"H'wag ka nang mausisa pa, Hilda, kung sino. Alam mo, parang di ka normal eh, sa mga pananalita mo parang di normal ang pag-iisip mo!" di na niya talaga napigilang wika dahil sa galit rito. "Siguro ganito lang talaga kapag magmahal ng lubusan, ate, minsan di na natin alam na hindi na pala tayo naging normal para sa iba." sagot naman nito sa kanya. "Gano'n ba? hindi na kita pagsasayangan pa ng oras ko, Hilda, dahil wala ka pala talaga sa sariling pag-iisip." ani Helena rito at nilampasan na niya ito. Hindi niya aakalaing bigla nalang lilitaw ito ngayon sa bahay nila ng umagang iyon. Di niya talaga mapigilan na di masira ang kanyang araw kapag ang kanyang ahas na adopted sister na ang kanyang makaharap. "Sandali, ate." tawag pa nito sa kanya. Napatigil naman siya sa paghakbang dahil

