"Where are you going?"
Napahinto ako sa paglabas mula sa aming bahay dahil sa tanong ni Mom. Napapikit ako at dahan dahang humarap sa kanya.
"I just need to do something outside."
I said, pero hindi siya convinced. I sighed and inamin na sa kanya ang paglabas ko sa disoras ng gabi.
"Mom, I left my book in Antowi's car. I need it tomorrow." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Sumabay ka kay Antoine kanina?" Ako naman ang naguguluhan. I asked him earlier bago ako bumaba ng kotse niya kung bakit ako pinasabay ni Mom sa kanya.
"Si Mom ba nag-utos sayo na isabay ako?" I asked while he's driving.
"Ah, yeah."
"Why?"
"Ha? Dunno."
Pinayagan na ako ni Mom basta umuwi daw ako agad. Pumunta ako sa bahay nila pero napahinto ako sa sigawan mula sa loob.
"Antoine! We already talk about this! You will be taking up any course you want! Pero 'wag lang 'tong gusto mong course para sa pag-astronaut mo please." Nanlaki ang mata ko sa narinig. Tutol ang magulang niya sa gusto niya?
"I made my decision."
Isang sentence lang ang sinabi ni Antowi pero alam 'kong desidido na siya sa kung ano man ang desisyon niya. Biglang bumukas ang gate. Nagulat siya nang makita nandoon ako, pero umiwas siya ng tingin at naglakad paalis. Saan siya pupunta?
Balak ko siyang sundan. Pero yung libro ko? Tsaka baka magalit si Mom, bahala na. Baka kailangan ni Antowi ng kasama ngayon. Kawawa naman siya.
Nang makalayo siya ay diniretso ko lang ang daan na pinuntahan niya, napunta ako sa pinuntahan namin ni Ate nung gabing bagong lipat palang kami dito.
Naabutan ko si Antowi na nakaupo sa damuhan, nakatingin sa buwan at malalim ang iniisip. Umupo ako sa tabi niya.
"It's late. You should sleep now, it's bad for the health of a kid like you." Inirapan ko lang siya, alam kong tinatago niya lang ang nararamdaman niya.
"Yes, I'm still a kid. Pero I can listen to your rants, Kuya."
"Kuya, my ass." Natawa ako sa sinabi niya. It's a sign of respect, bakit ayaw niya?
"My mom doesn't want me to take up Aeronautical Engineering. She doesn't want me to become an astronaut someday." Umiling iling siya. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan at sakit.
If your parents or family doesn't support you sa kung anong gusto mo, alam 'kong masakit 'yon.
"Why do you want to become an astronaut?"
Ngumiti siya habang iniisip ang isasagot niya sa tanong ko. Hindi ko alam pero nakakatuwa makita ang mukha ng isang tao na iniimagine ang sarili nila sa future, and they're dedicate to reach those goals.
"Being an astronaut is my main goal in life. I never thought of something will be more beautiful than space. Through astronauts, we will enhance life on Earth and prepare to explore the rest of our solar system. There's a lot of research and discoveries if the astronauts will be send to explore the beauty of space."
I couldn't agree more, he's very goal oriented. Hindi ko pa naranasan na maging passionate sa isang bagay, hanggang ngayon wala pa akong nasa isip na course. Kahit malayo pa, pero yung ibang kasing edad ko. May pangarap na sila agad, ako wala pa.
"My instinct predicts that you haven't know what is your dream?"
Yumuko ako at tumango, he chuckled.
He patted my head pero agad ko iyong tinanggal. Para naman akong aso.
"It's fine kid. Maybe, you will discover it in the middle of your studies."
"Pero bakit 'yung iba? Ikaw, bata ka pa you already knew what you wanted to be."
"Don't rush your dreams. It's favorable to you, since you were a kid, you don't have to think of the things you need to do just to accomplish your dreams. You have a time to play around and enjoy your childhood. While me, I spend my childhood days, daydreaming on what it felts like to step your feet on the surface of the moon. I spend my childhood, planning my travel journey to the moon. But ofcourse, I don't regret it."
Ang dami 'kong natututunan sa kanya. Akala ko tahimik siyang tao, snob at hindi ka papansinin. Pero ibang Antowi ang nakikita ko kapag magkasama kaming dalawa, I can see the passionate side of him.
"Thank you. I hope you understand my rants earlier, you're still a kid. Don't rush things." Ginulo niya ang buhok ko at tumayo na kami. Naghiwalay na kami ng nasa tapat na kami ng mga bahay namin.
"Where is your book?"
Napatalon ako sa tanong ni Mom. s**t, I forgot. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko, nagbihis na ako ng pantulog. Pumunta ako sa bintana ko at nagulat na andun si Antowi, nakatingin sa moon. Someday, Antowi mailalapat mo din ang mga paa mo sa buwan.
He saw me and he immediately his window. Napasimangot ako, umiiwas na naman ba siya? Bumalik siya na may dalang notebook at marker.
He wrote something in it, habang nakangiti. Binuksan niya ang window niya habang nakatingin sa akin, sumenyas siya na buksan ko daw ang bintana ko. Agad ko iyong ginawa at ngumiti siya sa akin.
Inangat niya ang notebook niya, nakita ko ang kabuuan niya. Iba na ang shirt na suot niya kanina, magulo ang basa niyang buhok. Mukhang naligo siya, pilit 'kong inaaninag ang nakasulat sa notebook niya, inayos ko ang eyeglasses ko. Napangiti ako sa nakasulat doon.
"YOUR DREAMS IS WRITTEN IN THE STARS."
Nakangiti ako nang marinig ang alarm clock ko, sobrang ganda ng gabi ko. Kaya nauna na ako magising sa alarm clock ko. Hays, ang saya kagabi.
Bumangon na ako at nag-ayos para sa pagpasok sa school. Bumaba na ako at kumain ng breakfast. Ang daming laman ng bibig ko, nagmamadali kasi ako para maabutan si Antowi sa labas. Gusto ko siya makasabay.
"Stats! Bilisan mo isasabay ka daw ni Antoine sa pagpasok."
Siniko ako ni Ate at namula ang mukha ko.
"Take your time."
Biglang pumasok si Antowi sa dining area namin at halos mabuga ko na ang nasa bibig ko nang makita ang ayos niya. Mas lalo siyang gumwapo, feeling ko crush ko na siya. Ngayon lang ako nagka-crush, sa elementary wala naman akong matipuhan doon.
Tumayo na ako at inaya na siya palabas ng bahay.
"Wait, you haven't finish your breakfast."
Bumalik siya sa loob ng bahay kaya kumunot ang noo ko. Anong gagawin niya bakita bumalik pa siya sa loob? Lumabas siya na may dalang mineral water and sandwich.
Pumasok na kami sa kotse niya at inabot niya sa akin ang kinuha niyang foods sa bahay namin.
"Eat." I sighed. Kumain nalang ako dahil nagugutom pa din ako, nahihiya lang ako baka mapaghintay ko siya.
"I left my book here, nakita mo ba?"
Tinuro niya ang backseat at andun nga. Pagkababa namin ay kinuha niya ang book ko dahil pumasok na kami. Nasalubong ko si Donovan at agad siyang kumaway ng makita ako.
"Is he bothering you? I will talk to him then." I hold his arm, mukhang nagulat siya kaya napabitaw ako.
"No, it's fine." Nagpasalamat ako sa kanya at pumasok na sa klase ko. Tumabi sa akin si Donovan at nangungulit na naman.
"Kuya mo ba 'yung kasama mo kanina? Parang galit sa akin. Ang sama ng tingin eh." Inirapan ko siya at hindi na pinansin. Bakit ba ang kulit nito?
"Nakakatampo ka naman. Gusto ko lang naman makipag-friends." Bumuntong hininga ako at hinarap siya kaya agad siyang ngumiti.
"Fine. Pero bakit muna gusto mo akong maging kaibigan?"
"Gusto ko lang. Tsaka alam 'ko na mapagkakatiwalaan ka." Ngumiti siya ulit, mukhang wala naman siyang masamang intensyon.
"Sabay tayo mamaya ha?" Hindi nalang ako sumagot at may pumasok na isang teacher, hindi namin siya science teacher.
"I'm Mrs. Vera, your Science Teacher is absent today. So I ask one of the top students in SHS to discuss her lessons today. Please come in."
Pumasok si Antowi sa room namin at nanlaki ang mga mata ko. Ang gwapo niya sa school ID namin, ngayon niya lang ito sinuot. Nagtilian ang mga kaklase ko, hoy ang babata niyo pa.
"Kuya mo yan diba?" Pagkalabit sa akin ni Donovan, pero hindi ko siya pinansin.
"Students, I'm Antoine. Grade 12 STEM, I'm here to be the substitute student teacher today."
Hindi man lang siya ngumiti sa amin. Ang sungit niya tignan kapag nandito sa school, parang kagabi hindi niya ako sinulatan ng YOUR DREAM IS WRITTEN IN THE STARS.
Nag-discuss pa si Antowi ng kung ano ano. Pero si Donovan or Van panay ang kalabit sa akin.
"What?" Asik ko sa kanya.
"Naiintindihan mo ba?"
Hindi ko siya sinagot at nakinig nalang kay Antowi, pilit 'kong iniintindi ang discussion pero naka-focus ako sa seryoso niyang mukha at magandang speaking voice.
"If there's someone discussing in front. Kindly listen, I'm not here to teach the students who doesn't pay an attention in my discussion."
Masungit niyang sabi at tinignan kaming dalawa ni Van, lalo na kay Van. Kaya napatingin din ang iba naming kaklase sa amin. Nakakahiya, yumuko ako at nahihiyang tumango.
Kinalabit na naman ako ni Van, hindi ba 'to nadadala.
"Watch my practice later ha?" Nilingon ko na siya sa sobrang inis.
"Will you please shut your mouth? Nadadamay ako sayo eh." Inis na inis na sabi ko sa kanya, pero ngumiti lang siya at kinurot ng madiin ang pisngi ko.
"Ang cute mo talaga Louis."
"Mr. Donovan! Stand up!" Sigaw ni Antowi, napatingin kami sa paligid hawak pa din ni Van ang pisngi ko. Namula ang pisngi ko nang tumayo si Van at nahihiyang nakatingin kay Antowi.
"How many times do I have to warn you? Pay attention to my class or leave this classroom." Galit na sabi ni Antowi, inend niya na ang discussion nung nagtime na at tinignan ako ng matalim. Galit ba siya?
Lunch break at pilit kong hindi pinapansin si Van, napahiya ako dahil sa kanya. Bakit ba kasi ang kulit niya nakakainis na siya.
Tumakas ako sa kanya at pumunta nalang sa garden. Bahala ng hindi kumain basta hindi ko lang makita 'yung makulit na 'yun.
"Eat this, I'm Empress." Biglang may nag-abot sa akin ng foods and drinks. I saw a cute girl in my age, smiling at me. Hindi ko pa siya nakikita ni-minsan dito sa school.
"Classmates tayo, pero parang hindi ka namamansin sa paligid mo kaya siguro hindi mo ako matandaan." Ngumiti siya sa akin. Her cheeks has a natural blush, dahil maputi siya.
"I noticed na kinukulit ka ni Van, don't mind him. Makulit talaga 'yun, simula nung elem palang. We're classmates before." Tinanggap ko ang inoffer niyang foods dahil iba ang aura niya. She's comfortable to be with parang aura ni Ate. Cheerful and Lovely.
"Let's be friends!" Ngumiti nalang ako sa kanya.
"Wow. Ang ganda mo pala pag nakangiti. Lalo siguro kung wala kang salamin?"
Hindi ko siya sinagot at pilit niyang nilalapit ang mukha niya sa akin pero lumalayo ako dahil baka napapangitan siya sa akin.
"Your eyes omg! It's beautiful, parang naka-contact lense ka. Pero it's impossible kasi makapal ang grado ng salamin mo. So beautiful, an amber eyes."
Nakatulala pa din siya sa mga mata ko, hindi ko alam kung maniniwala ako pero mukhang sincere ang pagkakasabi niya.
"Time na! Sabay na tayo papuntang room."
"Gagamit muna ako ng cr." Sinamahan niya naman ako at nauna siyang pumasok sa cubicle. Habang ako, naghugas muna ng kamay sa sink.
"Itong batang 'to, pinagtanggol 'to ni Antoine kahapon. Kaano ano ka nya?" Mataray na sabi ng nakabunggo ko kahapon. Ang ganda niya pero mukhang hindi kasing ganda ng ugali niya.
"Wala." Maikling sagot ko at yumuko.
"Wala? Pero nakita kitang bumaba ng car niya. Ang bata bata mo pa, ambisyosa ka na?"
Kinabahan ako sa sinabi niya at medyo nasaktan. Crush ko si Antowi, alam 'kong wala naman akong pag-asa sa kanya. Matalino siya, gwapo halos lahat nasa kanya na. Lalo na at ang gusto niya ay ang mga kasing-edad niya. Hindi 'yung batang katulad 'ko, pero ang sakit marinig galing sa iba.
Siguro nasanay lang ako dahil si Ate inaasar ako kay Antowi, hindi naman lahat katulad ni Ate. Makikita ng iba na paslit lang ako na may crush sa malaki ang tanda sa akin.
Umalis na sila at lumabas si Empress.
"Sino 'yun?" Umiling nalang ako.
Natapos ang klase at yakap yakap ko ang libro ng pumunta sa parking lot. Baka andito na ang driver namin, hinanap ko ang kotse namin pero ang nahagip ng mata ko ay ang nakatayong pigura ni Antowi. Tumalikod ako ng makita siya, pero huli na dahil nakita niya ako. Kaya bumalik ako papasok sa school.
Nagmamadali ako at may iilan na tinitignan ako.
"Hindi ba siya 'yung batang inaway ni Trix sa cr kanina?"
Turo sa akin ng mga nadadaanan ko, pero may humatak sa akin. Napahinto ako at hinatak ako ni Antowi papalapit sa mga babaeng nagku-kwentuhan about sa akin.
"Is it true?"
Napanganga ang mga students at wala sa sariling tumango. Hindi siguro sila makapaniwala na kinausap sila ni Antowi na walang pakialam sa mundo.
Hinatak ako ulit ni Antowi papunta sa building nila. Agad na nanlaki ang mga mata 'ko at pilit tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin. Pero wala akong laban.
"Trix." Napatingin sa amin ang mga students sa classroom na iyon. Mukhang ito ang mga kaklase ni Antowi. Ngumiti ng nakakaakit si Trix kay Antoine.
"Yes, Antoine?"
"What did you do to Stats?"
Galit na tono ni Antowi, kinabahan ako ng mapadako ang tingin nung Trix sa akin at kumunot ang noo. Nanlaki ang mata niya at natahimik.
"Please." Bulong ko kay Antowi at pilit tinatanggal ang braso ko sa pagkakahawak niya.
"Apologize to her."
"What?! I didn't do anything to that kid." Naiinis na sabi nung Trix.
"You're old enough to know that mistreating someone is prohibited."
Kinakabahan na nag-sorry sa akin yung Trix at nahihiyang tinalikuran kami. Dinala na ako ni Antowi sa kotse niya. Tahimik lang kami buong byahe pero hindi ko na natiis.
"Thank you. You don't have to do that, tinanong niya lang ako kung kaano ano kita."
"You just tried to ignore me earlier, so my intuition says that she did more than that."
"Pero hindi naman malala--"
"Stop this argument Stats, you deserved an apology for what she did."
Natahimik na ako at tumango.
"Is he courting you?"
Iniisip ko pa kung sino pero hindi ko talaga alam kung sinong tinutukoy niya.
"Your seatmate."
"No!"
"Then why is he bothering you so much." Seryosong sabi niya. Nanlaki ang mata ko, sinabi nga pala ni Van na manood ako ng practice niya.
"He's just asking me to watch his practice in basketball."
"Such a waste of time." Umiiling na sabi niya.
"You don't play basketball?" Napatigil siya.
"No. Why?" He curiously asked.
"Nothing. I just find it weird na meron din palang lalaking hindi mahilig sa basketball."
"Why someone who's playing a basketball is your type?"
"Hindi naman, pero kinda. Since it's cool."
Hindi na siya sumagot at nag-iba ang mood niya. Bago ako bumaba sa tapat ng bahay namin. He said something so confusing to me.
"Whether I'm here on Earth or in the Space. I will always watch my stars from afar."