Chapter 1 - Enrollment
JULY, 2015
Two people step in two separate white rooms, both having a camera in the middle. A man in his mid 20's enters the room quietly, being observant and almost oblivious even though he had already agreed on what the purpose of it all is.
On the other room, a few hours after, sits a woman, also in her mid 20's having an emotionally distraught face. A face that says it all. A face that spells "I am done with everything but I'm ready to talk about it."
A group of people stood behind the camera, getting their notes ready and their questions waiting for answers. The camera man asks the first question as the camera rolls on the both of them.
"What happened five years ago?"
.
.
.
*FLASH BACK SCENE 5 YEARS AGO AROUND AUGUST, 2010*
*ENROLLMENT PHASE FOR COLLEGE*
Inner dialogue (Pam): *Sigh* Goodmorning world, a world full of mindless people walking about, a world full of chaos and mystery grounded in their own respective stories. Goodmorning world.. My world.
Pam sips a coffee mug from last night. Somehow she enjoys the cold taste it provides. She remembers when it was still hot and thinks to herself..
"Tumataba na ako.."
Pam: Ma! Ma? Tsk.. MAMA!!
Anika: Oh! Ano ba?
Pam: Alis na ako Ma! Enrollment na mamaya!
Anika: Bahala ka na Pam, ang tanda tanda mo na itutuloy mo pa yan.. May trabaho ka naman noon!
Pam (Naiirita): *Lumabas ng bahay*
*SCENE CUTS TO A RANDOM STREET IN MANILA*
*Footsteps are faintly heard getting closer and faster*
Present Jam (Narration): There I was, already making a fool of myself before my first day *smirks and chuckles* Ewan!! Nakalimutan ko na rin kung bakit ako hinabol ng mga aso na yon.. hay, pero ayun na nga yung nangyari.
Jam (hinihingal, tumatakbo): TANGINA NIYO!!!
Sampung aso ng Dian street: ARF ARF ARF!! ARF ARF!!
Camera man: Sabi ng mga kaibigan mo lagi mo raw suot yung dark blue na jacket na puro butas?
Present Jam: Ah! Oo, actually kaya may butas yon dahil sa mga aso na yun eh. Diko alam kung bakit sobrang inis na inis sila tuwing nadaan ako sa Dian.
.
.
.
*FLASH FORWARD AROUND JULY, 2015*
Camera man: Ano po yung trabaho niyo noon?
Present Pam: Nagtrabaho po ako noon as a waiter sa bar malapit samin sa QC..
Camera man: Ahh, I see. Ilang taon ka tumagal?
Present Pam: Umabot po ako ng 2 years eh.
Camera man: Hm. Bakit ka nag aral ulit?
Present Pam: Noon, hindi po alam ng magulang ko pero hindi na kasi ako binabayaran ng maayos sa bar. Umabot po sa point na sa tip nalang ng customer ako umaasa at minsan po bastos ang trato nila saakin.
Camera man: I'm sorry to hear that Pam. Noon, worth it ba mag aral sa Manila?
Present Pam: Kahit malayo po yung biyahe ko araw araw nung time na yun, ginusto ko nalang po talaga makapag tapos. Nakailang enrollment na ako habang nagtatrabaho pa ako noon pero wala po tumatanggap saakin maliban sa school doon sa Manila. Wala na talaga akong choice noon..
Camera man: Ano pakiramdam na makisabay sa hindi mo ka-age noon?
Present Pam: Kakaiba.. parang nararamdaman ko na hindi ako belong. Kasi nagsimula ako ng college bente na ako habang ang mga classmates ko noon mga sixteen to seventeen palang ang edad.. Kakaiba kasi iba kami ng mga hilig. Pero kinaya ko naman..
.
.
.
*FLASHBACK 5 YEARS AGO, STILL AROUND AUGUST 2010*
*PAM VS ANG PASENSYA NIYA; THE 30 MINUTES STANDOFF*
Pam (Naiirita): Hay... Ano ba to walang jeep! Mahuhuli pa ako sa enrollment talaga oh!.. Ayun! Kuya!!!
Pam (Nag-iisip): Ahhh Naka upo din sa wakas, bahala na kung puno... Oh, bakit ang tagal ni manong driver?
Jeepney driver: Oh sandali lang hah may matanda kasing sasakay.
Lolo: Pasensya na kayo hah masakit na kasi binti ko eh.. sige manong, sasabit nalang ako..
Pam: Lolo dito nalang po kayo sa upuan ko!!
Lolo: Ay wag na anak kaya ko na to.
Pam (Lumabas sa jeep): Lolo sige na ako nalang sasabit! Malaki naman muscles ko eh!
Jeepney driver: Oh! Ano ba yan! Di tayo makakausad niyan eh!
Lolo: Hay sige na nga, salamat anak hah.
Pam: Sige po lolo! Kaya ko to, kailangan ko rin kasi ng hangin sa mukha ko eh haha..
*BIGLANG ANDAR ANG JEEP*
Pam: WOAH!! KUYAAAAA TEKA LANG!!!!
*SCENE CUTS TO A MEDICAL CENTER INFRONT OF PEDRO GIL STATION LRT*
Jam (nag-iisip): Ahhhh... Ang bagal ng pila! Small talk na nga lang.
Jam: May inooperahan ba sa loob? Hahahahah
Rando: Kaya nga po eh haha..
*Tumingin si Jam sa harap ng pila*
Jam (nag-iisip): Parang nahiya ata si kuya ah.. makapag sounds na nga lang..
*Jam wears wired earphones connected to a fake red ipod shuffle.*
*MIGRAINE BY MOONSTAR88 PLAYS*
*20-ISH MINUTES LATER*
*PAM VS THE BUS DRIVER; ANG PAGHAHABOL*
Pam (Pagod na): Aray koooo yung mga braso koo...
Pam (Nag-iisip): Di bale na.. bus nalang din naman sasakyan ko eh..
*HUMARUROT ANG BUS*
*NAIWAN SI PAM*
Pam: HOY!!! *Sinasampal yung bus* TEKA LANG MANONG!! AHHH!!!
Bus driver: Ano ba yan to si ate! Bilis!
Pam: Salamat po manonggg!!
Pam (Nag-iisip): Hayyy nakaupo rin sa wakas.. Naka aircon pa! Sarap... Oh, bakit ang tagal ni manong driver?
Bus driver: Oh sandali lang ah, May buntis na sasakay.
Pam (Pa-luha na): Huuhuuu tayo nanaman...
*INSIDE THE MEDICAL OFFICE*
*JAM'S TURN*
Nurse 1: Ok pakihubad ng sapatos, jacket at tayo lang po kayo sa scale.
Jam: Okay po!
Nurse 1: Ituwid niyo po kuya.
Jam: Ang alin po?
Nurse 1 (pagod na): Yung katawan niyo po para makuha ang height niyo po.
Jam: oops
Nurse 1: Ok, 180 cm and your weight is.. 80 kg.
Jam: Thank you po!
Nurse 1: Alalahanin niyo po yung measurements ok?
Jam: Ah okay, thank you po ulit!
*NEXT PROCEDURE*
*JAM VS NURSE 2; THE STARING CONTEST*
Nurse 2 (Naiirita): Sige kuya magtitigan nalang tayo.
Jam: Ay! Ano po ba ma'am? Miss? I mean.. Doctor?
Patient: Bigay mo na kasi.
Jam (Lutang na): Ang alin ba kasi!?
Nurse 2 and Patients: YUNG BMI MO!!!
*NEXT PROCEDURE*
*THE X-RAY ROOM*
Jam: Hello? May tao ba dito..
X-ray Machine: WRWRWRWRWRWRWR..
Jam: Weirddd....
Nurse 3: OKAY PO KUYA (Jam (Nagulat)) PAKIHUBAD PO NG PANGTAAS MO PARA MA-READ PO NG XRAY MACHINE YUNG CHEST NIYO PO!
Jam (Nag-iisip): Bakit nasigaw naman to si ate? Sige sigaw na lang rin ako.
Jam: OKAY PO!!!!
Nurse 3 (Nag-iisip): Aba sira ulo to ah, tatakutin ko nga.
Nurse 3: Kuya first time niyo po ba mag pa x-ray?
Jam: Ay opo eh haha..
Nurse 3: Okay sige, tapat niyo lang yung chest niyo sa flat surface na ito tapos wag magalaw okay?
Jam (Kinakabahan): Okay po!
X-ray Machine: WRWRWRWRWRWRWR!!..
Nurse 3 (On the top of her lungs): OKAY PO HINGA PO NG MALALIM!!!!!!!!!!!!!!!!!
Jam: AHHHHHHHH
X-ray Machine: *Click*
Nurse 3: Sige kuya magbihis ka na and get out, thank you po!
Jam (Pinagpawisan): oOkaY pOo...
*NEXT PROCEDURE*
*ANG IHI*
Nurse 4: Kunin niyo po itong container at lagyan niyo po ng ihi at ibalik dito okay?
Jam: Ahh ayun lang po pala yung gagawin, akala ko kasi eh..
Nurse 4: Akala niyo po ano?
Jam: Ang sabi po kasi ng mga kaibigan ko noon may gagalaw po ng itlog ko, di naman pala totoo haha
Nurse 4 (Pagod na talaga): Hindi po kuya, pero alagaan niyo po ng mabuti yang itlog niyo po.
Jam (Nag-iisip): Ang weird naman ni ate nurse..
*1 HOUR AND 15 MINUTES LATER*
*ENROLLMENT PHASE*
Jam (Nag-iisip): Ahhh.. AHHHH!!! Ang dami ko dalang papelessss, ganito pala feeling ng maging importante..
School Speaker: Good afternoon everyone, malapit na po magsara ang enrollment phase for the day kaya kung kaya, BILIS BILISAN NIYO, THANK YOU.
*NAGMADALI ANG LAHAT NG MGA ENROLLEES*
Jam: Mierda!
Jam (Nagmamadali maglakad): KUNG SINO MAN MABANGGA KO SORRY TALAGA, KAILANGAN KO NA PO TALAGA MAKAPILI NG COURSE!!
Pam: Buti nalang talaga nakapag medical na ako noon pa.. Pipili nalang ng course tapos uwi na!
School Speaker: Good afternoon everyone, malapit na po magsara ang enrollment phase for the day kaya kung kaya, BILIS BILISAN NIYO, THANK YOU.
*NAGMADALI ANG LAHAT NG MGA ENROLLEES*
Pam: HALA! ITO NA NGA BA YUNG SINASABI KO KANINA SA JEEP EH!
*NAPATAKBO SI PAM*
Pam: Sandali lang!!!
*MAY BUMANGGA KAY PAM*
*NAGSILIPARAN ANG MGA PAPELES*
Pam: Aray ko naman! Yung salamin ko!
*NAPAGAPANG SI PAM*
Present Pam (Narration): The moment our bodies made contact, I lost my perception of time. Looking back at how we met, it was probably the most cliche thing you can get but during that time, it felt like I've never held a pen nor a sheet of paper in my life. It felt like everything was zooming in slow motion. The moment the glare of the day went through my eyes, I saw a blurry silhouette of a man that I thought was a clumsy i***t. At first.. My glasses fell to the floor.. Next the papers.. and then.. My heartbeat. It was fate disguised as an accident.
*HINDI MAINTINDIHAN NI PAM ANG SINASABI NG LALAKI*
*PINULOT NI PAM ANG SALAMIN NIYA*
Jam: Hala ate! Sorry po!
Pam: Ga-Ga-Gangst..te-te-te..!
Jam (Kinakabahan): Ate!? Okay ka lang po?
Pam: GAGO!!
Pam (Nag-iisip): Gago.. bakit ang lakas ng t***k ng puso ko?!
Jam (Nagulat): Ay wag naman po! I'm so sorry talaga ate..
*ISA ISA NILANG PINULOT ANG MGA PAPEL*
Jam (binabasa kung sakaniya ba yung bawat papel): ...Pam?
Pam (pa-luha na): Pano na yan.. wala nang oras, nagka rumble rumble pa yung mga papel ko sayo! HNGH!!! NAKAKAINIS TALAGA!! Bakit kasi ang bilis bilis mo maglakad?! At akin na nga yan!
Jam: Sorry talaga Pam.. pero kaya pa to, meron pang oras! Doon nalang natin ayusin yung mga papel papunta sa office!
Pam: Dalian mo na mag-pulot jusko!
*NAGLAKAD SILA NG SABAY PAPUNTANG OFFICE*
*HINDI PARIN MAINTINDIHAN NI PAM ANG SINASABI NI JAM*
Present Pam (Narration): I still remember that moment when we walked towards the office. Isa isa namin dinaanan ang bawat liwanag na nanggagaling sa mga bintana ng pasilyo. I never understood what he was saying during this time. I never understood what I was thinking at this time as well. All I know is that these memories are vivid and nostalgic in a way that makes me feel comfortable and safe.
*SA TAPAT NG OFFICE*
Jam: Sorry talaga, hindi ko sinasadya promise! Nagmamadali kasi ako! Ang tanga tanga ko!
Pam: Buti alam mo! Puro ka sorry, anong magagawa ng sorry mo kung hindi mo naman aayusin sa susunod?! Lagi nalang sorry sorry SORRY! SAWANG SAWA NA AKO SA SORRY MO! IMBISS NA MATUTO KA SA PAGKAKAMALI MO PURO KA NALANG SORRY SORRY SORRY!
Jam (Concerned expression): ... Huh..?
Pam (Stressed): I mean.. um..
Professor (Panot): Ehem.. Excuse me po?
Jam and Pam: SORRY PO SIR!
Professor: Sige, miss akin na yung mga papel mo at umupo ka sa harap ko.
*Parehas kinakabahan sa Jam at si Pam dahil alam nilang magkahalo parin ang papeles nila*
Professor (Nagbabasa): Okay.. 20 years old.. pasado sa medical.. HUH!?
Pam (pinagpapawisan): ..Umm ano po meron sir..?
Professor: Boy ka?!
Jam and Pam: Hayyyy.. *Napatungo*
*3 HOURS LATER*
Professor: Ikaw Jam hah, next time wag ka magmadali kung alam mo namang may oras pa, Okay?
Jam: Pero sir!
Professor: Oh, Oh! Sasagot pa!
Jam: Sorry po talaga sir, thank you na rin po sa pag tulong pag ayos ng papel po namin..
Professor: Sakanya ka mag-sorry at mag thank you, wag sakin.
Jam: Pam.. sorry talaga.. thank you na rin..
Pam (Tinarayan si Jam): Ewan ko sayo.. Baliw.
Professor: Magpakabait kayong dalawa hah? Magiging mag kaklase pa naman kayo..
Pam (Nalaglag ang papel): ANO PO?!
Jam: Hala Pam! Yung papel mo nahulog nanaman! Same course pala tayo ng pinili, biruin mo yun? Haha!
Pam: UGH!!!
Professor: Anong ugh?!
Pam: SORRY PO SIR!
*10 MINUTES LATER*
*SABAY NAGLALAKAD SI JAM AT SI PAM PALABAS NG SCHOOL*
Pam: Jam? Jam diba? Sorry kanina kung nasigawan kita.. stress na kasi talaga ako noon..
Jam (Ngiti): Okay lang yun Pam, naiintindihan ko naman, ako din kasi eh.. padalos dalos ako.
Pam (Eye-roll): Kaya nga eh..
Jam: Sorry din kanina.. nagmamadali kasi ako, akala ko kasi wala ng pag-asa makapili ng course..
Pam: Huy ano ka ba, ayus lang yun no
Jam: Nice to meet you pala classmate!
Pam: I wouldn't call that a nice meeting but likewise, classmate!
*SHAKES HAND*
Pam (Narration): Ang init ng palad niya. Halata rin na kinakabahan siya. Maybe I was too harsh on him.. He was kind to me anyways.. His expressions and awkwardness seems pure and his weird choice of clothing is as clumsy as he is when he moves. Bakit siya naka-jacket ang init init? Dark blue pa talaga. Naka maong pa yan hah, tapos ang gulo pa ng buhok. Naiinis ako.
Jam: Pam dito na pala ako, ikaw saan ka?
Pam: Tanggalin mo nga yang jacket mo naiinis ako.
Jam (Nalungkot): Awh.. Bigay sakin to ng papa ko eh..
Pam: I'm.. sorry. Quezon pa ako eh, matagal pa biyahe ko
Jam: Quezon?! Grabe! Bakit dito ka pala nag aral?
Pam: Pake mo ba?!
*PAREHAS SILA TUMAWA*
Jam: Oh bakit, hinihintay mo ba ako sumakay? Haha
Pam: Tanga! Dito rin kasi antayan ng bus! Kaso sa kabila ako ng highway
Jam: Ahhh! Baliktaran pala sakay natin ano?
Pam: kaya nga eh.. oh ayun na pala bus ko, sige mauna na ako
Jam: Bye Pam!! Ingat!
Pam: Bye Jam, ingat ka rin!
.
.
.
*FLASH FORWARD AROUND JULY, 2015*
Present Jam: Crazy right!? Like I would've never imagined that my life has already changed just because of that first meeting! --- meeting her was something else. Whenever I look back at it, I can't even think straight and sometimes I don't even think at all! -- I just.. glare at something bright like a glare from a glass or the reflection of a lightbulb on a smooth floor or something like that. Everything up to that point was both vivid and a blur at the same time. That's how unexplainable I felt about her. Pam.. Pam.. *Smirks* Pam..
Cameraman: Weirdo..
.
.
.
*END*