa ba?" Pagpapalakas ng loob ni Sparta.
"Isipin mo na lang na kapag may nangyaring masama kay Roanne tayo mismo ang magpapasabog sa may-ari ng ospital na'to" si Captain mabilis siyang binatukan ni Alas. "Gag* anong problema mo? Gusto mo ikaw isunod ko kay Roanne?" Banta ni Captain.
"Siraul* ka, sundalo may ari nitong ospital" galit na sabi niya.
"Hoy Alas mas mataas ranggo ko sa'yo"
"Wala tayo sa kampo, Captain"
"Pero kaya ko pasabugin bungo mo hanggang mag-sawa ako" seryosong sabi ni Captain na ikinatahimik namin lahat.
Bihira lang magalit si Captain at kapag nagalit siya mag-tago ka na.
"Pero dahil bespren kita sige mag-adik ka pa." Umiling ako. "Nasaan ang pamilya niya?" Magsasalita pa sana ako nung may tatlong tao na tumatakbo palapit sa gawi namin.
Duon namukaan ko ang tatay ni Roanne.
"Ate nasaan ka?" Yung kapatid niya. Kamukang-kamuka niya pero boy version.
"Ano 'yan katang*han?" Bulong ni Sparta. Sinaway naman siya ni Alas. "Eh kasi hinahanap nila yung wala" kamot batok na sabi niya.
"Hindi kasi nila alam tang*" ako. Patuloy pa din sila sa pag-sigaw at paghahanap kay Roanne.
"Wala bang magsasabi na kakilala na'tin si Roanne nang tumigil na sila?" napapailing na sabi ni Captain.
"Sir" nagsalita na ako at napatingin sa'kin ang papa niya at mabilis na lumapit.
"Anong kalagayan ng anak ko?" Sinabi ko sa kaniya ang kalagayan ni Roanne.
Napaiyak ang kapatid ni Roanne at halos atakihin naman sa puso ang papa niya kaya inalalayan namin at pinaupo.
Napatitig kami sa mama ni Roanne na may kausap sa cellphone.
"May lagnat? Ano na pina-inom mo? Sige otw na'ko diyan" mabilis na sabi niya at hinarap ang asawa. "May lagnat ang anak ni Ella aalis muna ako" hindi pa kami nakakapag-salita umalis na siya.
Hindi ako makapaniwalang tinitigan ang nanay ni Roanne na papalapit.
Seryoso? Mama tawag niya diyan? Lagnat kumpara sa nangyare kay Roanne? Tang*na anong klaseng nanay 'yan?
Mayaman si Ella, pamangkin niya lang. Lagnat lang ang meroon sa anak ni Ella pero grabe mag-alala. Samantalang yung anak niya dito puwedeng maputulan ng paa.
Put* anak niya din si Roanne.
Tarag*s siya.
Anong klaseng nanay siya?
"Ikalma mo sarili mo" rinig kong bulong ni Captain. "Hindi ka kasali sa isyu ng pamilya nila" dagdag niya pa.
"Sa tingin ko dapat umalis na muna tayo" si Alas. Tumango naman ako. Kakausapin ko sana ang papa ni Roanne para magpaalam pero parang wala pa siya sa tamang wisyo kaya ang kapatid lang ni Roanne ang kinausap ko pero katulad din ng tatay niya wala din 'to sa tamang wisyo.
Siguro dahil sa nanay niya at dahil kay Roanne.
Umalis na kami at nang makalabas ng ospital kaniya-kaniya na kami. Dumeretso ako sa condo at humiga at parang sobra ang pagod ko at nakatulog ako.
Then I dreamed of her...
Naka-suot siya ng puting bistida habang nakangiti sa'kin may bulaklak na hawak at naglalakad palapit sa'kin.
Hindi mapagsidlan ang saya ko nang marealize na ikakasal ako sa kaniya at nang mahawakan ko ang kamay niya.
Ang lamig.
Kumunot ang noo ko at duon ko nakita na kabaong pala ang uupuan namin. Agad akong napatingin kay Roanne at takang tiningnan siya ngumiti lang siya sa'kin kasabay ng pagbagsak ng luha sa mga mata niya.
"I am so sorry, this time god let me to rest" agad akong napasigaw nung mawala si Roanne sa harap ko.
"ROANNEE!!"