Isang hapon nang mauwi ang papa ni Helena mula sa trabaho, kararating lang nito nang tumawag rito ang isang hindi kilalang numero. "Hello? Sino po ito?" tanong ni Mr. Eldo Alcantara. "Sir, Eldo Alcantara? Kayo po diba ang ama ni Miss Hilda Alcantara? ito po si Aling Mila, kapitbahay ni Hilda. Pakiusap, pumunta po kayo rito — nagkasakit si Hilda, at ngayon ay mas malala pa ang sakit niya. Nilalagnat siya ng 41 degrees, hindi na siya makapagsalita, at wala siyang kasama. Dadalhin ko na po sana siya ngayon sa hospital." sabi ng boses sa kabilang linya, puno ng pagkabalisa. Napahinto ang ama nina Helena. Adopted nila si Hilda at dala dala nito ang kanilang apilyido. Malaki ang nagawa nitong kasalanan sa pamilya nila nang pinagtaksilan nito ang anak na si Helena. Ngunit kahit ganon, hindi n

