Napakadaling sabihin na "do your best" pero una'y hindi niya alam kung paano magsisimula sa gagawing pagkalas niya kay Hilda at lalo na kung paano muling maangkin ang pag-ibig ni Helena at kung paano niya ito muling suyuin. Alam niyang mahihirapan siya sa lahat ng kanyang gagawin dahil nakikita niyang malayo na talaga ang loob sa kanya ng babaeng pinakasalan niya. Hindi siya nakatugon sa sinabi ng kanyang ama at mag-isip ng mabuti sa susunod na gagawin. Binuksan muna niya ang kanyang bitbit na wine at tinungga iyon na halos hindi tinigilan hangga't hindi nangangalahati ang laman ng wine na iyon. "Take it easy, iho, makakasama yan sa kalusugan mo. Alam kong di madali ang lahat. Pero kung nais mong matagpuan muli ang tunay na kaligayahan ay gagawin mo ang sinabi ko." simpleng wika ng k

