Hindi na siya pinakinggan pa ni Jharies. Kaya mas lalong nagalit si Dave na nakasunod kay Jharies. Wala talaga itong respeto sa kanya, kung totoong kaibigan ang turing nito sa kanya ay di na nito ituloy pa ang balak nitong pagpapalapit kay Helena nang malaman nitong asawa niya pala si Helena dahil magkaibigan lang sila at pangit isipin na manligaw ito sa babaeng naging kasintahan niya ng matagal at pinakasalan pa niya. Sumunod nga siya kay Jharies ngunit kalmado lang siya sa kanyang mga kilos na kahit galit siya rito ay mas nanaig ang kanyang pagiging kalmado at edukado. Ayaw niyang magmukhang basagulero at magdala ng eskandalo sa paningin ng mga tao. Lalo na't isa pa siyang Doctor. Si Helena naman ay nakapagdesisyon na lang talaga na magpapahatid kay Jharies. Wala na siyang choice pa

