Pagkatapos ng kanilang kasunduan ay agad na inaya ni Dave si Helena papasok sa kanyang kotse. Tahimik lang si Helena sa tabi, nakatingin sa labas habang pinipigilan ang matinding inis para kay Dave. Saglit pa siya nitong sinulyapan bago pinaandar ang sasakyan nito. At siya ay piniling h'wag nang magsalita pa habang lulan sila ng sasakyan nito. Hindi niya talaga tuloyang maiiwasan si Dave. Hindi niya alam kung paano ito iiwasan dahil gagawa at gagawa talaga ito ng paraan para lang makalapit sa kanya, tulad ngayon, ginamit pa nito ang kanyang hikaw para lang sasama siya rito ngayon. Mga isang oras din ang biyahe at napansin niyang medyo malayo ang kanilang pinuntahan. Huminto ang sasakyan nito sa isang maliit na talon na nasa likod ng malalaking puno. Walang ibang tao roon kundi sila

