Pagkatapos matawagan ni Helena ang kanyang ama ay ang kapatid ay nagulat ang mga ito sa balita. _____ Tahimik ang ospital ng mga oras na iyon — tanging ang tunog ng makinang pangmonitoryo at mahinang boses ng mga nurse ang naririnig. Sa loob ng kuwartong kinaroroonan ni Hilda, ang kanyang bangkay ay inihanda na ng mga nag-aasikaso rito, nakabalot ito sa puting tela na may malaking bulaklak na puting rosas sa dibdib. Sina Helena naman, ang ama at ang katulong na si Gemma ay nakatayo sa gilid at tahimik parin na umiiyak si Helena, habang hinihintay na ilabas si Hilda. Pagkatapos ng maikling dasal ng iisang pari ay inalalayan ng dalawang tagapag-alaga ang kabaong papunta sa daanan. Si Helena naman at ama ay nakasunod na nakahawak sa gilid ng kabaong, habang ang luha ay patuloy na lumala

