Nang makaalis na si Jharies ay naramdaman niyang panatag din ang loob niya habang kausap ito kanina. Ramdam niya kasing totoo ito sa pakikipaglapit sa kanya. Kung si Jharies man ang pangalawang lalaking mamahalin niya ay parang okay iyon dahil magkakilala din ito at ang kanyang papa Eldo. Muli pa niyang naalala kanina ang kakaibang kaba na kanyang naramdaman nang magkasamang dumating ang ama at si Jharies at magkakilala pala ang ang mga ito. Tila ba iba ang ipinahiwatig ng kanyang naramdamang kaba na di naman niya alam kung bakit. ____ Masayang naligo si Hilda kinahapunan dahil alam niyang di na magtatagal ay darating na si Dave galing sa office nito sa sariling private hospital nito. Sa totoo lang ay ilang gabi na ring hindi sila nagsex ni Dave kaya namimiss na niyang damhin ang m

