Chapter 6

2417 Words
“Seriously? He's so sweet!” Matapos ko i-kwento kay Empress 'yung nangyari kagabi. Masyado akong na-excite na may mapaglabasan ng nararamdaman ko kaya nai-kwento ko sa kanya. “Yes, medyo gumaan nga ang loob ko dahil dun.” Kinikilig naman siya na hinampas ako ng mahina. “He's really handsome. Lahat ata ng girls dito may gusto sa kanya, kaso 'yun nga sinusungitan niya. Pero sayo ang bait niya.” Sinimangutan niya ako pero bumalik na naman ang expression niyang kinikilig. “Maybe he's just being a brother to me.” “I don't think so.” Sasagot pa sana ako sa huling sinabi niya pero pumasok na ang teacher namin sa subject na 'yun. Walang klase mamaya sa ibang subject dahil manonood kami ng basketball mamaya. Ngayon na gaganapin ang first day ng intramurals, gusto ko panoorin pareho sila Van at si Antowi. Kaya sana hindi sabay ang laban nila. Matapos ang lunch break dumiretso na kami sa gym, required na manood kami ng laban ng batch namin dahil may attendance ito. Laban na ni Antowi with Grade 11 kaya nanghihinayang ako na hindi ako nakapanood. “Gusto mo takas tayo?” Suhestyon ni Empress pero umiling ako. Ayaw ko naman na mahuli kami tapos ang rason namin ay gusto lang naming manood sa SHS, baka sabihin ang bata bata pa namin ay ganoon na kami umasta. Natapos ang laban ng Grade 7 at kami ang nanalo against sa ibang level, hindi naman sa pagmamayabang pero matatangkad ang mga representative ng Grade 7. Halos abutan na nila ang height ng SHS. Natapos na ang laban kaya lumapit sa amin si Van at inabutan ko siya ng tubig. “Galing ko noh?” Inirapan naman si Empress dahilan para taasan siya ng kilay ni Van. “Crush mo siguro ako? Panay react ka dyan hindi naman ikaw kausap ko.” Lalong nagngitngit si Empress sa galit kaya akmang babatukan niya ito pero hinila ako ni Van para ipang-harang. “Inaaway ako Louis oh!” Natawa nalang ako sa dalawa, parang mga isip bata talaga. Sakto naman na nakahawak si Van sa mga braso ko mula sa likod ay pumasok ang basketball team ng Grade 12. Natanaw ko si Antowi na pumasok ng gym, pawis na pawis at may hawak na mineral water. Ang gwapo niya pa din, hindi ko akalain na naglalaro na siya. Nilibot niya ang paningin at nung makita ako ay agad siyang ngumiti. Nagtilian ang mga babae sa katabi ko, ako ba ang nginingitian niya o may ibang nasa likod ko? Nalipat ang tingin niya sa mga kamay ni Van na naka-kapit sa braso ko. Biglang nag-iba ang mood niya, matalim niyang tinititigan si Van pagkatapos ay umiwas sa amin ng tingin. Pinabalik na si Van ng coach nila kaya natahimik na si Empress sa tabi ko. “Andyan na pala si Antoine, bakit mukhang badtrip ata?” Salubong nga ang kilay nito, kung masungit ito sa normal na araw ay mas lumala ngayon. Ni hindi siya umiimik sa mga kasama. Nagsimula na ang laro at naging mainit ang laban. Bukod sa matangkad ang mga ka-batch ko mas maliksi sila sa Grade 12. Kahit matangkad ang mga SHS, mahirap din lusutan ang bantay ng Grade 7. Pansin ang pagka-focus ni Antowi sa laban, tuwing hawak ni Van ang bola ay ginagawan niya ito ng paraan para maagaw kaya naghihiyawan ang mga students sa moves niya. Time out, lumapit sa amin si Van. Hiningian niya ako ng mineral water pero nakatitig lang ako sa pwesto ni Antowi. Napalingon siya sa gawi ko, matalim niya akong tinignan nang kuhain ni Van ang hawak 'kong tubig. “Thanks.” Bumalik na si Van sa court at mas lalo pang tumindi ang laban. Lamang ang batch namin ng 5 puntos. Kaya todo ang pagbawi ng Grade 12 sa natitirang ilang minuto ng laro. Nagkaroon ng score ang Grade 12 kaya tatlo nalang ang lamang ng Grade 7. Nagkaroon pa ulit sila ng 3 points kaya umingay ang crowd ng pantay na ang puntos ng dalawang panig. Seconds nalang ang natitira, hawak ni Van ang bola. Agad na inagaw ni Antowi iyon at mabilis na shinoot, napatayo ako at sumigaw sa tuwa nang ma-shoot iyon at 3 points pa. “Go Antowi!” Sigaw ko. Napadako ang tingin ni Antowi sa direksyon ko at nginitian ako. Nanlaki ang mata ng mga students at nagtilian. Sobrang gwapo niya pag nakangiti, right? Umupo na ako sa kahihiyan. Ngayon lang ata ako sumigaw ng ganoong kalakas. Natapos ang laro at nanalo ang Grade 12, masaya ako dahil nanalo si Antowi. Nakakahiya at hindi ko man lang chineer ang ka-batch ko. Akmang lalapit sa akin si Van, pero agad na lumapit sa akin si Antowi. “Let's go.” Nagpaalam na ako sa kanila at agad na sumunod na kay Antowi. Marami ang bumati sa kanya habang naglalakad kami pero tinatanguan niya lang ang mga ito. Tahimik kami sa loob ng kotse niya. “Do you like him?” Kumunot ang noo ko at hindi maintindihan kung sino ang tinutukoy niya. “Donovan.” Dugtong niya at doon ko lang naintindihan ang sinasabi niya. “Yes, as a friend.” Hindi na siya sumagot at nag-focus nalang sa pagmamaneho. Naka-receive ako ng text mula kay Mom akala ko ay tungkol ito kay Ate. From: Mom Send my birthday greetings to Antoine. I can't greet him, nagbabantay ako sa Ate mo. Nanlaki ang mata ko. Birthday ni Antoine ngayon? July 23? “What's wrong?” He asked. “Anong comfort food mo?” “Huh? Why?” “Just answer it!” “Pizza.” Tumango ako at nakiusap sa kanya na pumunta kami sa mataas na lugar kung saan kita namin ang buildings na maraming ilaw sa gabi. Nagtataka man ay sinunod niya ako. Pinauna ko siya dahil may plano akong gawin, sa baba kasi bago umakyat ay maraming stores na madadaanan. “What? Can I just wait for you here? What if there's someone who try to hurt you?” “No, safe dito. Please?” He sighed at pumayag na. Nauna na siya dahil konti lang naman ang lalakarin at nandoon na kami sa taas. Nagtingin tingin ako ng mga paninda doon. Dumaan muna ako sa bilihan ng Pizza, nagpaluto ako then lumabas para bumili ng candle. Wala man lang akong regalo sa kanya. May nadaanan akong matanda na nagtitinda ng kung ano anong accessories na medyo vintage ang style. “Pili ka na Iha.” Namili ako at nahagip ng mga mata ko ang isang kuwintas na mayroong pendant na full moon. Bibira ang ganitong kwintas dahil kadalasan ay half moon lang ang makikita. “Bihira ang ganyang kwintas Iha. Kapag natapatan 'yan ng liwanag ng buwan, nagiging kulay asul siya.” Namangha ako, at sinubukan ko nga at naging kulay asul ito. Naalala ko ang mga mata niyang kulay asul. Hindi ako nagdalawang isip at agad na binili iyon. Kumuha ako ng aking post it notes, it's kinda girly pero hayaan na. I just wrote “Happy Birthday future astronaut, take me to the infinite space.” Umakyat na ako at naabutan siyang nakaupo at nakatitig sa buwan. It's full moon at ang ganda niya. Lumapit ako sa kanya at inilapag ang Pizza sa harapan naming dalawa. Nanlaki ang mata niya noong buksan ko ito, inilagay ko ang kandila sa gitna at sinindihan iyon. “Happy Birthday to you. Happy Birthday, Happy Birthday. Happy Birthday Antowi.” Napangiti siya sa pagkanta ko ng marahan sa kanya. “Make a wish, Antowi.” Ngumiti siya at pinikit ang mga mata. Ang mahahabang pilik mata ay nakakainggit, parang mas maganda pa ito kaysa sa sarili 'kong pilik mata. Dumilat siya at hinipan ang kandila. “Sorry 'yan lang ang napaghandaan ko. Hindi ko din kasi alam na birthday mo pala ngayon.” “It's fine. I didn't remember actually. I'm so stressed with basketball, I will never play it again.” Napatawa ako sa kanya at kumain nalang kami ng Pizza. Sino ba nagsabi sa kanya na sumali siya? Sa sobrang talino mo ata, Antowi nasisiraan ka na. “I have something for you.” Agad siyang napatingin sa akin at mukhang excited sa ibibigay ko sa kanya. “Here.” Inabot ko sa kanya ang kwintas, nakakahiya wala man lang itong gift wrapper or box. May girly pa na post-it note. “Take me to the infinite space.” Pagbasa niya sa notes at ngumiti siya ng malawak ng makita ang kwintas na may pendat na full moon. Inangat niya ito sa ere at nag-reflect agad ang ilaw ng buwan sa kwintas. Nanlaki ang mata niya nang makita naging kulay asul ito. “Sabi ng matanda sa baba, ganyan daw siya nagiiba ng kulay pag napatapat sa moonlight. It's very rare and you deserve to have it future Astronaut.” Napangiti siya at agad na sinuot 'yun. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. “Thank you, Stats. It really means a lot to me. I will take this necklace with me to the infinite space.” Take that necklace with you, Antowi. Because that necklace also represents how I adore you. “Happy Birthday, Antowi. You deserve to reach your goals in the future.” “Thank you for believing in me, Stats.” Ngumiti siya at alam 'kong punong puno iyon ng sincerity. Your happiness is also my happiness, Antowi. Umuwi na kami at pagkababa ko sa tapat ng bahay ay agad akong natanaw ng Mom ni Antowi. Inaaya niya akong kumain sa kanila dahil birthday ni Antowi. Pumasok ako at naabutan sa mesa ang babaeng naghahanap sa kanya noong naaksidente ako sa bike niya, it's Ady. Close pala siya sa family ni Antowi? Parang may kung anong kumirot sa puso ko. Umupo ako sa bakanteng upuan, pinaupo naman si Antowi sa tabi nung Ady. Bagay na bagay sila. “Happy Birthday Antoine!” Matamis na ngumiti si Ady kay Antoine. Inabot nito ang box na regalo niya, nakakahiya ang ganda nung kanya samantalang 'yung akin. “Wow, you're so sweet Ady! Say your thank you Antoine!” Bored na sumunod siya sa Mommy niya at nag-thank you kay Ady. Kumain na kami at akmang kukuha palang ako ng pagkain, agad na nauna si Ady at pinauna ko nalang siya. Napatingin naman si Antowi, nagsandok si Antowi ng ibang putahe at inilagay sa plate ko. “This is my Mom's best dishes. I hope you like it.” Nakangiti nitong sabi at sinandukan niya pa ako ng ibang pagkain. Natahimik ang Mom and Dad niya pati si Ady, nasa aming dalawa ang atensyon nila kaya namula ang pisngi ko sa kahihiyan. “Oh yes, Stats. I hope you like it.” Nginitian ko ang Mom niya at bumalik na sila sa pag-uusap. “Antoine will take up Civil Engineering in college. What about you Ady?” Nakangiting tanong ni Mrs. Glaser, habang ako naman ay napa-kunot ang noo. “Aeronautical Engineering, Mom.” Pagtatama naman ni Antowi. “Still wanting to become an astronaut?” Parang natatawang sabi ni Ady, ang offensive naman ata nun. We can be whatever we want to be. Akmang sasagot si Antowi pero sumabat ako habang inaayos ang pagkain sa plate ko. “There's nothing wrong with that. We can be whatever we want to be.” Nanlaki naman ang mga mata ni Ady sa pagsabat ko. “What? It's kinda childish. So I can see that you seems to like the idea since you're still a kid.” She said. “Don't you think? Belittling someone's capabilities and dreams is the childish one? Why? Because it doesn't seems to meet your standards in creating the ideal guy in your mind? In creating the ideal characteristics of Antowi?” Malamig na tinitigan ko siya sa mga mata niya. Bakas ang inis sa mukha niya, tumayo ako at tinignan silang lahat. Antowi is smirking, his Mom is still shock and his Dad is also smirking. “Thank you for inviting me. I gotta go.” Umalis na ako, yes I'm still a kid. But I know how things works. Sumunod sa akin si Antowi. “Happy place?” Tumango ako at pumunta na kami sa Fireflies forest. Umupo kami habang nakatitig sa langit. “I can stand on my own feet earlier. I can defend my own dreams, but being defended by someone because she believes in you is something I would really love to have. Thank you, you amazed me. Indeed you're a smart barney lover.” He chuckled when I rolled my eyes at him. He's back, the president of his fanclub “Haters of Barney”. “Atleast this barney lover is not narrow-minded.” “Damn right.” And we both laugh when we remembered the scene earlier. I look at his necklace, it perfectly suits him. It was made for him. Nagising ako sa ingay mula sa baba, umakyat din si Manang at Dad sa kwarto ko. Umiiyak si Manang at si Dad ay paluha na, namumula ang mga mata niya. Anong nangyayari? Kinakabahan ako sa itsura nila. “Wake up Stats, we need to go to the hospital. Astral is in critical condition.” Pagkasabi ni Dad noon ay parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa sobrang sakit ng puso ko. Agad kaming pumuntang hospital, naabutan namin na nagkakagulo ang mga doctor at nurse. Dinala nila si Ate sa ER, lumabas si Mom sa room ni Ate na todo ang hagulgol. Napatulala ako sa mga nangyayari, napaluhod si Mom sa sobrang iyak agad akong lumuhod para ilalayan siya. Nanlabo ang paningin ko sa luhang nagsisimula nang mag-unahan sa pagtulo. Ate, 'wag mo kami iiwan please. “Ang Ate Astral mo, Stats. Hindi ko kaya.” Sobrang iyak na ang ginagawa ni Mom, nataranta ako nang mawalan si Mom ng malay agad kaming dinaluhan ni Dad at ng mga nurse. Hiniga nila si Mom at pinagpahinga na muna. Ilang oras ang dumaan, alas dos na ng madaling araw. Sobrang pula ng mga mata ko kakaiyak. Nagising si Mom, at agad niyang hinanap si Ate. Lumabas kami at naghintay sa labas ng ER. Lumabas ang doctor na puno ng disappointment ang mukha. Mas lalo akong kinabahan sa resulta. Please 'wag muna. “Your daughter is in critical condition, we did our best to lessen the pain she's experiencing right now. There's a big possibility that if she'll stay here, we couldn't save her. I advice you to bring her to States, they probably make her heart strengthen.” Hindi nagdalawang isip sila Mom na mag-book ng flight at sinama nila ako. Hindi daw ako maaaring malayo sa kanila, gusto ko din samahan si Ate sa paggaling niya. When I step my feet for the first time in the States, I suddenly remember Antowi. When will I see you again? Or will I ever see you again? If not, it's fine. I will just stare at the moon every night. Wishing you were having a great time travelling to the Moon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD