Chapter 2

2023 Words
“You should be careful sometimes, Stats.” Napayuko nalang ako sa pagpapaalala sa akin ni Mom, sobra pa din ang kahihiyan ko kanina dahil nasira ko ang bike ni Antowi at nakita niya akong umiyak ng ganoon kanina. “Buti nalang andun si Antoine.” Maka-hulugan na sabi ni Ate. Seriously? “Mom nasira ko ang bike ni Antowi, please paayos natin.” Kumunot ang noo nila. “It's Antoine, anak.” Natawa naman si Ate ng ma-realize ang pronounciation ko sa name niya. “Bulol ka pa Stats!” Namula ako at na-realize na nahihirapan nga ako banggitin ang name niya. It's just that I'm suck sometimes in names pronounciation. Name ko lang ata ang hindi ako nahihirapan. “Anyways, go at Glaser's house then mag-sorry ka. Magbe-bake tayo ng cupcake then ibigay mo kay Antoine.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mom pero umalis na sila para mag-ready sa kitchen. I sighed. Bakit ako pa magbibigay? Natapos kami sa pag-bake and satisfied naman kami sa lasa. Pinagbihis na ako ni Mom at inutusan na iabot ito sa Glaser. Pinindot ko ang doorbell at lumabas ang isa sa maid nila. “Ano 'yun Iha?” “Andyan po ba si Antowi?” Kumunot ang noo niya at ilang segundo na inisip kung sino iyon. “Ah! Si Sir Antoine! Nasa kwarto niya.” “Pwede po 'bang pakibigay nalang ito sa kanya?” Kaso baka magalit si Mom pag nalaman niya na hindi ako personal na nanghingi ng sorry. “Ay pwedeng pumasok po at ibigay ito sa kanya? Kaibigan po ng Family ko ang pamilya nila. Dyan po kami nakatira sa harapan.” Turo ko sa aming bahay at tumango siya. Pinapasok niya ako at tinuro ang kwarto ni Antowi. Napaka-detalyado ng bawat pasilyo ng kanilang bahay, sa pader ay mayroong painting nilang tatlo. Nasa gitna si Antowi at seryosong nakatingin sa kung sino man ang nagpi-pinta ng kanilang litrato. He looks so dashing kasi ang bata niya pa sa painting. I roamed my eyes around and ang daming mga antiques na decoration. Huminga ako ng malalim ng katapat ko na ang pinto ng kanyang kwarto, It is a white door. Kumatok ako at walang sumagot, kaya inulit ko ito. “Antowi?” Doon lamang siya lumabas, gulo ang buhok, mapungay ang mga mata na pilit inaaninag kung sino ang naghihintay sa labas ng kwarto niya. He's topless at nanlaki ang mga mata ko kaya agad akong tumalikod, hindi ako sanay sa ganoon dahil si Dad ay formal na tao, lalo na at puro kami babae sa bahay. “Sorry.” Nataranta siya at sinarado agad ang pinto, binuksan niya ulit iyon at pagbalik niya ay naka-shirt na siya. “What brings you here?” Naka-awang ng kaunti ang room niya kaya nakita ko ang decoration ng kwarto niya. Namangha ako sa itsura ng room niya kaya hindi ko agad napansin ang tanong niya. “Ang ganda ng room mo Antowi.” He chuckled pero agad kumunot ang noo niya. “Antowi?” Tanong niya. Tumango ako at humagalpak siya ng tawa, sinamaan ko siya ng tingin. “Bulol ka pa, It's Antoine. Now, tell me that you're not a kid anymore.” He smirked kaya inirapan ko lang siya. Tinignan ulit ang kwarto niya, binuka niya pa ang awang ng pinto at pinapasok ako. His room is like a space, all you need is a zero gravity for you to float. Madilim ang kwarto niya at puno ng lights na parang star habang may isang full moon na ilaw sa taas. Sobrang ganda, yung kama niya is color indigo, yung book shelves niya ay sobrang organized, as in lahat. Wala 'kang makikitang naka-kalat na kung ano sa sahig. Ang daming mga designs na planets, may mga miniature na astronauts naka-display. “You like my room?” Tumango ako ng wala sa sarili. “I want to become an astronaut, I want to travel to the moon. It is the reason why I'm living.” Napamangha ako sa sinabi niya, alam niya kung ano ang purpose ng buhay niya. “I don't know why I'm telling this with you, maybe you can't understand how to be passionate about something.” Umiling siya sa sarili at tumawa ng bahagya. “I'm just a kid in your eyes, pero naiintindihan ko kung gaano kahalaga na may goal sa buhay. Maybe right now, I don't have any goal in my mind. Pero I understand it, since my Ate wants to become a professional artist someday.” Tumango siya at pinakita sa akin ang isang blueprint na ginawa nya on how to travel to the moon. “Since I was a kid, I started making this blueprint until now. I want the last part of this blueprint will be complete 10 years from now, I want to put on the last corner of this blueprint the flag of the philippines.” Napahanga ako sa sinabi niya, I focus my gaze in his blueprint. It's very detailed. Nakakahiya talaga pag may kasama 'kang tulad niya, masyadong mataas ang IQ. “It takes about 3 days for a spacecraft to reach the Moon. During that time a spacecraft travels at least 240,000 miles or 386,400 kilometers which is the distance between Earth and the Moon. The travel to the moon is kinda dangerous, there are a lot of instances that you will experience many difficulties before and after you reach your destination.” Nakakahilo yung mga computation niya ng distance ng earth and moon. Pero I understand it clearly, he's so smart. “But it didn't stop you from achieving that goal right?” Ngumiti siya at marahang tumango. Matapos niya ako i-tour sa kung saan saang parte ng kwarto niya ay iniwan ko na ang cupcake na binake namin nila Mom bilang apology ko. Pero he said na he don't mind it at all. Umuwi na ako sa amin at naabutan ko si Mom na nag-aayos. “Stats, get ready. Mage-enroll ka sa new school mo. You're a grade 7 now, your first year in highschool, you should make some friends.” Tumango nalang ako para hindi na pahabain pa ang usapan. Nag-ready na ako at bumaba para umalis kaming tatlo. Si Ate naman ay graduating na sa Grade 12 so doon pa din siya sa dati niyang school kahit medyo malayo ito. Nanginginig ako sa kaba dahil sa first day of school ko, I was bullied when I was in elementary so I expect it also to happen in here. They said, I'm ugly, nerdy and fat. I don't mind, pero madalas ay sinasaktan o sinisira nila ang gamit ko. Nagsimula na ako hanapin ang classroom ko pero sa paglinga linga ko ay natapon ang dala dalang juice ng nakabangga ko. “What the hell!” Nanlaki ang mata ko nang makita ang nakabangga ko, she's so pretty and I think ka-edad siya ni Ate. “I'm sorry.” Yumuko ako sa kahihiyan dahil pinagtitinginan na din kami ng mga tao. “Look, bata bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? Look, you ruined my uniform.” I was about to say sorry again pero someone's familiar voice cut me off. “It wasn't only her fault, you're also responsible for this.” Napasinghap ang lahat ng makita si Antowi na nakatayo sa tabi ko. Mukhang kilala siya ng mga students dito, ang mga mata niyang kulay asul ay malamig na nakatitig sa babaeng nabunggo ko. “Antoine, are you defending this kid?” He looks so bored while looking at her, he immediately grab my arms and dinala ako sa classroom ko. “Be careful next time, you're so clumsy.” He smiled at me at natulala ako ng makita paalis na siya. Paano niya nalaman na dito ang classroom ko? “Thank you!” Sigaw ko, pero agad 'kong tinakpan ang bibig ko dahil nakaagaw na naman ako ng atensyon. Lunch break, nakakahiya na wala man lang akong kaibigan na yayayain kasabay na kumain sa cafeteria, napansin ko ang tingin sa akin ng isa 'kong kaklase na lalaki. Siguro napapangitan ito sa akin, kaya agad akong tumayo at nagpuntang cafeteria. Umupo ako sa bakanteng upuan at nadismaya sa haba ng pila. Biglang may umupo sa katapat 'kong upuan at naka-ngiting nakatingin sa akin. Siya yung kaklase ko kanina. “Pwede pasabay?” Kumunot ang noo ko at hindi sumagot. He looks so tall sa edad namin, kulay brown ang mga mata. Maputi at makapal ang mga kilay. “I will order for us.” Akmang pipigilan ko siya pero tumayo na agad siya. Bumalik siya na may dalang mga pagkain. “Magkano? Babayaran kita.” “Wag na, libre ko 'yan.” Ngumiti siya pero hindi ako kumbinsido, baka nagbabalak lang itong magpagawa sa akin ng homeworks katulad ng mga kaklase ko noon. “Fine, I'm Donovan. You can call me mine for short.” Kumindat pa siya sa akin kaya napanganga ako sa sobrang gulat. Tumawa siya ng malakas kaya pinagtinginan kami ng mga students. “Alam 'kong Statice ang pangalan mo pero mas prefer ko ang Louis. Nanginginig ka pa nga habang nagpapakilala.” Tumawa ulit siya kaya nag-amba akong hahagisan siya ng kutsara. “Chill. Gusto ko lang ng friend, ayoko sa mga iba nating kaklase na babae, gusto akong landiin.” Parang nandidiri pa siya pero inirapan ko lang siya. “Alam 'kong di mo ako lalandiin kaya okay lang ba na friends na tayo?” “Hindi.” Nag-iwan ako ng pera at mabilis na umalis doon. Ayokong magtiwala baka mamaya pinagti-tripan niya lang ako. Naglibot ako sa soccer field, at naguguluhan ako bakit nakatingin sa akin ang mga students pati sa likod ko. Kaya agad akong tumingin sa likod at nakasunod sa akin si Donovan. “Bakit? Masama ba tumambay dito?” Noong umupo ako sa damuhan ay umupo din siya sa tabi ko. Nilabas ko nalang ang libro ko at nagsimula magbasa. “Defy the Stars? 'yan ba yung machine yung lalaki. Ikaw ha nagbabasa ka ng ganyan.” Pinikit ko ang mga mata sa sobrang inis, paano ako magbabasa kung panay daldal siya? “Hindi na nga, shut up na. Magbasa na tayo.” Hinawakan niya pa ang left side ng book ko. “Kasali ka?” Inirapan ko siya at tinapik ang kamay niya. Pero hinawakan niya lang ulit 'yon. “Antoine! Sali ka sa amin.” Napatingala ako sa mga students na tumawag sa pamilyar na pangalan at napatingin ako sa direksyon na tinitignan nila. Antowi is leaning against the tree while holding his book. I though he's looking at them pero sa akin siya nakatingin, sa amin. Iniwas niya ang tingin at umiling sa mga tumawag sa kanya. Nagbasa pa siya sa hawak niyang libro pero todo ang kunot ng kaniyang noo at salubong ang kilay. “Wala ka bang magawa at ako ang kinukulit mo?” “Wala. Mamaya pa ang training ko sa basketball, wala pa akong guy friends dito kasi bago palang. Tapos gusto kita kaibigan baka maging matalino ako.” Grabe, hanga ako sa tactics nito. “Sorry to dissappoint you pero hindi ako matalino.” “Matalino ka kaya. Pahiram nga niyang eyeglasses mo baka bagay sa akin.” Inaagaw niya ang suot 'kong eyeglasses pero pilit akong umiiwas. Napatigil kami sa ginagawa ng may nag-pekeng umubo sa harapan namin. “Stats, let's go. I will send you home.” Nagulat ako sa presence ni Antowi sa harapan namin. His intense gaze at Donovan is really intimidating. Kaya umayos si Donovan at tumayo. “Bukas nalang ulit Louis, sinusundo ka na pala ng Kuya mo.” Nakita 'kong pumikit ng mariin si Antowi at mahigpit na nakahawak sa libro niya. “You wish.” Inirapan ko siya at niligpit na ang mga gamit ko. “Totoo ba na ihahatid mo ako pauwi?” Hindi lang kasi ako sure kung inutusan siya ni Mom. “He's bothering you? I will talk to him tomorrow.” Pinapasok niya ako sa wait- may kotse na siya? “No, nakikipag-kaibigan lang.” “Don't, something is off with him. Tell me if he tried to court you.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. “What? Friend lang bakit napunta sa courting? You sounds like a protective Kuya, Antowi.” Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. “I'm not your Kuya.” He's mad. “Then calling you Antowi is fine? Parang I don't have a respect naman.” “It's Antoine.” Pagtatama niya. “Antowi is cute.” “I'm not cute.” “You're not. Your name is.” Inirapan ko siya at mahina lang siyang tumawa. Finally, ngayon lang medyo nagiba ang mood niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD