Hindi naman maintindihan ni Dave ang asawa, ramdam niya ang tensyon sa katawan nito habang nakayakap sa kanya. Inakbayan niya ito at hinalikan ang noo nito. "Babe, parang may kinakatakutan ka? Sabihin mo sa akin, may problema ka ba?" bulong ni Dave sa tainga ng asawa. Napapikit naman si Helena at muling kinabahan ng malakas. Nararamdaman niya ang init ng hininga ni Dave na dumadaan sa kanyang tainga. Hindi niya kayang sabihin ang totoo, baka ikakapahamak ng kanyang ama kung gagawin niya iyon. Kaya lalo niyang iginapos ang mga braso sa bewang ng asawa. "Wala naman, babe. Huwag mo nalang akong alalahanin, okay lang ako." Aniyang pilit na pinanormal ang boses. Tumingin si Dave sa kanyang mga mata. Inilapit nito ang mukha sa kanya at hinalikan ng dahan-dahan ang kanyang labi. Ang halik ay

