Chapter 7

2016 Words
“She's still in critical condition. She need to undergo several tests.” Nanlumo kami sa narinig na sinabi ng Doctor. Kinakabahan ako sa mangyayari, bubuti pa kaya ang lagay ni Ate? Bakit ang aga naman niya malagay sa ganitong sitwasyon? Habang abala pa din sila Mom sa pagaasikaso kay Ate, napagdesisyunan ko na tumigil na muna sa pag-aaral. Maaaring makadagdag ako sa gastusin ng pagpapagamot kay Ate. “Sigurado ka ba sa desisyon mo Stats? Gagawan naman namin ng Dad mo ng paraan kung sakaling gusto mo ipagpatuloy ang pag-aaral mo dito. Pwede na din ibenta ang bahay natin sa Phili--” “Please 'wag Mom, okay na ako sa desisyon ko. 'Wag nyo lang pong ibenta ang bahay natin.” Tumango sila at nagsimula na si Mom na humiga sa couch ng room ni Ate. Habang si Dad ay nagaasikaso ng lilipatan naming bahay dito sa States. Hinayaan ko muna si Mom na makatulog at ako na muna ang magbabantay kay Ate. Nakapatay na ang ilaw dito sa kwarto niya sa hospital, ang bintana ay tanaw mula sa labas ang buwan. Nagreflect sa kama ni Ate ang ilaw nito. Agad akong lumapit sa bintana at inimagine ang sariling kwarto sa Pilipinas. Inaalala ko 'yung mga panahon na tanaw ko mula sa bintana ng kwarto ko ang bintana ni Antowi. I miss him. Sana magaan ang pakiramdam ko ngayon kung nakikita ko ang Fireflies forest kasama si Antowi. Sana hindi nalang nangyari lahat ng 'to, nahihirapan akong makita ang kalagayan ni Ate. Muli akong napatingin sa mga stars, lalo na ang buwan. Magkikita pa kaya tayo Antowi? Sana matupad mo lahat ng pangarap mo. Lumipas ang halos isang taon, nakakapagsalita na si Ate. Pero hindi pa din siya lumalakas, mahina pa din ang katawan niya. “Nami-miss mo na siguro si Antoine noh?” Nahihirapan na sabi ni Ate. “Hindi ah.” Ang maputla niyang mga labi ay nangaasar na ngumisi sa akin. “I know kayo ang para sa isa't isa. Kung hindi dahil sa akin, edi sana kasama mo siya ngayon.” “Ate, 'wag mo sabihin 'yan. Ang bata bata ko pa nirereto mo na ako sa iba. Tsaka wala kang kasalanan, walang may gusto na magkasakit sila. Magpakagaling ka, promise sasama na ako sa mga lakad mo.” “Talaga? Pero kahit hindi na ako gumaling. Let yourself free, Stats. 'Wag mo hayaan na diktahan ng iba ang galaw mo. 'Wag mo hayaan ang ibang tao na i-judge ka. Hayaan mo silang magsalita ng kung ano ano, mas mahalaga ang mga taong naniniwala sayo.” Napaluha ako at niyakap siya. I know na sinabi niya 'yun, dahil 'yun ang totoo. Kaya ako mahiyain, introvert. Dahil ayokong ma-judge ako ng ibang tao sa kilos ko. She's right, I should ignore them. Who cares? “Gagaling ka.” Ngumiti lang siya sa akin. Isang taon pa ang lumipas, lalong lumalala ang kalagayan ni Ate. Hindi niya na kayang magpa-heart transplant, hindi kaya ng katawan niya. Grade 7 ako ulit, at malapit na mag-grade 8. Hindi ko alam pero nawawalan ako ng gana sa lahat. “Stats! Please pumunta ka dito sa Hospital. Your Ate Astral is looking for you!” Naka-receive ako ng call galing kay Mom agad akong umalis sa klase ko at nagpa-excuse. Halos takbuhin ko na ang pagpasok sa hospital. Sa sobrang bagal ng elevator, gumamit ako ng hagdan. Wala akong ibang iniisip kung hindi si Ate. Hingal na hingal na ako sa pagtakbo, gusto ko umiyak pero walang lumalabas na luha mula sa mga mata ko. “Ate!” Sigaw ko pagpasok na pagpasok ko sa kwarto niya. Hirap na hirap na siya huminga. Nasa loob ang mga Nurse at Doctor. Binuka niya ang mga braso niya at agad ko siyang niyakap. “Be happy, my Stats.” The moment she said that, lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Nawalan ng hininga, nakarinig ako ng hagulgol ni Mom. Nabibingi ako sa mga nagkakagulong Nurse at Doctor. Lumayo ako saglit at tinignan si Ate. Malala na ang pagkakaputla ng kanyang mukha at labi. Walang buhay ko itong niyayakap. “Time of Death 9:36 am.” Doon nagsimula magbagsakan ang mga luhang kanina ko pa tinatago. Doon ko na-realize na kapag nawalan ka ng isa sa mga mahal mo sa buhay. Parang binawasan ka ng rason para mabuhay. “Ate! No! Sabi mo papagaling ka! Wake up!” Kahit anong alog ko sa kanya, kahit anong gising ko sa kanya. Hindi niya na muling idinilat ang mga mata niya para masilayan ang mundo. Napagdesisyunan nila Dad na sa Pilipinas na ilibing ang katawan ni Ate. Kaya bumalik kami sa Pilipinas para doon. Hindi ko pa din matanggap, sobrang bilis. Nawalan na naman ako ng rason para maging masaya. Hinawakan ko ang kanyang puntod at nilapag doon ang mga bulaklak. “Ang daya mo Ate, nangiiwan ka. Pero gagawin ko lahat ng bilin mo sa akin. Kung naririnig mo man ako, gusto ko malaman mo na ikaw ang pinaka the best na Ate. Hindi ko nga alam kung paano ako mabubuhay na wala ka sa tabi ko, 'yung magkakaroon ako ng first date tapos ikaw yung tutulong sa akin mamili ng damit. Akala ko mangyayari ang lahat ng iyon. Pero ang mahalaga tapos na ang paghihirap mo, be happy Ate. I will also be happy. I love you so much.” Tumulo ang mga luha ko sa puntod niya, at muling hinimas ang puntod niya. Bumalik kami saglit sa bahay, tinanaw ko ang bahay nila Antowi. Nagbabakasali na andun siya. Dahil mamaya ay aalis na din kami papuntang States. Pero wala siya doon, umalis daw pansamantala ang pamilya nila para mag-bakasyon. “Ang alam ko Iha, mga isang buwan sila doon. Gusto kasi ni Mrs. Glaser na makapag-bonding sila sa probinsya ng pamilya nila. Sinama nila si Sir Antoine kahit ayaw nito.” “Ah ganun po ba, salamat po.” Nagpaalam na ako sa maid nila. Nakakalungkot, akala ko makikita ko siya. Bumalik kami sa States para doon muna manirahan, hindi pa namin kayang manirahan dito sa Pilipinas dahil marami kaming memories dito kasama si Ate. Hindi makakabuti kay Mom, masyado siyang na-depress sa nangyari. Tanaw ang mga ulap mula dito sa bintana ng eroplano. Nami-miss ko si Ate. Tapos hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makapag-paalam sa pangalawang pagkakataon kay Antowi. Lumipas ang apat na taon at SHS na ako, Grade 11. Marami na akong mga kaibigan, hindi na ako mahiyain katulad nung dati. Wala na akong salamin, dahil natuto na ako magkabit ng contact lense. Maraming nagbago, I did what my Ate said. Nagkaroon ako ng tatlong ex, pero ni isa walang nagtagal ng isang taon. Lahat sila hindi Filipino, kaya nung kinwento ko kay Empress 'yun through video calls, na-excite siya at gusto din dito mag-aral pero hindi naman siya papayagan. “Ang daya! Ang gwapo ng lahat ng ex mo! Alam mo ba, nag-try ako magpaligaw noong JHS aba si Van naman lahat tinatakot. Wala tuloy nanliligaw sa akin, alam mo simula nung umalis ka sa akin siya panay buntot.” Tawang tawa ako sa mga sinabi ni Empress, sobrang gigil na siya sa pagku-kwento nito. Halatang inis na inis siya kay Van, makulit daw talaga ito pero mas lumalala nung umalis ako. “Aminin mo, Antoine pa rin diba? Kaya walang nagtatagal?” “Hey! Hindi naman, masyado pa akong bata that time. Crush lang 'yun tsaka baka hindi sila para sa akin kaya break agad?” Namula ako sa sinabi ni Empress, bakit pinapasok na naman niya si Antowi sa usapan? Baka mamaya kung kumakain ang lalaking 'yun ngayon malamang nabilaukan na. “Kasi naman, alam kong crush na crush mo sya dati. Baka nga first love mo siya!” Mas lalo akong namula sa sinabi niya kaya agad ko nang in-end ang tawag. Humiga ako sa kama at nagpagulong gulong. Crush ko pa din kaya siya? Or mahal ko siya? No! It's impossible ang bata ko pa noon! Binuksan ko ang phone ko at sinearch sa f*******: ang pangalan niya. Lahat na ng pwedeng names ay sinearch ko na. Antoine Demeter Glaser, there's none. Antoine Demeter, wala din. Antoine Glaser or even Demeter Glaser, as in wala! I even search his name on i********:, twitter! Kahit nga google pinatos ko na pero wala talaga. Wala man lang siyang virtual identity. Nasa moon na kaya siya? Baka doon na 'yun nanirahan at ayaw magpahanap sa social media. Another year in SHS, Grade 12 na ako at college na sa susunod. Hindi ko alam kung saan ako mag-aaral or anong course ang kukunin ko. “Hey, Stats. I miss you, you always ignore my messages.” Sabi sa akin ng isa sa mga ex ko, naging apat sila dahil nagkaroon na naman ako ng ex nung grade 11. Panghuli kong ex itong si Jacob, so he's really pesistent to be my boyfriend again. Masyado siyang needy and possessive, ayoko sa ganoon. “Jacob, please I don't want us back. I already break up with you. What's the chase?” Nilagpasan ko na siya at pumasok na sa klase ko. Masyado siyang pala-text, panay tawag kahit nakikipag hang out ako sa mga friends ko. He always get jealous kahit sa guy friends ko. “Jacob's really into you huh.” One of my girl friends, Hannah. She's an american and maganda siya. “Yeah. I hate him so much, he kept on texting me.” Napatawa siya sa sinabi ko. “Told yah.” Natapos ang klase ko sa araw na iyon. Maraming nagbago, naka-move on na kahit papaano ang pamilya namin sa pagkawala ni Ate. Nagkakaroon na din kami ng sapat na income, 'yung mga naubos na savings dahil sa gastusin noon sa pagpapagamot ni Ate ay naipon ulit. Hindi pa rin katulad ng dati na masaya ang bahay namin. “Stats, may sasabihin kami ng Dad mo.” Bungad sa akin ni Mom pagpasok ko sa bahay, Mom also recovered na-depress siya sa nangyari kaya we need to consult a psychologist for her. Naging maayos siya pero minsan iiyak nalang siya bigla pag naalala si Ate. “What is it Mom?” Umupo ako sa couch namin kaya katapat ko sila. Binaba ko ang mga gamit ko at nagkatinginan sila. Hindi ko alam kung anong gusto nilang sabihin. “Anong course ang kukunin mo? Malapit ka na mag-college.” Napaisip ako sa tanong ni Mom, ano nga ba? Sa totoo lang, wala akong maisip. “I don't know yet, Mom and Dad.” Tumango sila. “Any course is fine Anak, okay lang kahit ano. Basta magiging masaya ka sa trabaho mo.” Ngumiti sila sa akin at niyakap ko sila. I already have something in my mind. Kinakabahan ako sabihin sa kanila. “I want to become a teacher Mom, Dad. Major in Science.” Hindi ko alam kung bakit pumasok 'yun sa utak ko. Tumango lang sila, at hinayaan ako sa desisyon ko. “May sasabihin pa kami. Since, okay na ang pamilya natin. Gusto mo ba na bumalik na tayo sa Pilipinas at doon ka na mag-college?” Sabi ni Dad. Agad na nanlaki ang mata ko sa saya. Finally, hindi ko alam pero sobrang saya ko nang marinig iyon. Ilang taon na ang nakakalipas. Pero iba ang saya ko kapag naiisip ko na makikita ko na siya. “Really? It's fine with me. Doon nalang ako mag-aaral.” Napangiti sila sa sinabi ko at ngumiti din ako. Hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko. “After your graduation, babalik na tayo sa Pinas.” Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at inopen ang laptop ko. Tinawagan ko si Empress at masayang binalita sa kanya ito. “Finally! Magkikita na din tayo. I'm so Excited!” Napangiti ako sa sinabi niya, gusto ko talaga sa Pilipinas pero hindi ko pwedeng iwan sila Mom and Dad dito. Kailangan nila ako lalo na si Mom, lalo na noong mga panahon na depress siya sa pagkawala ni Ate. Mas naging maingat din si Mom sa akin, palagi niya akong binilinan na mag-ingat at kailangan tawagan ko siya kapag na-late ako ng uwi. I understand na nagiging maaalalahanin lang siya dahil nawalan na siya ng isang anak. “I'm so excited too!” “Excited na makita si Antoine?” Pang-aasar niya. “Maybe?” Sagot ko. See you soon, Antowi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD