Issabella's POV
'Buzzzz'
'Buzzzz'
Nagising ako sa tunog ng alarm clock na dala ni sir Elijah at naalala kong may taping pala siya ngayon. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kong nakayakap pa rin siya sakin. Pilit kong inaalis ang mga braso niya ngunit mas lalo pa itong humihigpit. Ramdam na ramdam ko ang maiinit niyang hininga sa batok ko. Tila'y kinikiliti ako nito kung kaya't napalunok ako ng pa ulit ulit.
"S-sir * ' I gulped' kailangan ko na pong bumangon d-dahil magluluto pa ako ng almusal."
Hindi ko mapigilang mautal dahil mas lalo niya pang isiniksik ang mukha niya sa batok ko. Napasinhap ako ng biglang dumampi ang mga labi niya sa balat ko. Magrereklamo na sana ako ngunit naramdaman ko ang pagkalas ng mga braso niya sakin. Dali dali akong bumangon ngunit hinila niya bigla ang braso ko kung kaya't napahiga ako ulit sa kama at kumubabaw siya sakin habang nakangisi.
"I want to have a morning kiss with you Gorgeous."
Napakurap ako ng dalawang beses dahil sa narinig. Biglang bumigat ang paghinga ko dahil unti unti niyang inilalapit ang mukha niya sakin. Napapikit na lang ako dahil sa kaba at pagkamaya maya'y naramdaman ko ang masusuyo niyang halik sa labi ko. Parang nadadarang ako sa ginagawa niya at hindi ko napigilan ang sarili kong humalik pabalik. Habang tumatagal ay mas nagiging agressibo at palalim ng palalim ito. Ramdam ko ang pag ngisi niya sa gitna ng paghahalikan namin.
Nag umpisa ng maglakbay ang mga kamay niya sa katawan ko hanggang sa may naramdaman akong bagay banda sa puson ko. Rinig ko ang pagmura niya na tila naiinis at dali daling bumangon sa kama at dumiretso sa banyo.
Nakahiga pa rin ako sa kama at tulalang napa tingin sa kisame. Hindi pa din rumirehistro sa isip ko ang nangyari. Napaisip ako bigla kung ano ang mangyayari sakin sa puder ni sir Elijah kapag tumagal na ako dito? Baka mapudpud ang labi ko nito dahil ang hilig niyang humalik.
'I Gasped' Nabalikwas ako ng bangon nang maalala ko ang taping dahil kailangan ko pa palang magluto ng almusal. Napansin kong lumabas sa CR si sir Elijah na hubo't hubad kung kaya't nag init ang pisnge ko at tumalikod.
"Issay, I already ordered a set of breakfast for us yesterday so just wait until I finished taking a bath but. If you want to join me I'll gladly welcome you." Sabi ni sir Elijah at kahit na naka talikod ako sa kanya ay ramdam ko ang pang aasar sa boses niya.
"H-hindi na po sir, mag aantay na lang ako." Sabi ko at bumalik sa higaan at nagtalukbong ng kumot baka may gawin na naman kasi siya sakin.
"Pffftt.. HHAHAHAHHA." Napahagalpak ng tawa si sir Elijah habang pumapasok sa bathroom. Baliw ba siya? Wala namang nakakatawa ah.
Habang naka higa ako sa kama ay napa isip ako. Bakit ako dinala dito ni Sir Elijah? Para maging Assisstant niya sa taping, tama. Ano namang gagawin ko sa taping mamaya? Hayysss.. Ano kaya ang ginagawa ng mga artista sa taping? Siyempre umaakting Issay. Sagot ko din sa sarili ko na tila nababaliw na. Na excite ako dahil ang suwerte ko at makakakita ako ng iba pang mga artista ng libre. Makaka gala at makakapunta pa ako sa mga resort.
Si tatay kaya kamusta na? OK lang kaya siya? Si Penpen kaya? Namimiss ko na si Penpen. Hayysss.. Araw ng linggo ngayon at kapag mga ganitong araw ay nagsisimba kaming dalawa at pagkatapos nun ay umaakyat kami sa Mount Ulap de loro. Ito ang pinakamalapit na bukid sa San Nicolas na dinadayo ng mga turista dahil kitang kita ang napakangadang view ng bayan dito.
May tambayan kami doon ni Penpen na puno at namumulaklak ito ng kulay pula. Kapag pumupunta kami doon ay inuukit namin ang aming pangalan. Masayang kasama si Penpen at halos lahat ng babae sa bayan namin ay may gusto sa kanya ngunit ang sabi niya sakin ay may gusto na daw siyang babae kung kaya't natuwa ako at nasabik na makilala ito.
FLASHBACK
"Penpen ikaw ahh may napupusuan ka na pala!!" Sabi ko habang tinutusok tusok ang tagiliran niya kung kaya't napapangiti ito.
"Yes Issay, it's been years since I started to love her." Sabi niya habang ngumingiti ng matamis at nakatanaw sa mga ulap na tila may inaalala.
"Sino ang maswerteng babae na iyan penpen?" Tanong ko at tinignan din ang mga ulap.
"Hmm.. Maganda siya, kasing ganda ng mga bulaklak sa punong ito. Kasing linis ng mga ulap ngayon ang pagkatao niya. Hindi ko siya gusto Issay dahil mahal ko siya."
"Ang suwerte nang babaeng iyan ahh. Sino ba kasi iyan?" Tanong ko dahil sa kyuryosidad.
"Malalaman mo din iyan Issay. Gusto ko siya ngunit natatakot ako na kapag malaman niya ang nararamdaman ko ay bigla niya na lang akong iwasan." Sabi ni Penpen at biglang lumungkot ang mga mata.
"Ang daya mo naman eh, ayaw pang sabihin, hmmpp. Huwag kang mag-aalala dahil mabait ka at mabuting tao kung kaya't alam kong magugustuhan ka din niya." Dahil sa sinabi ko ay may sumilay na ngiti sa mga labi niya.
"Talaga Issay? Paano kung ikaw ang babaeng iyon? Anong gagawin mo?"
"Siyempre Penpen hindi kita iiwan tapos tatangapin ko ang pagmamahal mo." Napasinghap naman ako sa gulat ng yakapin ako ng mahigpit ni Penpen.
"Talaga Issay?" Tanong niya na may galak sa boses.
"Teka lang Penpen, hindi naman ako iyon eh." Pagkasabi ko niyon ay kumalas na siya sa pagyakap sakin.
END OF FLASHBACK
'Sigh' Kailan kaya kami magkikita ni Penpen? Namimiss ko na ang mga pang aasar niya. Pagkatpos ng pag mumuni muni ko ay nakita ko na si Sir Elijah na naka maong faded pants at naka grey shirt at may suot pang leather jacket. Napatitig ako sa kanya habang umiinon ng tubig. Gumagalaw ang adams apple niya dahil doon. Ang guwapo niya talaga. Bagay nga sa kanya ang maging artista.
"Why are you staring at me?" Tanong niya kung kaya'y umiwas ako ng tingin at natatarantang pumunta na sa bathroom habang hindi siya nililingon. Pagkadating ko doon ay ini lock ko muna ang pinto at saka hinubad ang damit ko. Binuksan ko ang shower at ramdam ko ang pagbuhos ng malamig na tubig sa katawan ko. Naalala kong hindi na ako birhen pa kung kaya't napaisip ako na paano na lang kapag nag asawa na ako? Ano na lang ang iisipin niya kapag nalaman niyang hindi na ako birhen?
Siguro ay hindi na lang ako mag-aasawa. Pero sabi ng mga magulang ko ay gusto nilang magka apo ngunit hindi na ito masisilayan pa ni Inay. Pero kong si Elijah ang mapapangasawa ko ay wala na akong poproblemahin pa tungkol doon. Nang mapagtanto kong mali ang iniisip ko'y Ipinilig ko ang ulo dahil sa mga ilusyong iyon na kahit kailan ay hindi mangyayari.
Alam kong kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan dahil langit siya at lupa ako. Nang makatapos na akong maligo ay agad na kinuha ko ang maong shorts na maikli na ibinigay sakin ng pinsan kong si Chloe. Sabi niya na gamitin ko daw ito kung may pupuntahan akong lugar na tanging mga mayayaman lang ang nakakapunta para daw hindi ako mapahiya at magmukhang taga bukid.
Pinarisan ko ito ng spaggeti strap na damit na kulay itim at medyo hapit ito sa katawan ko. Kailangan ba talagang ito ang isuot ko? Ayoko namang mapahiya sa mga tao doon at pagsabihan akong probinsyanang manang.
Nagpapasalamat ako kay Chloe dahil binigay niya sakin ito. Hindi ko akalaing magagmit ko pala ito dito. Lumabas na ako sa CR at nakita kong naka upo sa sofa si Sir Elijah habang umiinom ng kape. Si Sir Lucas ay nandito na din at naka upo sa sofa na tila'y naglalaro sa cellphone niya. Hindi ko alam na sasama pala siya.
Nang makita ako ni Sir Elijah ay nanlaki ang mga mata niya at nahulog siya sa sofa kung kaya't nabitawan niya ang basong may lamang kape. Tila nakakita din ng multo si Sir Lucas ng makita niya ako at agad na nag iwas ng tingin. May dumi ba ako sa mukha? Ano ba kasing meron?
"What the heck are you wearing!!? " Galit na sigaw sakin ni Sir Elijah.
"S-shorts po at spaggeti s-strap na damit." Sagot ko sa tanong niya kung kaya't humagalpak ng tawa si Sir Lucas habang naka hawak sa tiyan niya. Galit na hinanap ni sir Elijah ang maleta ko at hinalungkat ito at pagka maya maya'y may dala na siyang t-shirt na kulay puti at black jeans. Hinagis niya sakin ito at agad ko namang sinalo.
"Change that fuckin outfit of yours Issabella!!." Galit na sabi niya sakin kung kaya't nasaktan ako dahil pinapahiya niya ako sa harap ni Sir Lucas. Tinungo ko ang banyo at nagpalit ng damit. Gusto niya sigurong mapahiya ako mamaya. Hayssss.. Pagkalabas ko ay tawa pa rin ng tawa si Sir Lucas habang naluluha na. Ganoon ba talaga ka nakakatawa ang suot ko?
"Can you please stop laughing Lucas!!?" Irritang sabi ni Sir Elijah na tila badtrip ito at alam kong dahil sakin iyon.
"Here's your breakfast Issabella." Nagpipigil ng inis na sabi nito sakin at binigay ang tray na naglalaman ng sandwitch, gatas, pancake at sopas. Tinanggap ko ang tray at tila nakaramdam na ako ng gutom kung kaya'y kinain ko na din ito.
"You look sexy with your previous outfit Issay." Sabi ni Sir Lucas kung kaya't binatukan siya ni Sir Elijah.
"T-talaga po?" Tanong ko kay Sir Lucas dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
" You look like an ugly frog with that outfit." Sabi sakin ni Sir Elijah. Siguro nga, kaya siya nahulog sa sofa dahil natakot siya sakin. Matapos ko ang aking almusal ay nagyaya na si Lucas na umalis dahil naghihintay na daw ang Van sa baba. Nang makalabas na kami ay wala na akong dala na gamit ni Sir Elijah dahil nasa van na daw lahat.
Habang naglalakad kami ay naka sunod lang ako sa likod ni Sir Elijah at si Sir Lucas naman ay nasa tabi ko lang. Nakalagay ang mga kamay ni Sir Elijah sa bulsa ng patalon niya habang naglalakad. Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao, ay hindi pala kami kundi si Sir Lucas at Sir Elijah. Rinig ko ang mga tili ng babae habang tila'y kinikilig sa nakikita nila.
Napunta ang attensiyon ko sa mga babaeng nasa paligid kung kaya'y nagulat ako ng nabunggo ako sa likod ni Sir Elijah at sobrang sumakit ang ilong ko dahil doon.
"Be careful Issay. Don't be stupid, you might got into an accident." Sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Issay becareful, Levi will be worried to death if something bad happen to you." Sabi ni Sir Lucas sakin habang nakangisi kay Sir Elijah ngunit hindi niya iyon pinansin.
____________
Nang makarating na kami sa labas ng hotel ay may sumugod na mga babae kay Sir Lucas at Sir Elijah habang nagsisitili na may dalang mga banners at malalaking stickers at mukha nila ang nandoon. Umiwas ako sa kanila baka matumba ako at madamay sa kaguluhang nangyayari.
"WAAAAAHHHHHH!!!! ELIJAH ANG GUWAPO MO!!!!!"
"Kyaaaahhhhhhhh!!!! LUCAS ANG GUWAPO MO SA PERSONAL!!!!!"
"PA PICTURE PLEEEAAAASEEEEE!!!! KYAAAAHHH."
Dinig kong sigawan ng mga babae. Teka artista din ba si Sir Lucas? Kaya pala sasama siya sa taping at syempre papasa din siya bilang artista dahil sa kaguwapohan niya. Walang tigil sa pag papa picture ang mga fans nila at pagkara'ay inawat na sila ng guards sa hotel at tuluyan na ngang naka sakay sa Van sina sir Elijah at ako ay na iwang nakatunganga sa labas. Bumukas ang bintana ng Van at iniluwa nito ang mukha ni Sir Elijah.
"Let's go Issay!!" Sabi niya kung kaya't tumakbo na ako papunta sa van dahil papunta sakin ang mga babae kanina.
" Ms.!!! Pakibigay ng notebook na to kay Elijah plss!!"
"Ms. Pakipermahan sa kanya please!!"
Sigaw ng mga babae habang hinahabol ako kung kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo at ng makasakay na ako sa van ay umandar agad ito. Hingal na hingal ako dahil sa pagtakbo. Namuo ang mga pawis sa noo ko dahil sa pagod.
"Here." Sabi ni Sir Elijah at ihinagis sakin ang facial tissue at agad ko namang nasalo. Kumuha ako ng dalawang piraso at pinunas sa pawis ko.
"Artista ka din pala Sir Lucas?" Tanong ko sa kanya dahil sa kyuryosidad.
" 'He Chuckled', Just drop the sir Issay. Call me Lucas. Yes I am." Sagot nito
"Aaahh ganon po ba."
"Can you please stop using the po? That's awkward ,eh magkasing edad lang naman tayo." Sabi nito at humalakhak na parang sira ulo.
"Sige Lucas." Sabi ko na tila naninibago.
________
WHITE DOVE RESORT
Pagkadating namin sa resort ay tumigil ang van at lumabas din kami. Namangha ako ng makita ko ang matatas na building at malalaking swimming pool. Napakalawak ng lugar na ito. Inilibot ko ang mga paningin ko at may mga taong nalalakad, nagpipicture at nag s-swimming. Ang saya ko dahil naka punta ako dito. Kung may cellphone din ako ay gusto kong kumuha ng litrato dito bilang remembrance ng pag punta ko. Naiingit ako sa mga nag pipicture kung kaya't tinititigan ko lang sila. Mukhang masayang masaya nga sila. Sana masama ko si itay dito balang araw.
Habang nagmamatyag ako sa paligid ay napansin ko ang lalaking may hawak na camera at nagpipicture picture sa view ng resort. Nang makita niya ako ay lumapit siya sakin habang nakangiti. Lumingon muna ako sa likuran ko baka kasi hindi naman ako ang tinitignan niya pero wala namang tao doon.
"Hi, I'm Liam." Sabi niya at inilahad ang kamay niya sakin.
"Issabella." Sabi ko at nakipag shake hands sa kanya kahit na nag aalinlangan. Guwapo din si Liam at lumalabas ang mga dimples niya kapag ngumingiti siya.
"Okay lang ba na kunan kita ng litrato?" He asked na siyang ikinangiti ko dahil kanina ko pa gustong mag pa picture.
"Okay lang." Pagkasabi ko niyon ay sumunod ako sa kanya at hindi naman ito sobrang layo kina sir Elijah kaya okay lang naman siguro. May kausap pa kasi sila ni Sir Lucas at mukhang hindi naman nila napansin ang pag alis ko doon.
"Diyan Bella pumuwesto ka sa gilid ng bulaklak na iyan at teka lang." Sabi ni Liam at kumuha ng bulaklak at inilagay sa tainga ko.
"Ok na bo to?" Tanong ko sa kanya habang ngumingiti.
"Oo Bella, maganda ka naman kahit saang anggulo." Kinunan niya ako ng litrato sa ibat ibang postura at nagulat ako ng biglang dumating si sir Elijah at hinala ako papalayo kay Liam.
"Liam salamat!!" Sigaw ko dito at kumaway siya sakin habang naka ngiti.
" What are you doing with that stranger!?" Galit na tanong sakin nito.
"Ahh si Liam, wala yun mabait naman siya at kinunan niya lang ako ng litrato." Sabi ko kay Sir Elijah habang nakangiti dahil nga masaya ako.
"Not all strangers are good Issay. You shoudn't trust that fast." Sabi niya kung kaya't tumango na lang ako dahil may punto nga naman ang sinabi niya.
Naglakad na si Sir Elijah at si Sir Lucas naman ay may kausap na lalaking malaki ang tiyan at may bigote. Iwan ko kung sino ito dahil ngayon ko lang siya nakita.
"Who is she Lucas?" Tanong ng lalaking may malaking tiyan at tinuro ako.
"She's my personal assistant in the taping." Sabat ni sir Elijah Kung kaya't ngumiti ako sa lalaking iyon.
"Hi, I'm direk Bobby." Sabi niya at inilahad ang kamay.
"Hello po, I'm Isabella." Sabi ko at nakipagkamay. Wow direktor pala siya. Hindi ko akalaing makakameet ako ng isang direktor.
Nang makarating na kami sa pool area ay may nakita akong mga tent at mga cameras na malalaki. May mga camera men din na naka upo pa sa maliit na bench. Dito siguro gaganapin ang shooting nila at nakita ko din si Sabrina. Pagkakita niya samin ay lumapit agad siya at niyakap si Sir Elijah.
"Hi Issay." Bati sakin ni Sabrina.
"Hello." Sabi ko at pilit na ngumiti.
"Let's Start." Sabi ni Direk Bobby kung kaya't nag handa na si Sir Ellijah at Sabrina dahil sila lang daw muna ang may scene at narinig kong kissing scene daw. Hayysss.. Ang daming hinahalikan ni Sir Elijah at isa na ako doon. Nalungkot ako sa naisip ko dahil parang naging isa ako sa mga laruan niya.
"Lights--camera--action." Sabi ni Direk Bobby at nagsimula na ang pag acting nila.
"Wait Alexa!! Let me explain!!" Sabi ni Sir Elijah sa nanunuyong mga mata. Ang galing niya palang umakting. Kung badtrip siya kanina hindi halata sa paraan ng pag arte niya ngayon. Napaka propesyonal niyang tignan.
"What is it this time Rafael!!? I'm tired of your lies!!." Sigaw ni Sabrina habang umiiyak.
"I broke up with her!! I love you Alexa!!." Sigaw ni Sir Elijah. Tila natulala muna at hindi makapaniwala si Sabrina at agad na niyakap siya ni Rafael daw.
"After the hug they started kissing each other." A kiss that I don't want to see kung kaya't iniwas ko ang mga tingin ko at tamang tama namang nakita ko si Liam na kumakaway sakin kung kaya't umalis muna ako dahil wala pa naman akong ginagawa doon.
"Bella!!" Tawag niya sakin ng makalapit na ako.
"Ito nga pala ang picture mo kanina. Pinadevelop ko na. Hindi ko inakalang makikita kita ulit." Ibinigay niya ang larawan kong nakangiti habang may mga bulaklak saking tainga kaya tinanggap ko ito. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa tuwa.
"Salamat dito Liam." Pagkasabi ko niyon ay nagpaalam din si Liam.
"Sana magkita tayo ulit ." Sabi niya at kumaway na sakin. Bumalik ako sa taping at nagulat ako ng narinig ko ang galit na boses ni direk Bobby.
"Elijah!! Concentrate."
Hala bakit nagagalit si direk eh ang galing umakting kanina ni Sir Elijah ah. Kita ko naman ang kilig at ngiti ni Sabrina dahil uulitin daw pala ang kissing scene nila dahil kung saan saan daw tumitingin si sir Elijah. Haayyss.. Ayoko pa namang manuod.
Inulit nila ang scene na iyon at sa wakas ay natapos din. Kita kong masama ang tingin sakin ni Sir Eljah na tila ba may kasalan ako sa kanya kahit wala naman akong ginawang mali.
"Do you have a crush on that guy named Liam?" Bungad nito sakin habang naka kunot ang nuo na tila naiinis ito.
"Naku wala po Sir, Binigay niya lang sakin ang picture ko kanina." Ipinakita ko ito sa kanya ngunit hinablot niya at pinunit na siyang ikinainis ko. Pinulot ko ang mga pirapirasong larawan ko at inilipad pa ng hangin ang iba. Hindi ko mapigilang maluha kasi ito lang ang picture na meron ako sa lugar na ito. Habang natataranta akong namumulot ng mga piraso ng larawan ko'y hinawakan niya ang braso ko at hinila patayo.
"Why are you crying?" Nag-aalalang tanong niya.
"W-wala lang po ito." Sabi ko habang umiiyak.
"Are you crying because of that picture? Don't worry we'll take a picture together after the shoot." Dahil sa sinabi niya ay tila umurong ang luha ko.
"Talaga Sir?" Tanong ko na may galak sa boses.
"Yes Issay." He said at ngumiti sakin.
^_^
A/N: It's good to trust others but, not to do so is much better.
--Benito Mussolini