
ko alam pero parang pamilyar sakin ang painting sa picture.
I saw it somewhere.
Di ko lang maalala kung saan.
.
Binalik ko sa loob ng libro ang ID at ang picture.
Tinabi ko na sa book shelf ko ang mga libro ko kasama na din ang libro na nahalo sa paper bag ko.
Hindi ko na maibabalik pa sa kaniya ang book niya first and last na naming pagkikita yun.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtitig sa kisame ng kwarto ko.
Hanggang sa di ko namalayang nakatulog na ako.
______________________________________
Eclipse's POV
Sino ba ang babaeng yun?
Sobrang sungit nya ang hirap nyang paliwanagan. Maganda sana sya ang kaso daig pa matandang dalaga.
Di ko kasalanan na tumapon sa kanya ang milk tea na iniinum nya.
Siya naman talaga bumangga sakin noong makakasalubong ko na sya umiwas naman ako ang kaso bumangga pa rin sya.
Parang ang naglalakad sa buwan ang iniisip nya.
.
Dahil sa kanya na late ako sa part time job ko.
Pinagalitan tuloy ako ng ka shift ko.
Dumaan kasi ako sa mall dahil nagkita kami ng driver namin para may ibigay na mga libro di ko pwedeng sa apartment ko sya papuntahin dahil baka isama nya pa si Mommy.
.
Di ko naman inaasahan na may mangyayaring di maganda.
Sana di na kami magkita ng babaeng yun.
Sa sobrang sungit nya parang kahit sino walang tatagal sa kanya.
Saka masakit siyang magsalita tawagin ba naman akong STUPID.
Ako na sandali lang nakausap siya naubos na pasensya ko.
Pasalamat siya babae siya hindi ako mahilig sumapak ng babae.
.
"Eclipse uuwi na ako kita na lang tayo sa school." paalam sakin Jayson
Isa si Jayson sa mga pang umaga sa Restaurant na pinapasukan ko. Dito ko na lang din sya nakilala at school mate ko din sya. Ako naman ang pasok ko 3pm hanggang 10pm.
Dahil sa babae na yun 3:30pm na ako nakarating na traffic pa kaya na late ako sa shift ko.
Buti andito pa siya para pag takpan muna ako sa kapalitan ko kanina.
.
"Sige, pasensya ka na ulit may emergency lang talaga kaya na late ako." pag hingi ko ng paumanhin.
.
Ngumiti lang sya tapos nagpaalam na sa supervisor namin.
Maraming customer ngayong araw nakikita ko na sa labas.
.
Tinawag na ako ni Leizel sya ang nasa cashier ngayon para iserve ang isang order.
.
Agad ko naman kinuha saka naglakad na para iserve ang order nila.
Nakita kong mukhang mga magbarkada ang may order ngayon.
.
"Hi Ma'am here's your order." nakangiti kong bati sa kanila.
.
Aalis na sana ako pero nagsalita ang isang babae sa mga kasama nya sa table.
.
"Excuse me. Ikaw yung kanina sa mall di ba?" nagtataka nyang sabi.
Kilala ko ba ito?
Di ko sya matandaan.
"I'm sorry, but do I know you, Ma'am?" malumanay kong balik tanong sa kanya.
Inaalala ko talaga kung sino sya pero di ko matandaan.
And besides ngayon ko lang sya nakita dito sa restaurant.
Halos kilala ko na ang mga regular costumers dito.
.
"Ikaw yung may kaaway na babae kanina natapunan mo sya ng milk tea. Nakita kasi kita na sobrang nahihiya na sa mga nakakakita." paliwanag nya.
.
Takte! Ito na nga...
Napahiya ako dahil doon and ngayon may nakakilala na sakin about doon.
Baka makarating pa sa parents ko kung nasaan ako ngayon sure akong uuwi ako agad sa bahay namin nito pag pinasundo na ako.
.
"Sorry about that scene Ma'am. Medyo di lang talaga naging okay ang nangyari." nakangiti kong sagot sa kanya.
Nagpaalam na din ako sa kanya.
Kasi tinatawag na ako ni Leizel.
"Bagong fan mo na naman? Iba talaga ang isang Santiago. You've barely returned to the Philippines and you already have a woman again." tumatawang sabi nya.
Tumawa ako at sinamaan ko sya ng tingin baka may makarinig sa mga sinabi nya.
"She's just asking something." tipid kong sagot sa kanya.
Pero tinignan nya lang ako na parang di sya sigurado.
At halatang natatawa pa rin.
Sa halip na maasar ako kinuha ko na ang susunod na order.
Pero nakangisi pa rin syang tinitignan ako.
Pagkatapos ng duty ko umuwi na ako sa apartment ko.
Sobrang nakakapagod din ang pagkakaroon ng work.
Noong una hindi ako sanay pareho pa kaming hirap ni Leizel dahil nakakapagod pala ang trabahong ito.
Magbabayad na naman pala ako ng apartment ko next week.
Ayokong kumuha sa bank account ko dahil baka ma trace pa ako nila Daddy na nandito ako.
Hahanap na lang akong iba pang work.
.
Tinignan ko ang phone ko at may text si mommy.
As usual pinapauwi na ako at nagtatanong kung nasaan ako.
Di na ako nag reply sa kanya hinayaan ko na.
Hinanap ko ang paper bag na dala ko kanina andun ang mga pinaka importanteng libro na pinakuha ko.
Pagbukas ko nahilo na ako kakahanap wala ang libro na importanteng makita ko.
Nakita kong may isang libro na hindi naman sakin at naka sealed pa bagong bili lang.
Isang romance na libro ang nasa cover.
Ngayon ko lang naalala na same kami ng paper bag ng mga librong nilagyan ni Manong.
Nagkapalit kami ni Sungit andun lahat sa libro na yun baka may mahanap siya at itapon lang niya.
Paano ko siya hahanapin?
Wala naman siyang address dito sa libro na ito dahil naka sealed

