Sa gulat, napapikit siya agad. Ang halik ni Dave ay parang kidlat na tumama sa kanya — mainit, mapusok, at puno ng damdamin. Ramdam niya muli ang pamilyar na init ng mga labi nito, ang paraan ng paghalik na dating kanyang hinihintay araw-araw. Isang bahagi sa kanya'y sumasabay, nawawala sa sarili, nais na lang ibigay ang lahat. Kasi ang totoo'y kahit ayaw niyang aminin ay nanatiling ang pagmamahal niya kay Dave na siyang ikinagalit din niya sa kanyang sarili. Naglalaban ang kanyang isipan at damdamin. Ang kanyang isipan ay nagtuturo na hindi na padadala kay Dave. Ngunit ang kanyang puso ay nagsasabi naman ng totoo niyang damdamin. Matagal ang mga halik nito sa kanya at nalalasahan niya sng sobrang tamis niyon para sa kanya. Ngunit biglang sumagi sa isip niya ang mukha ng ampon na k

