Tiningnan naman ni Helena ang balikat nito — totoo ngang daplis lang ang bala at hindi tumagos ng husto sa balikat nito ngunit ang dugo nito ay patuloy na dumadaloy. Agad niyang kinuha ang panyo mula sa kanyang bulsa at itinali sa sugat nito para pigilan ang pagdurugo niyon. "Sino ba ang gumawa nito! biglaan nalang ito! Kukuha tayo ng ambulansya, Dave. Kailangan mong mapunta sa hospital agad," sabi niya habang inalalayan ito patungong kotse nito. "Hindi... huwag na." sabi ni Dave at hawak ang kanyang isang balikat. "M-may isang bahay kami malapit lang sa kinaroonan natin ngayon, isang lumang bahay ng ina ko at bahay ng lolo't lola ko pa, mga 20 minutes lang siguro ang biyahe, isang simpleng bahay lang ngunit k-kumpleto din sa lahat doon pati na sa mga gamot ay may mga stock ako doon.

