Ilang minuto pa ang lumipas bago unti-unting gumising si Helena. Agad niyang naramdaman ang mainit na katawan ni Dave na nakayakap sa kanya, at biglang pumasok sa isipan niya ang lahat ng nangyari kagabi. Ang sarap makakulong sa mga braso ni Dave. Parang napaka komportable niya na nasa bisig siya nito ngayon. Ngunit nahihiya siyang tingnan at balingan ito dahil pumayag siyang may mangyari sa kanila nito kagabi. Muling nanumbalik sa kanyang isipan kung paano siya nito inangkin. Kumuha siya ng unan at niyakap niya ito, idinikit sa kanyang dibdib habang hindi niya kayang tumingin ng diretso sa mga mata ni Dave. Ngunit malagkit siyang tinitigan ni Dave, ang mga mata nito ay nagniningning at puno ng pagmamahal habang nakatingin sa kanya. Napansin naman nitong hindi siya makatingin ng der

