Chapter 5

2147 Words
“Umuwi ka muna. It's been three days, hindi magugustuhan ng Ate mo kapag absent ka palagi.” Tinitigan ko ang walang malay na katawan ni Ate sa hospital bed. Maputla ang labi niya at bakas sa mukha niya ang panghihina. Ilang araw na din itong walang malay. Kinumbinsi ako ulit ni Mommy na umuwi na muna kaya iyon ang ginawa ko. Tinahak ko ang kwarto ko at naalala ang mga araw na natutulog siya sa kama ko. Binagsak ko ang katawan sa kama at pumikit ng mariin, kailan ka ba gigising Ate? Tumulo ang luha ko dahil sa sobrang kalungkutan na nararamdaman. I can't lose her. I love her so much. Nakatulog ako at nang magising ay hapon na. Bumaba ako at naabutan si Manang na nagluluto ng hapunan. It felt really different, sobrang gloomy ng mood dito sa bahay. Lahat kami, nasasaktan sa nangyari. Ate is always cheerful, palaging siya ang nag-iingay dito sa bahay. I ate my dinner, pero nakakailang subo palang ako ay wala na akong gana. Lumabas ako sa garden namin at umupo doon, hinawakan ang mga sunflower ko na si Manang ang nag-aalaga sa ngayon. Eventhough, you're allergic to Sunflowers. Hinayaan mo ako magtanim dito kasi alam mong gusto ko sila. You're the best, Ate. I still need you, stay with us. Bumukas ang gate nila Antowi, agad akong nagpahid ng luha dahil tanaw lang nila ang bakuran namin. Lumabas si Antowi doon at nilapitan ako. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala, pero nginitian ko lang siya. “How's school?” Kumunot ang noo niya. “It's fine.” Natahimik kami saglit at bigla siyang nagsalita. “Can we go to fireflies forest?” He smiled at me. “Fireflies forest? Name ba 'yun nung gubat na 'yun?” “No, I just made it.” Ngumiti siya at inaya nga ako papunta doon. “We'll going to watch something that will surely lit up your mood.” Sumunod ako sa kanya at naglakad na nga kami papunta doon. Tahimik ang gabi, madilim pero may mga kaunting ilaw sa mga poste sa bawat dinadaanan namin. Sapat na para maaninag ang daan, ang buwan ang siyang mas nagbibigay ng ilaw sa amin. “Look how fascinating the moon is.” Huminto kami sa paglalakad at tinitigan ito. “Someday, you will step your feet into the surface of the moon. Claim it.” Ngumiti ako sa kanya na nagpangiti din sa kanya. “I claim it.” Nakarating kami sa tinatawag ni Antowi na Fireflies forest, parang mahalaga na ang lugar na ito sa akin. Simula nung pumunta kami dito ni Ate Astral at simula nung dinadala ako ni Antowi dito. “Anong gagawin natin dito?” Kunot noong tanong ko sa kanya. “We just have to watch something.” Nilabas niya ang phone niya at nagsimula ng countdown in 30 minutes. Ngayon ko lang nakita ang phone niya dahil mukhang hindi siya mahilig dito. “Do you have a social media accounts?” “None.” “Kahit f*******:? i********: or Twitter?” Umiling lang siya at napanganga ako, grabe tao ka ba Antowi? “Why?” “Hmm. I find it boring and a waste of time. I find it inappropriate to be more open on your virtual friends. You should focus on your real life, they won't do anything good to you. Just my opinion, the more you let people in, the more they dig deeper to judge you and make you feel unworthy.” Napatango ako sa sinabi niya, hindi ko naisip 'yun. It's just his opinion pero parang ang lalim ng ibig sabihin. I agree, kapag nagpost ka ng kung ano sa social media, hahanapan nila ng mali 'yun at sisirain ang confidence na meron ka. They will judge you because they didn't see the real you. They just know your virtual identity, hindi nila alam kung ano ka talaga sa totoong mundo. “I have those. I will just limit my posts from now on.” Tumango siya sa akin. “Let's ask each other different questions while waiting?” Suhestyon ko. “Sure.” “How many girlfriends did you have?” Nakakahiya 'yung tanong ko pero na-curious ako. “I never had a girlfriend.” Grabe, hindi man lang ba siya na-attract sa mga kasing edad niya? Ang gaganda kaya nila, kahit nakakalungkot, maganda din 'yung Ady. “It's my turn, can you see me as an astronaut someday?” Kumunot naman ang noo ko. “Bakit tungkol sayo 'yung tanong mo? Andaya naman nito.” “Please, I just wanted to feel confident.” He chuckled. “Hindi ka pa ba confident sa talino na meron ka?” “Not yet.” Ngumisi siya at inirapan ko nalang ito. Umayos ako ng upo at hinarap siya. “Actually, Oo. Nakikita ko kung gaano ka ka-passionate pagdating sa goal mo sa buhay. You'll be the Filipino Version of Neil Armstrong. You will get to experience “That's one small step for man, one giant leap for mankind,” Napangiti siya at napatingin sa moon, kitang kita ko ang kasiyahan sa mukha at mga mata niya. Matatapos na ang countdown. 10,9,8,7,6,5,4,3,2,1. Nagulat ako sa meteor shower sa langit, hindi ko alam na may ganito ngayon. Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Antowi. Napayakap ako kay Antowi sa tuwa, napatawa naman siya at hinagod ang likod ko. Bumitaw ako sa kanya at muling tinignan ang meteor shower. “Make a wish.” He said, I immediately closed my eyes. Make my Ate stay with us. Make Antowi's dream come true. Dumilat ako at muling tinignan ang meteor shower. “You deserve it Stats, you deserve to see the beautiful side of our life. It's not always a downfalls, you will get to see the glimpse of light eventually.” Tumatak sa utak ko ang mga sinabi niya, sa murang edad namin. Marami siyang mga bagay na magdudulot sayo ng maraming learnings in life. I salute this man, I salute this future Astronaut. “I missed you, Stats!” Niyakap ako ni Empress ng mahigpit. Tatlong araw din akong hindi nakapasok dahil nga sa nangyari. “Nabalitaan namin ang nangyari, she will be fine.” Ngayon ko lang nakita na ganoon ka-seryoso si Van. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Nginitian ko lang siya. Matapos ang klase ay nagpasama sila Empress at Van na dalawin namin si Ate sa hospital kahit na dapat ay uuwi muna ako sa bahay, dumiretso kami doon kahit naka-uniform pa. Pumasok kami sa room ni Ate at naabutan sila Mom na natutulog habang nakayuko sa kama ni Ate. Ganoon pa rin ito tulad kahapon, walang malay at maputla. Naaawa ako sa kalagayan niya, kung pwede lang na ako nalang. Masyadong mabuti si Ate at marami pa siyang plano sa buhay. “I'm sorry, Stats.” Naluluha din si Empress nang makit si Ate, niyakap niya ako at habang si Van naman ay hinahagod ang likuran naming dalawa. Bandang alas otso ng mapag-desisyunan namin umuwi na. Hindi ako kumain ng dinner dahil wala talaga akong gana. Sobrang lungkot ng bahay, hindi ko kayang tumira sa ganito. Nagbihis lang ako ng pantulog at sumilip sa bintana. Tanaw mula rito ang mga ilaw ng bituin at buwan. Hindi ko alam kung mayroong scientic studies ang ganitong comfort kapag nakatingin ka sa stars and moon. Kahit sino siguro na masama ang mood ay gagaan ang loob pag nakakita ka ng ganyan kagandang langit. Napadako ang tingin ko sa bintana ni Antowi, tulog na kaya siya? Nasagot ang tanong ko nang biglang may nagbukas ng bintana ng kwarto niya. It's him, he's yawning at halatang kagagaling lang sa pagbabasa or pag-aaral dahil nakasalamin pa ito. He saw me and he immediately smile. Sana palagi kang nakangiti ng ganyan, hindi ka sana pinagkakamalan na masungit. Umalis siya ng bintana at nagdala ulit ng notebook at marker. Tinitigan niya ako sa mga mata, bumilis ang t***k ng puso ko dahil dun. Nagsulat siya ng kung ano sa notebook niya at inangat 'yun. “TAKE ME TO THE MOON.” Yaan ang nakasulat doon, kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung anong gusto niya iparating. Kaya agad akong kumuha ng notebook at nagsulat din doon. “YOU'RE THE FUTURE ASTRONAUT, YOU'RE THE WHO SHOULD TAKE ME TO THE MOON.” Nung nabasa niya ito ay ngumisi siya at nagsulat ulit. “IT'S NOT SAFE FOR YOU TO GO THERE. CAN YOU TAKE ME TO YOUR HAPPY PLACE?” Ngumiti siya, nagsulat din ako. “YOU MEAN, FIREFLIES FOREST?” “IS IT YOUR HAPPY PLACE?” Sagot niya. Tumango ako, sinenyasan niya akong bumaba pero kumunot lang ang noo ko. Bumaba siya, at sumenyas mula sa baba na bumaba ako. Sumakay sa kotse niya, at ini-start iyon. Agad akong bumaba at pumunta sa kotse niya. Pumasok ako without knowing kung saan kami pupunta ngayon. “It's already 11 pm, saan tayo pupunta?” “Where's your favorite place with your Ate?” Nalungkot ako nang maalala ang kalagayan ni Ate. “Hey, let's hunt some happiness. Shall we?” “Peryahan.” Maikling sagot ko. “Let's go hunting. Are you ready?” Maybe he's trying to make me happy, funny how he used the word hunting for searching a way to find my happiness in the middle of chaos. I'm like a kid who doesn't pretty well understand how to handle this things going on. Nakarating kami sa peryahan at agad na sumilay ang ngiti sa mukha ko. I'm still a kid who find a simple place like this amusing. Nagtingin tingin kami sa mga palaruan doon at nahagip ng paningin ko ang nakasabit na barney stuff toy sa isang palaruan. Maybe it is the prize. Tinuro ko iyon kay Antowi at pumunta kami doon. Yung laro ay kailangan pukulin mo ng maliit na bola ang mga lata na gumagalaw. Atleast 5 beses mo ito mapatumba may prize na iyon. “I want to get that barney stuff toy.” Sobrang cute niya gustong gusto ko siya makuha. “He's a gay, right?” Tumalim ang tingin ko sa kanya at napatawa naman siya sa ginawa ko. Nagtaas siya ng kamay bilang pag-surrender. “Fine, I will get her for you.” “Him.” I said, natawa siya. “I will get HIM for you.” Nakangisi pa ito bago magsimula. Naka-sampung pukol na siya sa mga lata pero wala pa siyang napapatumba kahit isa. “Fuck.” Mahinang asik niya kaya nanlaki ang mata ko. “No, I mean.” Parang nataranta siya at bumuntong hininga, nag-try ulit siya. Sa 20 times na pag-try nya, finally nakuha na namin si Barney. “I love you. You love me, let's go out and kill barney. With a big bang bang, barney on the floor, no more--” Hinampas ko sa kanya si Barney kaya napangiwi siya. “Itutuloy mo pa?” Umiling na siya at ngumuso. Ang cute mo, Antowi. 'Wag kang ganyan. Ikaw gagawin 'kong life size stuff toy sa kwarto ko. Sige ka. Nakarating na kami sa tapat ng bahay namin. Hininto niya lang ang kotse at hinarap ako. “Can you wait for me here?” Kumunot ang noo ko, hindi pa ba kami papasok sa mga bahay namin? “Saan tayo pupunta?” Hindi siya sumagot at nagmamadaling pumasok sa bahay nila. Minutes had passed, bumaba siya dala dala ang maliit na picnic blanket at nakabalot ito sa isang bagay na hindi ko alam kung ano. Naglakad kami papunta sa dulo ng village at tama nga ang hinala ko. Mukhang sa Fireflies forest kami ulit pupunta. “May meteor shower ba ulit?” Yakap yakap ko si Barney sa bisig ko. Umiling siya at umupo na kami sa blanket na nilatag niya. It's a telescope, omg. Ngayon lang ako nakakita nun. “We will see the stars and moon using this.” Napanganga ako at inayos niya na 'yun. “Here, I want to teach you on how to use this. First, point this telescope at the Moon. We should focus the eyelense and position the camera lense at the eyepiece. We should make sure that it's not tilted. It may caused a distortions.” Pinasilip niya ako doon at namangha ako sa itsura ng Moon. “It reveals the countless craters, rills and mountains of Moon right?” Natapango ako sa sinabi niya sa sobrang ganda nito. Kakaiba siya sa malapitan parang malubak na kulay grey. Ang ganda niya, nakakainlove. Baka Moon ang first love nitong si Antowi. “Can I see also the stars?” I asked him. Tumango siya at umatras na muna ako, inayos niya ito at hinayaan ako makita ulit iyon. Sumilip ako sa lense nito at na-amazed ako sa nakikita. “You can see a lot of stars right? But it's not that clear because you can see them double or multiple instead of single star, they're all actually placed closely to each other that's why it still appears dot like to your eyes.” It's true, ganoon nga ang nakikita ko. Magkakatabi ang iba at dot pa din siya sa paningin ko. Pero mas maganda sila tignan sa view ng telescope. Nakakatuwa, I get to experience these things because of him. I don't need to be an astronaut, because Antowi already showered me with lots of astronomical terms and facts. “Thank you, Antowi.” Ngumiti lang siya at nagpatuloy kami sa panonood sa mga bituin at buwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD