AVOID

1495 Words
Habang naglalakad sa parking I can't stop myself from smiling. Ito na yun. I waited this to come and finally I have it. Oh god. Thank you. Finally they sees me as me and not as nobody. I'll glad to tell this to my family. "Hey miss" napa-lingon ako sa nag-salita. Agad akong kinain ng kaba ng makitang ang dami ng tatoo niya sa muka. Naka-suot siyang black longsleeve at pants. "S-sino ka?" Utal na sabi ko at agad na umatras palayo sa kaniya. "Judgemental talaga ang mga pilipino" nakangisi niyang sabi sabay hablot sa braso ko agad akong napatili pero may pinaamoy siya sa'kin. Namalayan ko na lang ang sarili kong buhat buhat niya patungo sa Van. Hindi ko magalaw sarili ko hanggang sa mawalan ako ng malay. Nagising ako nang may maramdamang nagpupunas sa'kin agad akong bumangon nang makitamg hindi ko kilala ang babaeng yun. Mabilis na lumayo ako sa kaniya. "S-sino ka? N-nasaan ako? Bakit ako nandito? Anong kailangan niyo?" Halos paiyak na sabi ko. Ngumiti siya sa'kin na nakapag-pabago ng nararamdaman ko. "Hindi kita sasaktan, masyado ka sigurong tinakot ni Ranniel gago talaga yung kapatid kong 'yon pero hindi ka namin sasaktan" "K-kung ganuon bakit kailangan puwersahan akong kunin?" "Kung hindi mo naman siya hinusgahan agad hindi ka naman niya puwersahang kukunin" malungkot na sabi niya. "Porke ba may tatoo at mukang adik masamang tao?" May bahid ng lungkot na sabi niya. Napa-yuko ako she was right. Natakot ako sa kaniya at umatras ako kung kakausapin niya naman ako hindi ako sasama sa kaniya. "Ako si Rian, anak ako ni Marven Afin" bumakas ang gulat sa mga mata ko at hindi nakapag-salita. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa, gusto kong matakot at sumigaw ng tulong pero hindi ko maramdaman at magawa. "B-bakit? W-wala naman akong ginawang m-mali sa inyo p-parang awa niyo na h-hindi pa ako ready m-mamatay" halos paiyak na sabi ko. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "Para kang tanga, muka bang papatayin ka namin" biglang bago ng tono ng boses niya. "Gagong 'to." Tinuro niya pa ako. "Gusto kang kausapin ng tatay ko bonak ka. Judgemental ka ha." Inirapan niya pa ako. Mediyo nawala ang takot ko sa mga sinabi niya. "Sundan mo na nga lang ako" sinundan ko siya. Lumabas kami ng kuwarto at para akong nasa isang malaking mansion. Matagal kaming nag-lakad bago kami napunta sa isang makalumang opisina. Malaki yun triple ng laki ng kuwarto ko. Napatingin ako sa isang lalaking naka-upo sa swivel chair at naka-talikod sa amin. "Papa nandito na siya" at hinarap ako nung Rian. "Saglit lang 'yan" tapos umalis na siya saktong humarap naman yung sinasabi nilang Marven Afin. Payat ang lalaki at mediyo matanda na. Is this serious? Ito yung sinasabi nilang nakakatakot na druglord? "I just wanted to ask you a question" pero ibang-iba ang katawan niya sa boses niya dahil sobrang nakakatakot 'to. "Why did you say those?" "Yung nireport ko ba?" Kalmadong sabi ko. Tumango siya. Ang dami niyang gintong singsing sa daliri. "Because I think that was right" "But anong nakalagay sa hands-out na hawak mo nun?" "Idiin ka" nakayukong sabi ko. "Pero bakit sinuway mo yun?" "Kasi.. kasi hanggat wala akong nakikitang ebidensiya sa tingin ko mali sila, mas maniniwala ako sa kutob kong hindi ikaw ang gumwa dahil wala pa akong ebidensiyang nakikita" naniniwala ako kay Dred na walang ebidensiya. "But doesn't mean that they don't have evidence it wasn't me" nakangiting sabi niya. "You risk your life by saying those words in front of national television, don't you Roanne?" Parang nawalan ako ng pakiramdam. Paano nga kung siya pala ang may gawa at wala pang ebidensiya kaya hindi pa napapatunayan ng husto. Hindi naman sinabi ni Dred na hindi siya ang may gawa ang sabi lang ni Dred walang ebidensiya. Paano ako? "Now your starting doubting at yourself" napa-tingin ako sa kaniya. "Kung ikaw man ang may gawa mali pa rin na mag-sabi sila ng ganuon sa'yo ng walang ebidensiya" "But I am criminal. Class A Criminal" "Wala akong paki-elam. Sinabi ko lang yung sa tingin kong tama pero kung ikaw man ang may gawa... Sa tingin ko mali ako ng akala" malungkot na sabi ko. "Don't worry I am not the mastermind but I know why they did that" "K-kung ganuon kilala mo sila?" Ngumiti siya. "Of course" naka-ngiting sabi niya. "Sino sila? Bakit nila ginawa?" Tapos sumeryoso siya. "And that's not for you to find out. Labas ka na sa kasong 'to." "Sinong politiko? Bakit anong dahilan?" Hindi ko siya pinansin. "Hindi lahat ng conclusion mo tama pero kahit ang gobyernong ito kapag kumilos na naman sila walang magagawa" "Kaya tahimik ka na lang?" Galit na sabi ko. "Kasi wala ka ding magagawa?" "Hindi, tahimik ako kasi ayokong madamay ang kapatid ko" seryosong sabi niya. "Kung ganuon kapatid mo ang may gawa?" Ngumiti lang siya. "Like what I said hindi lahat ng conclusion mo tama. Time to go home Roanne" pagkasabi niya nuon may binato siyang karayom sa akin na agad naman akong tinaman at nawalan ng malay. Nang magising ako napag-tanto kong nasa kuwarto ko ako. Agad na lumabas ako at hinanap kung may tao. Nakita ko agad si Ranne. "Ranne anong ginagawa mo dito? Sino nag-hatid sa akin dito?" Tiningnan niya ako ng kunot ang noo. "Baliw ka ba? Ikaw ang unang tao dito. Kakauwi ko lang galing school. Kanina ka pa nga tulog e" siguro hinatid nila ako sa bahay saktong walang tao dito. "Ate nga pala may pumuntang babae dito sabi huwag ka daw maingay" agad akong kinabahan. "May ginawa ba yun sa'yo?" Alalang sabi ko at chineck si Ranne. "Wala pero inabot niya 'to" napatingin ako sa sobra at nang buksan ko 'to agad akong napahawak sa bunganga ko. Ang laking pera. May sulat sa loob. Nice talking to you, Roanne Colasi Hope this money will fine Enjoy your day -Marven ** Months had passed hindi kami nakakapag-usap ni Dred. Pero mediyo nagtetexts kami. I feel something different parang hindi na kami yung dati. "Ayos muka" napa-lingon ako kay Jevi at binigyan akong tubig. "Iba lang siguro mahal nun, lalandiin ka pa nun tiwala lang" sinamaan ko siya ng tingin. "Biro lang" at ginulo niya yung buhok ko. "Do you know that I have a hard time on fixing my hair but you just ruined it for only one second" inis na sabi ko na ikinatawa niya. "Problema?" Biglang seryosong sabi niya bumuntong hininga ako. "Kasi ano e.. kasi" hindi ko matuloy sasabihin ko. "Kasi hindi na kayo masyado nag-uusap? Yun ba?" Dahan-dahan akong tumango. "Sundalo yun Roanne intindihin mo. Hindi naman kayo kaya bakit mo ieexpect na maglalaan siya ng oras para sa'yo? Wala na sa kamay nila ang Rmall's m******e pero may misyon sila ngayon panigurado. At bawal ang cellphone" paalala niya. "Paranoid lang siguro ako" bulong ko. Nagulat ako nung hakawan ni Jevi ang braso ko at itayo niya ako nang nakangiti kaya nagkalapit ang mga katawan namin. Ngayon ko lang narealize na pogi pala siya. "Makatitig ka naman. Bilis mo maka-move on sa kaniya. Hindi pa'ko ready maging rebound" kinurot ko siya. "Tara na? Imbistiga na tayo? Nakakuha na din ako ng video at picture nung biktima" nakangiting sabi niya at ngumiti naman ako. ** Dred's "Bakit kasi tayo yung gumagawa nung report?" Inis na sabi ni Sparta. "Kasi si Captain po ang nakipag-usap kay Marven Afin, si Alas po ang gumawa ng paraan para maka-usap si Marven Afin at si Viper po ang dahilan kung bakit makaka-usap ko ulit si Mindy." Rason ko. "Pabuhat tayo sa misyong ito kaya umayos ka at gumawa na lang ng report" "Mas gusto ko pang huwamak ng baril tapos iputok sa ulo mo" maktol niya. "Mas gusto ko ding humawak ng C4 at antayin yung sumabog sa katawan mo hanggang sa malagutan 'yang hininga mo" gatol ko. "Kaya tang*namo" Sasalita pa sana ako ang kaso may nag-ring sa cellphone ko. Napa-tingin ako duon at nakita ko ang pangalan ni Roanne. "Para kang t*nga" nilingon ko si Sparta. "Hanggang kailan mo ba iiwasan 'yang si Roanne? Kingnang tao 'to oh. Guwapo ka?" Inis na sabi niya. Shinut-down ko ang cellphone ko. "Eh ilang beses ko bang sinabi na hindi ko siya gusto? Awa lang ang nararamdaman ko" "Edi sana sagutin mo man lang na busy ka ganuon" "Edi parang inentertain ko siya? Tapos kapag nasaktan siya sisihin ako ni Maxine kasi inentertain ko siya?" "Tang* no choice ka kasi sisihin ka din niya kesyo hindi mo daw ni replyan si Roanne kaya nasasaktan. You don't have choice so be with it. Ganuon din naman kung pumili ka ng isa mukang masasaktan pa din siya" malakas ma binatukam ko si Sparta. "Puny*ta gusto niya ba ako? Wala naman siyang sinabi e" "Pero imposibleng 'di mo ramdam? Babae siya lalaki ka mabilis lumambot ang mga babae tandaan mo 'yan" aalis na sana siya nung mag-salita ulit. "Kakatapos niya lang masaktan huwag mo naman siyang saktan ulit"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD