Habang nasa harap ng malaking salamin si Hilda ay inayos niya ng mabuti ang kanyang sarili. Gusto niyang lagi s'yang maganda sa harap ng asawang si Dave. Yes, asawa. Asawa na ang tingin niya kay Dave sa anim na taog pagsasama nila.
Maganda naman talaga siya pero nanigurado lang siya dahil ayaw niyang magiging pangit sa paningin ni Dave. Ayaw niyang magsawa ito sa kanya. Marami pa namang mga babaeng nagkakagusto rito at mukhang papatol din ito at pinapainis din siya nito.
Gusto kasi nito na iiwan niya ito pero never niyang gagawin iyon dahil mahal na mahal niya ito.
Sa loob ng anim na taon ay tiniis n'ya ang ugali ni Dave na di siya nito gusto. At mukhang bumait naman ito ng kunti sa kanya ngayon pagkalipas ng mga taon. Siguro ay naawa ito o nakonsensya sa pagpapasakit nito sa kanya na di naman siya umalis sa piling nito.
Maya-maya'y alam niyang darating na ito mula sa sariling clinic nito dahil hapon na at oras na sa pag-uwi nito. May sariling private clinic na si Dave na pinangalanang Doctor D. Dela Torre Medical Center at nag-aalok ng 15 medical specializations, kabilang ang cardiology at surgery. May partnership din sa mga private health insurance .
Nang makitang ayos na ang kanyang magandang mukha sa salamin ay bumaba na agad siya mula sa kanilang kuwarto ni Dave. Inutusan niya agad ang may edad na mayordomang katulong na si Manang Gloria na ihanda nito ang masarap na dinner nilang dalawa ng asawang si Dave.
Sa tuwing dinner ay silang dalawa lang madalas ni Dave ang magkasalo dahil laging nasa labas kumakain ang ama nitong dating gobernador sa kanilang lugar. Wala na kasing Ina si Dave, namatay ito sa sakit na bone cancer.
" Manang Gloria, ihanda niyo na ang dinner namin ng asawa ko. Mamaya nandito na 'yun." utos ni Hilda sa matandang mayordoma ng mga Dela Torre.
" O-oho, Ma'am Hilda." sagot naman ni Manang Gloria.
" Bilisan niyo ha? ang kupad niyo pa namang kumilos. Ayokong darating ang asawa ko na wala pa kayong naihanda sa mesa, Manang Gloria. Gutom na rin ako, hindi ako nakapag lunch, gusto kong kumain na kasama ang asawa ko kaya dapat nakahanda na ang mesa dahil kapag darating siya ay kumain nalang agad kami." masungit pang wika ni Hilda sa mayordoma at pagkatapos ay tumalikod na agad.
Nang makatalikod na si Hilda ay inismiran pa ito ni Manang Gloria.
"Hmmpp! akala mo kung sino. Feeling asawa talaga." sabi pa ni Manang Gloria sa kasamang baguhang katulong sa mansion ng mga Dela Torre, si Miah.
"Ssshhh, Manang Gloria naman. Baka maririnig ka, ang tigre pa naman ng ugali ni Ma'am Hilda." sabi pa ng katulong na si Miah.
" Akala mo kasi kung sino, hindi naman talaga 'yan tunay na asawa ni Sir Dave, eh." mahinang wika ni Manang Gloria.
" Yun nga ang narinig ko sa ibang kasamahan nating katulong dito, Manang. Nasaan pala ang tunay na asawa ni Sir Dave?" mahinang tanong naman ni Miah.
" Naglayas." mahinang tugon naman ni Manang Gloria.
" Ho? naglayas? bakit naman, Manang Gloria?" mausisa namang tanong ng bagong katulong.
" Atin lang 'to ha? naglayas ang tunay na asawa ni Sir Dave noon. Anim na taon na nga ba yun? anim or lima? nakalimutan ko lang." wika ng mayordoma.
"Bakit nga naglayas, Manang? tanong ako ng tanong sa mga kasamahan nating iba dito na nauna sa akin ay di naman nagsasalita. Takot sa tsismis." natawang wika pa nito.
" Alam mo kasi, bagong kasal noon si Sir Dave sa kanyang tunay na asawa, at ang nangyari ay nakita ng bagong asawa ni Sir Dave sina Ma'am Hilda at sir Dave na nagb3mbang sa isang kwarto sa hotel. Kaya sa galit ng tunay na asawa ni Sir ay walang pag-alinlangang iniwan agad si Sir Dave sa kanyang bagong asawa. At ang pagkakaalam ko ay matagal din na kasintahan iyon ni Sir Dave bago niya pinakasalan." halos pabulong na salaysalay ni Manang Gloria sa kasamang katulong.
"Talaga, Manang? ang sakit naman 'yun para sa tunay na asawa ni Sir Dave." sabi naman ni Miah.
"Ay oo, tama ka, talagang sobrang sakit yun para sa tunay na asawa ni Sir Dave. At alam mo ba kung kaanu-ano ni Ma'am Hilda ang tunay na asawa ni Sir Dave? talagang mas magugulat ka pa kapag malaman mo." patuloy pang sabi ni Manang Gloria sa mahinang tinig.
" Ha? bakit? kaanu-ano lang ba ni Ma'am Hilda, Manang?" mabilis namang tanong ng katulong na si Miah.
" Nakakatandang kapatid lang ni Ma'am Hilda. Helena ang pangalan." sagot naman ng mayordoma.
Nanlaki naman ang mga mata ng kasamang katulong na si Miah.
" Ano?! kapatid lang pala ni Ma'am Hilda ang tunay na asawa ni Sir Dave?" halos lumuluwang mata ni Miah na tanong sa matandang mayordoma.
" Oo, Miah, kapatid lang niya. Kaya sobrang kapal muks niya talaga. Porke't anim na taon na 'yung nangyari at di na talaga bumalik ang tunay na asawa ni Sir Dave ay feeling tunay na asawa na siya ni Sir. Kabit lang pala at ang samà pa ng ugali." Irap pa ni Manang Gloria.
"Naku, ang saklap naman ng nangyari. Grabe naman si Ma'am Hilda. Nagawa niyang magtraydor sa sarili niyang kapatid? at sa araw ng kasal pa talaga ng ate niya?" wika pang muli ni Miah na mas hininaan pa ang boses at halatang may pagka tsismosa rin tulad ni Manang Gloria.
"Ssshhh, tama na ang tsismis natin, kikilos na tayo. Continue nalang natin mamayang gabi ang tsismis natin." nakangiting wika pa ni Manang Gloria. At nakangiting tumango nalang din si Miah.
Hinanda nga ni Manang Gloria ang masarap na dinner nina Ma'am Hilda at Sir Dave.
Pagkamaya'y dumating na nga si Dave galing sa sariling clinic nito sa loob lang din ng private hospital nito. Masayang sinalubong agad ito ni Hilda.
" Good afternoon, Love." bati ni Hilda sabay halik saglit sa pisngi ng asawa.
" Same." tila walang ganang tugon nito at halatang pagod ito kaya naupo agad sa sofa.
Agad namang paluhod na umupo si Hilda sa paanan ni Dave at hinubad nito ang sapatos ng asawa. Nakasanayan na nitong ito ang taga hubad ng damit at medyas ni Dave kapag galing ito sa duty.
"Are you tired, Love?" tanong pa ni Hilda rito habang hinubad nito ang sapatos ni Dave.
" Yes." maikling tugon naman ni Dave rito.
Pinagmasdan nalang ni Dave si Hilda habang hinubaran ito ng sapatos at medyas. Super lambing si Hilda kay Dave at sobrang caring din simula nang magkasama ang mga ito.
Pero di lingid kay Hilda na may malaking kulang sa kanilang pagsasama ni Dave.
Love.
Iyon ang malaking kulang sa gitna nila. Si Hilda lang ang labis na nagmamahal kay Dave. At ilang beses na ring nasaktan ni Dave si Hilda dahil hindi niya ipinadama rito ang pagmamahal kay Hilda at gusto ni Dave na iiwan ito ni Hilda ngunit kahit anong gawin nitong pagpapasakit rito ay talagang obsessed ito kay Dave. Di ito bumitaw.
Napilitan lang kasi si Dave na makipagsama kay Hilda noong magbuntis si Hilda sa anak nila. Ngunit nakunan si Hilda nang magdalawang buwan ang tiyan nito. Alam ni Dave na mali na nakipagsama siya ng tuloyan sa kapatid ng kanyang asawa ngunit dahil sa awa nalang niyang pagmamakaawa nito ay di na niya kayang ipagtabuyan ito lalo na't nawala pa ang anak nila. Tuloyan siyang nakipagsama rito sa loob ng anim na taon. Hindi nabuntis muli si Hilda simula nang nakunan ito. At wala na silang balita pa kay Helena kung nasaan ito ngayon sa loob ng anim na taon ay di na ito nagpapakita pa sa kanila at umuwi sa kanilang lugar.
Pagkatapos nahubad lahat ni Hilda ang sapatos at medyas ng asawa ay pinisil-pisil agad ni Hilda ang likod ni Dave.
" That's good, Love. Sarap sa pakiramdam." napapikit pang wika ni Dave.
" Love, pagkatapos nito ay magdinner na tayo, ha? ipinahanda ko na ang dinner natin kay Manang Gloria." malambing pang wika ni Hilda rito.
" Dinner?" tanong pa ni Dave.
" Yes." nakangiting tugon ni Hilda rito.
"Oh, sorry, Love. Tapos na akong kumain sa labas. Gutom na gutom na kasi ako kaya kumain na lang ako sa dinaanan kong restaurant kanina." tugon ni Dave na nanatiling nakapikit habang patuloy na pinisil-pisil ito ni Hilda.
Tila biglang nawalan ng gana sa pagpisil si Hilda sa likod ni Dave.
"Dave naman, naghihintay pa naman ako sa'yo. Alam mo bang hindi ako naglunch dahil wala akong gana kapag di ka kasalo? nag snack lang ako kanina. Tapos ngayon ay sabihin mo lang na kumain ka na pala?" may inis sa tonong wika ni Hilda.
"Sorry, Love. Sige na, kumain ka nalang doon. Magbihis muna ako. Kape nalang ang gusto ko." wika ni Dave sabay tayo niya.
Nainis man si Hilda ay wala na itong magagawa.
____
Nang maglanding ang eroplanong sinakyan ni Helena sa Ninoy Aquino International airport ay doon siya biglang nakaramdam ng excitement habang bumaba sa eroplanong sinakyan. Sa ilang taong namalagi Siya sa bansang Korea at umalis siya sa lugar na ito ay ngayon pa talaga siya nakabalik at sa araw na iyon ay muli na niyang makita ang kanyang mga magulang at nag-iisang kapatid na si Harold.
Bigla siyang nasasabik sa mga ito. Napalibot ang paningin niya sa buong paligid ng airport. Di niya akalaing nandito na siyang muli sa kanyang sariling bansa at muli na siyang makakatapak ngayon.
Muli na siyang makalanghap ng sariwang hangin sa sariling bansa at muling haharap sa nakaraan...