Nang matapos na ang taping nila ay niyaya na ako ni Sir Elijah na maglibot sa resort.
"Lets go Issay." Aalis na sana kami ngunit biglang dumating si Lucas.
"I wan't to go with you guys." Tumango lang si Sir Elijah sa sinabi nito. Dumating din si Sabrina at agad na ipinulupot ang kamay niya sa braso nito na tila ayaw niyang mawala sa tabi niya si Sir.
"I'll go with you Eli." Sabi nito sa pabebeng tinig ngunit hindi na sinagot iyon ni sir Elijah at nagsimula ng maglakad.
Habang naglalakad kami ay nakasunod lang ako sa likod nila at si Lucas ang katabi ko. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa nakapulupot na kamay ni Sabrina kay Sir Elijah. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako. Parang gusto kong putulin ang kamay ni Sabrina eh.
"Issay sino ang kausap mo kanina?" Tanong sakin ni Lucas kung kaya't nabaling ang attensiyon ko sa kanya.
"Ahh si Liam iyon." Sabi ko at napangiti ng maalala si Liam. Ang bait niya kasi at siya ang una kong naging kaibigan simula ng makarating ako dito sa Maynila.
"Ka ano-ano mo iyon?"
"Ahhh ehh kanina ko lang siya nakilala Lucas."
"Talaga? Mukang close na agad kayo ahh.. Ikaw Issay ah, crush mo iyon no?" Tanong ni Lucas sakin na tila nang aasar.
"Naku hindi ahh. Sadyang mabait lang talaga si Liam." Depensa ko naman sa sarili ko.
Nag-usap lang kami ni Lucas habang sumusunod sa kanila at walang tigil sa paglalandian si Sir Elijah at Sabrina. May pa sandal sandal pa ito sa balikat ni sir at minsay tumatawa at may pa hampas hampas pang nalalaman. Hampasin ko kaya siya, biro lang syempre. Habang binubugbog ko si Sabrina sa isipan ko'y natigilan ako at nanlaki ang mga mata ng makita ko ulit si Liam at na papalapit kay Sabrina kung kaya't yumuko ako dahil baka magalit na naman sakin si Sir Elijah nito.
"Insan, what are you doing her?" Tanong ni Liam kay Sabrina. So magpinsan pala sila.
"Taping." Sagot ni Sabrina habang ngumingiti dito. Nang makita ni Liam si Elijah ay nagsalita ito ulit.
"Hi Mr. Carter. Diba ikaw your boyfriend ni Isabella?" Tanong nito kung kaya't nagtago ako sa likod ni Lucas.
"You mean Isabella? Pffttt.. Nagpapatawa ka ba Liam.?No she is his personal maid. I am his girlfriend Liam." Sabi ni Sabrina sa pinsan niya at inikot ang mata na tila naiirita.
"That's great." Sagot naman ni Liam habang ngumingiti.
"Issay come here." Tawag sakin ni Sabrina sa maarteng boses kung kaya't kinabahan ako bigla. Ang tahimik kasi ni Sir Elijah at alam kong kapag ganun siya ay mainit ang ulo niya. Naglakad ako papalapit doon habang naka yuko at may mabibigat na hakbang.
"Hi Issay !!." Masayang bati sakin ni Liam
"Hello Liam." Sabi ko habang hindi pa din nakatingin sa kanya.
"You Ok? Are you sick? Hahawakan niya sana ako ngunit nagulat ako ng hilain ni Sir Elijah ang mga braso ko kung kaya't napa subsob ako sa dibdib niya. Amoy na amoy ko ang pabango niya at hindi ko napigilan ang sarili sa pag singhot dito.
"Yes she is. She need to rest." Hinila niya na ako paalis doon at sasama pa sana si Sabrina ngunit pinigilan siya ni Sir Elijah na siyang ikinainis niya.
"You stay here Sab. Have a quality time with your cousin." Hawak niya pa din ang kamay ko at nagpapatianod lang ako kung saan niya man ako gustong dalhin. Habang naglalakad kami'y hindi ko maalis ang mga tingin ko sa kanya. Para akong sira ulong naka ngiti kahit hindi naman dapat. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilan ito.
Nakarating kami sa lugar kung saan ay may malapad na damuhan at may mga nakatanim na puno ng niyog at pine trees. Walang masyadong tao sa area na ito. May mga bulaklak din sa paligid at merong mga benches at doon niya ako dinala. Namangha ako sa aking nakikita ngayon. Papalapit na ang sunset at kitang kita ang view nito mula sa puwesto namin.
"You sit here ." Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya. Nang makalayo siya sakin ng kaunti ay itinutok niya ang cellphone sakin.
"Smile Issay." Ngumiti ako dahil kanina ko pa gustong magpakuha ng litrato sa lugar na ito. Pagkatapos niyon ay bumalik siya sa bench at nag picture kaming dalawa na mag kasama. Ang dami naming mga pictures na nakuha at sobrang saya ko.
"Woww!! Ang ganda ng sunset!!." Sigaw ko habang tuwang tuwa sa nakikita ko.
"Yes it is." Sabi ni Sir Elijah at nakikita ko sa gilid ng mga mata kong nakatingin ito sakin.
Unti-unti nang kinain ng dilim ang paligid. Umilaw na ang mga lights sa puwesto namin at mas lalo akong namangha. Grabe napakaganda talaga ng paligid at nakakagaan sa pakiramdam.
"Ang ganda dito sir. Parang nasa paraiso tayo!!." Sabi ko ng may galak sa boses.
"I'm hungry, let's have a dinner first." Hinila niya na ako kung kaya't hinayaan ko lang siya. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Tila naiingit ako sa mga nag na-night swimming . Hindi ko pa kasi naranasang makapaligo sa pool. Hindi ko maalis ang tingin ko doon ngunit naalala kong hindi pala ako marunong lumangoy pero meron naman sigurong mababaw na parte ng pool eh.
"Don't worry Issay. We'll gonna have a night swimming later. Let's eat first." Dahil sa sinabi niya ay may sumilay na kasiyahan sa aking puso. Ang bait din naman pala ni Sir Elijah. Hindi ko akalaing may ganitong side pala siya.
"Sige po Sir!!" Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak habang naglalakd kami patungo sa resto. Kinagat ko ang labi para pigilan ang ngiti ko dahil sa hindi ko maipaliwanang na nararamdaman tuwing hawak niya ang kamay ko. Habang naglalakad kami ay natatanaw ko na ang isang napakalaking salita na " DELUX RESTAURANT." Pagkadating namin ay pumasok agad kami at kitang kita ko na nasa amin halos lahat ng mata ng mga tao. Kitang kita ko din kung paano mabilaukan ang babaeng umiinom ng juice ng makita niya si sir Elijah at agad din namang hinimas himas ng kaibigan niya ang likod nito.
Napansin kong may kumukuha ng litrato samin at naka tingin sa magkahawak naming kamay kung kaya't naalala kong Personal maid niya lang pala ako at hindi ka nais nais tignan na magkahawak ang mga kamay namin. Kukunin ko na sana ang kamay ko ngunit mas humigpit ang paghawak niya dito hanggang sa nakarating kami sa isang table at pinaupo niya na ako at doon niya na binitawan ang mga kamay ko. Rinig na rinig ko ang pag-uusap ng mga tao sa paligid.
"Diba siya ang sikat na Aktor na si Elijah Levi Carter?"
"Oo siya nga iyan at ang pogi niya!!"
"Magaling daw humalik iyan balita ko sa mga naging leading lady niya dati."
"Kyaaaahhhh... Ano kaya ang feeling na mahalikan ng isang Elijah Levi?"
"G*ga siyempre heaven yun." Sabi pa ng isang babae at humagikhik.
"Pero teka sino iyang kasama niya?"
"Baka personal assistant niya, rinig ko kasi na may taping sila ngayon dito ni Sabrina."
"Ang swerte ni Sabrina no? Ang guwapo ng boyfriend niya at pareho pa silang artista."
"Bakit magkaholding hands sila ng PA niya?" Tanong pa ng isang babae at tila napa isip sila.
"Naku masama ang kutob ko sa babaeng iyan. Baka inaahas niya si Elijah kay Ms. Sabrina."
Dahil sa mga naririnig ko ay nakaramdam ako ng inis. Pagkamaya maya'y dumating din ang waiter at nag bigay ng menu samin. Hindi ko na pinansin ang mga babaeng iyon dahil wala din naman akong mapapala sa kanila. Nang binuksan ko ang menu ay nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang mahal ng mga pagkain.
*Hot Prawn Salad- 1, 640.00 pesos*
*Sauteed Shrimps W Green Peas And Cashew Nuts- 1,100.00 pesos*
*Peking Duck- 3,300.00 pesos."
Iilan lang iyon sa mga nakita ko sa Menu. Ang mahal grabe, kapag sa karenderya lang ako ni Mang Konching kakain ay magkakasya na ang 50 pesos. Hayyss hindi na lang ako oorder baka maubos iyong pera ko nito. Bubutasin nito ang bulsa ko eh. Baka mamulubi na ako nito kapag dito ako kumain kahit isang gabi lang tsk. Binaba ko na ang Menu at si Sir Elijah ay hindi pa din tapos sa pagpipili. Tumingin ako sa waiter at ngumiti.
"Ahmm Tubig na lang po iyong sakin." Sabi ko habang nakangiti at bigla siyang namula. Ewan ko nga kung bakit. Baka dahil lang sa malamig na aircon kaya ganoon.
"Don't worry ma'am umorder na po kayo at ako na ang magbabayad." Sabi niya habang naka ngiti sakin.
"Naku huwag na hehe. Nakakahiya naman sayo. Okay na ako sa tubig." Napansin kong nakatingin nang masama si Sir Elijah sa waiter.
"Ma'am can I have your cellphone no.? I'm Brandon po." Inilahad niya ang kamay sakin.
'Blag'
Nagulat ako ng tinampal ni Sir Elijah ang lamesa na lumikha ng ingay kung kaya't nakuha na naman namin ang attensiyon ng mga tao. Baka kung anong isyu na naman ito kapag nagkataon ngunit parang wala namang pakialam si sir Elijah doon.
"Your job is to serve us. Not to flirt with my woman!!"
"Sorry po sir." Sabi ng waiter at yumuko dahil napahiya. Kawawa naman si Brandon eh wala naman siyang kasalanan. Pakikipaglandian na pala iyon kapag humingi ng number?
" I lost my appetite."
Hinila niya na naman ako palabas ng restaurant. Bakit ba ang hilig niyang manghila? Kaya ko namang maglakad mag isa ahh. Nang makalabas na kami ay dinala niya ako ulit sa lugar kung nasaan kami kanina.
'Brrp' 'Brrp'
Tunog ng tiyan ko pagka upo sa bench kung kaya't napatingin siya sakin at kinuha ang cellphone sa bulsa niya.
*Phone Ringing on the other line*
Sino kaya ang tatawagan ni Sir Elijah? Baka si Sabrina siguro. Baka namimiss niya lang. Nainis ako bigla sa naisip ko.
"Hello Lucas, I need your help."
Napasinghap ako at iniwas ang tingin sa kanya. Si Lucas pala ang tatawagan nito. Bakit ganoon iyong inisip ko? Nahihibang na yata ako.
"What is it Levi?" Sagot ni Lucas sa kabilang linya at narinig ko iyon dahil naka loudspeaker ang cellphone.
"Bring a mat then order us a set of dinner and bring it in the Pines Area."
"For what?" Tanong ni Lucas.
"Just do it jerk." Pagkatapos sabihin iyon ay binaba niya na ang tawag. Tumingin siya sakin na tila nakokonsensiya.
" I'm sorry." He said.
"Naku Sir, wala ka naman pong kasalanan eh hehe." Sabi ko sa kanya habang naka ngiti ng pilit.
" You're hungry."
"Ahh hindi naman masyado."
'Brrp' 'Brrp'
Huni na naman ng tiyan ko kaya nag iwas ako ng tingin sa kanya. Hayyss kainis, ayaw makisama ng tiyan ko.
"Let's wait for Lucas here."
Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Sir at niyakap ko ang sarili ko dahil nakaramdam ako ng lamig. Nagulat ako ng may mainit na telang pinatong si Sir Elijah sa likod ko dahil hinubad niya pala ang jacket niya at binagay sakin.
"Naku huwag na po Sir. Ok lang ako." Ibabalik ko na sana ang Jacket niya dahil nakakahiya naman kung siya iyong lamigin dahil sakin ngunit pinigilan niya ako.
"Just wear it Issay."
"Salamat." Isinuot ko na lang din ito. Hmmm.. Inamoy ko ang jacket at ang bango. Kasing bango ni Sir Elijah. Hindi talaga ako magsasawa sa amoy nato. Masyadong nakakadik.
"You know what Issay, It's not good to say I'm okay even though you're not."
"Diyan ka nagkakamali Sir. Alam mo ba na ang sabi sakin ni inay bago siya lumisan na kapag hindi tayo okay, dapat huwag tayong panghinaan ng loob. Dapat isipin natin na okay lang tayo kahit hindi at magiging okay din ang lahat. Kung ipapakita kasi natin sa mga tao sa paligid ay maaring malungkot din sila at iyon ang ayaw kong mangyari. Hindi na nga ako okay tapos idadamay ko pa sila." Saad ko habang pinagmamasdan ang mga kumikinang na bituin sa kalangitan at inaalala ang mga masasayang araw na kasama ko si Inay.
" Where's your mother? Where did she go?"
"Ahhmm...Ngumiti muna ako bago nagsalita. Umalis na siya Sir at kahit kailan ay hindi na siya babalik dahil nasa paraiso na siya ngayon. Doon ooh..Sabi ko at itinuro ang langit.. Namatay si Inay dahil sa cancer sa atay noong labing tatlong taong gulang ako." Hindi ko na napigilan pa ang pag tulo ng mga luha ko.
" I'm sorry." He said na tila nataranta kung kaya't tumawa ako habang pinipigilan ang mga luha.
"HAHAHA , Okay lang ako."
"No Issay you're not." Sabi niya at niyakap ako. Hindi ko alam kung bakit mas naiyak pa ako dahil sa ginawa niya.
"That's Ok, Let it out."
Umiyak lang ako sa dibdib niya dahil hindi ko lang talaga mapigilan ang kalungkutan na kinkimkim ko mahigit pitong taon na ang nakalipas. 20 years old na kasi ako ngayon at kahit na matagal na iyon ay hindi ko pa rin mapigilang malungkot sa tuwing naalala ko dahil nga sobrang maaga pang lumisan si Inay. Matapos kong umiyak ay tila gumaan ang pakiramdam ko.
"How do you feel now?" Kumalas na ako sa yakap at nagsalita.
"Gumaan po ang pakiramdam ko." Ngumiti ako sa kanya at napansin kong nabasa ng luha ko ang shirt niya. Napansin niya sigurong nakatingin ako doon kaya mag sosorry na sana ako ngunit naunahan niya ako.
"No it's OK, It will dry later. Look it's a little bit windy." Tumango na lamang ako at tamang tama din ang pagdating ni Lucas habang naka ngisi samin.
"Yowww!! Wazzupp!! May dalawang babaeng nakasunod sa kanyang likuran at may dalang mat at isang malaking basket na pagkain yata ang laman. Inilapag ng dalwang babae ang mat at inayos ang mga pagkain.
" What took you so long Lucas?" Tanong ni Sir Elijah
"Ahmm.. It's a long story dude. By the way, this is Clarisse and Monica. One of the staff in the hotel." Sabi ni Lucas at inakbayan ang dalawang babae at agad din namang namula.
"Hello Sir Elijah." Bati ng isang babae na si Monica daw at kinagat ang labi niya.
"Ang gwapo niyo po pareho ni Sir Lucas." Sabi ni Clarisse at tumango lang si Sir Elijah sa kanila na tila'y walang pakialam sa mga sinabi nito.
"Let's have a dinner first Issay." Pagkasabi niya niyon ay pumunta na kami sa mat at nag paalam na ang dalawang staff at naiwan si Lucas.
"Akala ko may sakit ka Issay?" Sabi ni Lucas at tumingin kay Sir Elijah na may nang aasar na ngiti. Bakit ang hilig mang asar ng isang to? Tsk
"Ok na ako Lucas. Gumaling din ako agad." Saad ko para pagtakpan si sir Elijah.
May kinuhang bote na kulay pula si Lucas sa basket at may crystal glass din siyang dala. Kung hindi ako nagkakamali ay alak ito. Pagkakita ni Sir Elijah dito ay ngumisi siya kay Lucas at nagsimula na silang mag inuman at magkuwentuhan. Habang ako ay kumakain lang ng pagkaing bago sa paningin at panlasa ko. Hindi ko kasi alam kung anong tawag dito dahil ngayon lang ako nakakain nito.
"You know what Levi, I got a new chixx kanina. Anak daw iyon ng gobernor dito sa Maynila. Guess what? We will meet tomorrow." Proud na sabi ni Lucas.
"Then you'll get into trouble again." Dugtong sa sinabi ni Sir kay Lucas kung kaya't humalakhak ito.
"Then you'll showed up ang save me." Nag cheers pa sila ng baso.
Ilang oras na ang lumipas at ramdam kong lasing na si Sir Elijah at si Lucas ay hindi pa.
"Look Levi, Kahit kailan talaga ay ang dali mong malasing." Sabi nito habang ngumingisi at lumagok ng alak sa baso."
"I'm not drunk Lucas. Right Issay?" Tanong nito sakin.
"Hmmm." Sabi ko at tumango lang.
"I't's already late, just bring him to the hotel Issay and I'll call the staff para maligpit na nila itong mga kalat. Sorry I can't accompany you, mom texted me to go home ASAP."
Okay lang Lucas naiintindihan ko. Nagpaalam na si Lucas at nagmamadaling umalis. Inalalayan ko si Sir Elijah na makatayo. Ang bigat niya pala 'I sighed'. Nakaakbay siya sakin ngayon at pagewang gewang kaming maglakad.
"Mia, I miss you. Please come back to me." Ako ba ang tinutukoy niya?
"Hindi po ako si Mia sir." Sabi ko habang naglalakad kami patungo sa hotel.
"No, you're Mia." Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi niya at ng maka pasok na kami sa hotel ay agad na sumakay kami sa elevator at pagkarating sa 15th floor ay bumukas na din ito at agad kaming lumabas.
Pagkapasok namin ay pabagsak kaming natumba sa kama. 'Sigh' Sa wakas, sabi ko habang hinihilot hilot ang mga braso ko dahil sobra itong nangalay. Tatayo na sana ako ngunit kumababaw sakin si Sir Elijah at hinalikan ako.
Lasang alak ang labi at hininga niya na hinaluan ng menthol. Pilit ko siyang tinutulak ngunit mas malakas siya sakin kahit na lasing siya. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa dibdib ko kung kaya't may kumawala na ungol sakin. Bumaba ang mga halik niya sa leeg ko. Parang napaso ang katawan ko ng naramdaman ko ang mga dila niya dito.
"Mia, please choose me."
Sabi nito kaya nainis ako. Baka isa sa mga babae niya ang Mia na iyon. Itutulak ko pa sana ulit siya ngunit nakatulog siya habang nasa ibabaw ko. Hinawi ko na siya kung kaya't napahiga na siya sa kama.
Tinanggal ko ang mga sapatos niya at kinumutan siya at natulog na din dahil napagod ako. Hindi natuloy ang night swimming namin ngunit okay lang iyon. Unti unting bumigat ang mga talukap ng mga mata ko at nakatulog din ako.
: P
A/N: Instead of thinking that your not okay, it's better if you think that every things gonna be fine. Be optimistic. If you're in the middle of the dark, look for the light. Don't stay in the darkness : )