Habang tinatahak ng sasakyan ni Dave pauwi sa kanilang mansion ay di talaga siya mapalagay. Parang di pala katanggap-tanggap na may ibang magkaka interes kay Helena at naturingang kaibigan pa talaga niya, si Jharies. "Sh*t!" mura pa niya nang maalala na nagkapalitan ng ngiti sina Helena at Jharies kanina. Hanggang kailan siya matitiis ng ganito? hahayaan nalang ba niyang mapunta si Helena kay Jharies? wala ba talaga siyang gagawin? Hindi nalang niya namalayang dumating na pala siya at pinagbuksan agad siya ng kanilang body guard ng mansion at hanggang sa pag parking ng kanyang kotse sa garahe ay tila wala siya sa kanyang sarili. Sa kanyang labis na pagseselos ay naging marahas siya kay Helena kanina. Hinalikan niya ito dahil gusto niyang iparamdam rito na hanggang ngayon ay hindi na

