Chapter 4

2044 Words
“Bakit tulala ka?” Science subject, buti nalang at hindi na si Antowi ang substitute teacher namin ngayon. Naiilang kasi ako dahil baka magalit na naman siya kapag nakitang nag-uusap kami ni Van. Tama nga ako, kinukulit pa din ako nitong katabi ko. “Please, hindi ka ba nadadala Van? Kahapon napagalitan na tayo.” “Hindi mo nga ako sinipot sa practice ko kahapon.” Nagtatampo na sabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin at nagkunwari na nakikinig sa discussion. Wala talaga ako sa sarili ngayon, iniisip ko kasi simula kagabi ang sinabi ni Antowi. Hindi ko alam kung bobo ako o talagang magulo lang ang sinabi niya. "Whether I'm here on Earth or in the Space. I will always watch my stars from afar." What does he mean by that? May sarili ba siyang star sa space? Kaya balak niya pumuntang moon para makita 'yun? Ang literal ko naman, pero ayoko na isipin. Sumasakit lang ang ulo ko. “Halika, Stats. Sabay tayo mag-lunch.” Agad naman tumayo si Van. Natapos na ang klase ng hindi ko man lang namamalayan. “Sabay kami.” Sabi ni Van pero hindi siya pinansin ni Empress, kaya hinatak na ako nito. Sumunod naman si Van, kaya ang ending kaming tatlo ang magkakasama ngayon. Nakaupo kami ni Empress, at si Van ang umorder for us kasi gentleman daw siya. Hindi ko alam minsan kung anong takbo ng utak ni Van. “Antoine is so hot earlier, he even try out in SHS basketball team.” Napabuga ako ng iniinom na tubig sa narinig sa mga students na nasa kabilang lamesa. What? Nagtry out siya sa basketball team? May pa “Such a waste of time” pa siya. “What? Kadiri ka Stats!” Nagulat ako sa reaksyon ni Emp, naibuga ko nga pala ang iniinom ko. “Ano 'bang iniisip mo?” Hindi ko alam kung mago-open up ako sa kanya. Tinignan ko siya ng maigi at mapagkakatiwalaan naman siya. Gusto ko ng mapaglalabasan ng mga gusto ko sabihin. “May crush kasi ako.” “Si Van ba 'yan?” Nang-aasar na sabi niya. “Hindi. Si Antowi.” “Who's that? Don't tell me, 5 years old palang 'yan.” Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako sa naging reaksyon ko. “Glaser.” Nanlaki ang mata niya. “OMG!” Napatili siya at pinagtinginan kami ng mga students dahil sa ingay niya. Agad 'kong tinakpan ang bibig niya. “Malaki ang tanda niya sa atin. Sure ka ba dyan?” Tumango nalang ako at bumuntong hininga. “Kapitbahay namin siya. Doon ko siya nakilala.” “Kamusta? Sinu-sungitan ka lagi noh? Bali balita na masungit daw 'yun. Wala nga daw girlfriend 'yun.” Kumunot ang noo ko. Wala siyang girlfriend? Sino 'yung babaeng pumunta sa bahay nila noong nasira ko ang bike niya? Tsaka masungit? Hindi niya pa naman ako nasusungitan. Nagbulungan ang mga students sa cafeteria ng may pumasok na mukhang sikat. Paglingon ko ay pumasok si Antowi na nakahawak sa bag niya at kasama ang babaeng pumunta sa bahay niya noon. “Hindi niya ba girlfriend 'yung babae?” “Hindi ko alam. Pero sabi daw may gusto si Ate Ady kay Antoine. Wait, bakit Antowi tawag mo kay Antoine? Bulol ka ba?” Natawa siya sa sinabi kaya hinampas ko siya ng hawak 'kong plastic bottle. “Nung una kasi nabulol ako, tapos nacute-an ako edi 'yun nalang tinawag ko sa kanya.” “He didn't mind?” Umiling ako at nanlaki ang mata niya. Napatingin ako sa direksyon nila Antowi, nakangiti 'yung babae habang nagku-kwento ng kung ano kay Antowi na bored na nakatingin sa notes niya. Hindi ba siya kakain? Dumating si Van at madaming dalang foods. Pero napadako ang tingin ko kay Antowi at kay Ady na papunta sa counter. Wala akong galang, bakit Ady lang tawag ko? Naka-kapit si Ady sa braso ni Antowi at nakangiting panay tingin kay Antowi na walang pakialam. “Hey, earth to Louis. Kumain ka na, baka magutom ka.” Kumindat pa ito sa akin at inirapan ko lang. Si Empress naman sinubo kay Van ang buong hotdog. “Manahimik ka nalang Vantot, naiirita na si Stats sayo.” Kumain na kami after that, napadako na naman ang tingin ko sa kanila na nakabalik na sa mesa nila. Nahuli ng mga asul na mata ni Antowi ang tingin ko kaya nanlaki ang mga mata ko at agad na umiwas. Nagpaalam ako kay Empress at Van na mauna na sila sa klase dahil may dadaanan pa ako sa locker ko. Wala sa sarili na naglalakad ako papuntang locker room, nang mabangga ako sa isang pigura na pamilyar sa akin. “Stats.” Boses niya palang parang mapapatalon na ako sa kaba. It's Antowi, nag-angat ako ng tingin sa kanya. He's still wearing that bored look at me. “I have a final try out later, can you come?” Nanlaki ang mga mata ko at may naalala. “Si Van kasi-” “Forget it.” Nilagpasan niya na ako at galit na naglakad paalis. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na sa kanya nalang ako manonood. Bakit kasi napaka-sungit nun. Bumalik na ako sa klase at tumabi na naman sa akin si Van. “Manonood ka mamaya?” Umiling ako at nag-sorry sa kanya. Dahil may kailangan akong samahan mamaya, tumango nalang siya kahit halatang malungkot. “Samahan mo ako, may try out si Antowi.” Hinatak ko na si Antowi sa Gym ng SHS. Naabutan namin ang mga SHS students na nagwarm up na. Ginala ko ang mga mata ko at nakita ko si Antowi na ganoon din ang ginagawa. I never imagine him wearing his jersey, bagay na bagay sa kanya. Kaya ang mga girls kinikilig na nakatingin sa direksyon niya. Kasama doon 'yung Ady. “Oh? Bakit malungkot ka? Nanonood na nga tayo eh.” “Andun 'yung Ady.” Napatingin siya doon pero inaya niya lang ako umupo sa harapan. Naagaw naman namin ang atensyon ni Antowi, napadako ang tingin niya sa amin at kumunot ang noo niya. Lumapit siya sa amin, at napasinghap si Empress sa tabi ko. “Lalapit siya sa atin!” Mahinang bulong nito. Napapatingin na din ang iba sa amin, lalo na nang makalapit na si Antowi sa amin. “You came. I thought you're gonna watch that little boy.” Masungit na sabi niya. “I didn't say that.” Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko kaya agad 'kong tinapik yun paalis. Nag-martsa na siya pabalik sa gitna, si Empress naman halatang shock pa sa nangyayari. “Did he just smile?!” Umiling iling nalang ako. Nagsimula na sila at nung si Antowi na ang nagtry out. Hindi mo aakalain na baguhan lang siya sa basketball dahil ang galing na agad niya, nagtilian naman ang mga babae at nung matapos siya ay agad na bumaba si Ady sa bleachers. Lumapit siya kay Antowi at pinunasan ang pawis nito, nag-offer din siya ng mineral water. Hindi ko nagugustuhan ang nakikita kaya niyaya ko na si Empress paalis doon. “Bakit tayo umalis agad!” Hinatak ko siya at umuwi na kami. Agad kong binagsak ang katawan ko sa kama nang pumasok bigla si Ate Astral sa kwarto ko. “Can I sleep here?” Umupo siya sa kama ko, namumutla siya at parang pagod na pagod. “Masama ba pakiramdam mo Ate? Sabihin mo kay Mom, para magamot ka.” Umiling siya. “Pagod lang siguro sa school. Ikaw anong nangyari bakit ganyan mukha mo?” Humiga ako sa tabi niya at yumakap sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na nagseselos lang naman ako sa crush ko. “About Antoine?” Tumango ako at niyakap niya din ako. “I have a crush on him. Tapos may babae na ang name ay Ady, mukhang may gusto sa kanya. Ate, kasing edad niya 'yun anong laban ko dun.” She removed my eyeglasses and she also look at my eyes. “There, you're more beautiful than her. Don't you dare compare yourself to others, you should love yourself more than anyone.” Ngumiti siya sa akin. “Thank you, Ate.” “Ang sarap naman ng hug mo. Sana palagi kang sweet at showy, katulad ngayon.” Natatawa naman ako sa sinabi niya, there's something wrong on her. Hindi ko alam kung ano pero kailangan ko malaman. I love her so much, higit sa lahat. Siya din ang isa sa mga taong naniniwala sa akin. “Stats, I love calling you that because it sounds like a stars. I know how much you love them, they're fascinating like you.” She kisses my forehead. “Hindi mo alam mas related ang name mo sa atronomy Ate. Baliktad ata tayo.” She just chuckled. “I love you my Stats.” Ngumiti ako ng matamis. “I love you more Ate.” Nakatulog ako sa yakap niya. We should value our siblings so much, sa lahat ng tao sa mundo. Sila yung mas magbibigay ng importance sayo. They're your family, we're so lucky to have them in our lives. My last thoughts before I could finally sleep. “Ready the car! Omg Astral baby!” Nagising ako sa kalampag ng kung ano sa labas ng kwarto ko. Ang ingay sa labas at may naririnig akong sigawan, it's just a nightmare. “Please! Astral baby wake up!” Nakarinig ako ng ambulance mula sa labas ng bahay namin. Anong nangyayari? Nananaginip ba ako ng masama? 'Wag naman sana, ayoko ng mga makatotohanan na nightmare. “Baby, Stats. Your Ate.” Tuluyan na akong nagising sa pagyugyog sa akin ni Mommy. “Mom, what's happening?” Niyakap niya ako ng mahigpit at umiiyak. “Let's go, your ate.” Napatingin ako sa tabi ko at wala doon si Ate. Sobrang kaba ang lumukob sa sistema ko. Hinila na ako pababa ni Mom, naabutan ko na nagkakagulo sa baba. Pinapasok na ang walang malay na katawan ni Ate sa ambulance sumunod na si Mom at Dad sa loob. Para alalayan si Ate. Anong nangyayari? Bakit andito sila Lolo at Lola? Bakit sila umiiyak, bakit umiiyak sila manang? Agad akong tumakbo palabas ng bahay, tinanaw ang papaalis na ambulansya. Naguguluhan pa din ako. Hindi 'to nangyayari. Sana magising na ako, sana hindi 'to totoo lahat. Napatingin ako sa langit, sobrang dilim, at maraming bituin. Nakita ko ang pamilya ng Glaser, lumapit sila sa akin. Lumabas si Antowi na nakapajamas, nakatayo lang ako sa labas. Nakatulala, tinititigan ang daan na tinahak ng ambulansya. Agad na naramdaman ko ang presensya ni Antowi sa tabi ko at agad akong kinulong sa yakap niya. “Sssh. Cry all you want, I'm here. Everything will be alright.” Doon nagsimula pumatak ang mga luha ko. Sunod sunod ang agos nito, nag-uunahan at walang balak tumigil. “Stats, I love calling you that because it sounds like a stars. I know how much you love them, they're fascinating like you.” Lalo akong napahagulgol nang maalala ang linya na 'yun. Ate, anong nangyayari? Naguguluhan ako, iiwan mo na ba kami? Iiwan mo na ba ako? Hinagod ni Antowi ang likod ko at pilit na inaalo ang aking kalungkutan. Hindi ko kaya 'to, hindi ko kayang mawalan ng pamilya. “Astral, has a heart disease since she was a child. Tinago nila kay Stats, kasi 'yun din ang gusto ng Ate niya. Mas lumala na ngayon yung atake ng sakit niya.” Narinig kong sabi ni Lola sa Mom ni Antowi. Bakit tinago nila? Edi sana sinulit ko yung mga panahon na sana nagba-bonding kami. Pero okay lang, gagaling si Ate. Magagawa pa namin lahat ng 'yun. Ayoko, ayokong mawala si Ate. Please, ayoko. Bumitaw ako kay Antowi at tumakbo. “Stats!” Sigaw nila pero wala akong pinakinggan. Dinala ako ng mga paa ko papunta sa lugar kung saan niya pininta ang unang larawan ko. Fireflies, starry night. All reminds me of Ate. Umupo ako doon at umiyak ng umiyak hindi ko kaya please 'wag ngayon. Tumabi sa akin ang pamilyar na may-ari ng pabango. Si Antowi, nakatingin siya sa mga stars. “Don't lose hope Stats, she will be fine.” Hindi ako sumagot dahil gulong gulo ang isip ko ngayon. Hindi pa totally nagsink-in sa utak ko ang nangyayari. “I usually based on scientific studies, especially that I'm dreaming to be an astronaut someday. But my lola said, If someone will be leaving this planet. They will become one of the stars in the night sky.” I look at him and he smiled at me. He touches my face and wiped my tears away. “But for now, think positive. She will be fine. I know you love her so much, she will never forget that while she's fighting for her life right now.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD