Napatingin pa si Helena sa paligid, sa mga taong naroroon pa kasama ang kanyang pamilya. Hapon na, at ang sinag ng araw ay bahagyang naglalaro sa mga bulaklak na nakapatong sa bagong puntod ni Hilda. Naiilang at hindi siya komportable na makita ng kanyang pamilya ang paglapit ni Dave sa kanya sa harap ng puntod. Alam niyang naghihintay sila ng kanyang reaksyon, ng patunay na hindi siya basta-basta magpapadaig sa damdamin. Pakiramdam niya ay lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanila ni Dave ng mga sandaling iyon. Napansin naman siya ni Dave sa kanyang reaksyon at madali nitong naintindihan ang kanyang mga kilos. "Inaalala mo ba sila? Nahihiya ka bang makita ng lahat na lumapit ako sa'yo at nakipag-usap sa harap ng puntod ni Hilda? Wala na akong pakialam pa, Helena, kung anong sabihin nila

