Chapter 4

1597 Words
Nang makababa na talaga s'ya ay tiningnan niyang muli ang paligid. Papalanding pa lang sa airport kanina ang kanyang sinakyang eroplano ay tumawag na s'ya sa kanyang kapatid na lalaki. At sabi nito ay susunduin daw agad s'ya nito ngayon din sa airport. Habang siya'y naghihintay sa waiting area ay lumipas muna ang ilang sandali bago may mga dumating na sasakyan sa parking area ng airport. Di naman n'ya kilala kung ano ang sasakyan ng kanyang kapatid, kaya hinintay nalang niyang bumaba ito sa isa sa mga sasakyang dumating. Hangga't napansin niya ang isang lalaking pamilyar sa kanya. Tinitigan niya ito at nakilala niya agad ang kanyang kapatid na lalaki, si Harold. Nakita niyang nagpalinga-linga ito na halatang may hinahanap. " Harold!" natuwang tawag niya sa kapatid. Napatingin naman agad ito sa kanyang bandang kinaroroonan. " Ate, Helena!" nagliwanag ang mukhang sambit din nito sa kanya nang nakita siya nito. Di na n'ya napigilang tumakbo papunta rito at niyakap niya agad ito ng mahigpit at gano'n rin ito sa kanya. " Harold!" muling sambit niyang naiiyak. " Ate, Helena. Akala namin ay di ka na namin makita. Akala namin kung nasaan kana sa loob ng anim na taong di ka nagparamdam sa amin. Grabe ang pag-alala namin sa'yo, ate, lalo na sina mama at papa. At ngayong nagkasakit si mama ay ikaw ang lagi niyang pangarap na muling makita." naiyak ring wika ng kanyang kapatid na lalaki. "Patawarin niyo ako, Harold, nadamay ako nang masaktan at tinraydor ako nina Hilda at Dave. Pero ngayon, h'wag kayong mag-alala, may lakas na akong harapin ang lahat. Kung may natira mang sakit dahil sa ginawa nila ay di na tulad ng dati. At alam kong kaya ko na ang lahat ngayon. " mahabang sagot ni Helena sabay pahid sa kanyang mga luha. " Naintindihan kita ate, Helena. Pero sina mama at papa ay nagdamdam talaga sila sa biglang paglayo at di mo pagkontact sa amin ng matagal. Pero sa kabila ng pagtatampo nila ay sobrang tuwa nila nang umuwi ka na ngayon, ate." wika ng kanyang kapatid nang nagkakalas aila sa pagkakayakap sa isa't isa. " H'wag na tayong magtagal, aalis na tayo pauwi, para makita ko nang muli sina mama at papa." aniya sa kapatid. "O-opo, ate." Sumakay naman agad sila sa sasakyang dala ng kanyang kapatid. Sa gitna naman ng pagmamaneho ng kapatid niya ay di niya naiwasang magtanong rito. " Ahm, S-si Hilda, nagpupunta pa ba sa atin?" di niya napigilang tanong sa kapatid. " Minsan nalang, ate. Humingi siya ng tawad kina mama at papa sa ginawa niya sa'yo. At sa tagal ng paghingi nito ng tawad ay pinatawad na lang siya nina mama at papa. Gusto ko sanang aabihin kay Hilda na ampon lang siya sa mga magulang natin dahil sa galit ko sa kanya, ngunit pinigilan ako ni mama. Hayaan nalang daw ito, total, di na daw maibalik ang lahat na nangyari, lalo na't matagal-tagal na rin silang nagsama ni Kuya Dave." mahabang sagot ng kanyang kapatid na si Harold. Di niya napigilang kumirot saglit ang kanyang puso sa narinig mula sa kapatid. Di niya sinadyang masaktan parin nang marinig ang pangalan ng dating lalaking minahal niya ng tapat at ngayon ay pagmamay-ari at tuloyang inagaw sa kanya ng kanilang adopted sister. Ngunit tulad ng sinabi na niya, na kaya na niya ang lahat at di na gaanong masakit tulad ng dati at alam niyang kayang-kaya na niyang ihandle ngayon ang kanyang nararamdaman. "Gano'n ba? basta ako, di ako pweding makipag plastikan kay Hilda, hindi basta-basta ang kanyang ginawa sa akin. At lalo na kay Dave. Kahit sabihing okay na ako ngayon sa pagtraydor nila sa akin ay di rin pweding makipagkaibigan ako ng gano'n kadali sa kanila. Natuto na ako, Harold, sa sobrang kabaitang ipinakita ko noon sa adopted sister natin ay tinraydor lang niya ako. Ngayon at hindi na pweding maging mabait pa ako sa kanya." aniya sa kapatid na lalaki. "Tama lang 'yan, ate, kahit ako sa kalagayan niyo ay gano'n din ang gagawin ko." sagot naman ng kapatid. "Ngayong nandito na ako ay di ko rin naman hahayaang lagi kaming magkikita-kita. Hangga't pwedi ko silang iiwasan ay iiwasan ko nalang sila. Gusto ko nang tahimik na buhay, walang gulo at higit sa lahat gusto kong walang ahas na umaaligid sa akin." matigas niyang wika. " Hindi naman kasi talaga tama ang labis na kabaitan, ate. Kaya sang-ayon ano sa narinig mula ngayon sa'yo na di ka na talaga pweding maging mabait sa kanila." muling saad ni Harold. Pagkarating nila sa bahay nila ay medyo may kunting pagbabago ang kanilang bahay. Medyo nag-improve ang paligid nito at mas lalong gumanda pa dahil sa mga tanim na halatang pinaalagaan talaga. Hindi sila mahirap at di rin sila mayaman, may kaya lang sa buhay qng kanyang mga magulang. Natigilan naman siya nang makita ang kanyang medyo namamayat na ina na nakasakay sa wheelchair sa may terrace at halatang nag-aabang sa kanyang pagdating. At nasa tabi rin nito ang kanilang ama. Parang kinurot naman ang kanyang puso nang makita ang paghihintay sa mga magulang sa kanyang pagdating. At napansin niyang umiyak na ang kanyang ina habang nakatingin sa kanyang pagdating. Tumakbo naman siya patungo sa mga ito na naghihintay sa kanya. "Mama, papa!" sambit niyang agad na naiyak. Pagkarating n'ya sa mga ito sa may terrace ay mahigpit niyang niyakap agad ng una ang kanyang lumuluhang ina. " Anak, Helena, salamat na umuwi ka iha." hagulgol na iyak ni Mrs. Lydia Alcantara. "I'm sorry, mama, I'm so sorry." sagot niyang patuloy sa pagluha. Pagkatapos niya itong niyakap ng mahigpit ay binalingan naman niya agad ang kanyang amang si Mr. Eldo Alcantara. "Papa." Iyak ding sambit niya sa kanyang ama na tahimik lang na nagmamasid sa kanila ng kanyang ina. Niyakap din niya ito ng mahigpit at gano'n din ito sa kanya. "Pinag-aalala mo kami ng anim na taon, Helena, pero ang mahalaga ay nandito kanang muli, anak, kasama namin." napaluha ring wika ng kanyang ama. "Sorry papa, babawi ako sainyo ni mama sa ilang taong lumayo ako sa inyo. Ako mismo ang mag-aalaga kay mama, papa." sabi niya sa ama. "Gusto kong gumaling ka agad sa sakit mo, ma." dagdag niyang sabi na napatingin sa ina. "Salamat anak, pero may kinuha kaming katulong na mag-aalaga sa'yong ina, si Gemma." sagot ng kanyang papa. "Oo nga, anak, kaya h'wag kang mag-alala sa akin." sagot namam ng kanyang ina sa kanya. "No, papa, mama." aniya. "Aalagaan ko parin kayo, tutulongan ko ang kinuha niyong katulong sa pag-aalaga sainyo." giit niya sa ina. "Salamat anak. Walang pagsidlan ang kaligayahan namin ngayon na, nandito kana." tugon naman nito na muling umiyak. Niyakap namam niyang muli ang kanyang ina. ____ Nalaman niyang na stroke pala ang kanyang ina kaya naka wheelchair nalang ito ngayon. Inarrange na niya ang kanyang mga gamit sa dati niyang kwarto. Bumungad sa kanya ang malinis at mabango niyang kuwarto na halatang hinanda na talaga para sa kanyang pagdating. Napansin niya ang mga bagong punda ng unan, kumot bagong kurtina at ang kanyang bagong bedsheet sa kanyang kama at napakaganda at napakalinis iyon sa kanyang paningin. Naroon parin ang kanyang mga picture frame na halatang inaalagaan at nilinisan palagi. Tinapos muna niya ang pag arrange sa kanyang mga damit sa closet bago nahiga sa kanyang kama at nagpapahinga. ___ Kinabukasan ng linggo ay maagang naligo ang kanyang ina sa tulong ng katulong na kinuha ng mga ito para dito. Ngunit siya ang nagtulong sa pagbihis sa kanyang ina. Magsimba sila sa araw na iyon kaya dress ang paboritong dress ng kanyang ina ang binihis niya rito. Maaga namang umalis at nagpaalam ang kanyang ama sa kanya dahil may mahalagang meeting daw ito sa naging kasosyo nitong kumpare nito sa negosyo. At sila naman ay nagpapahatid muna sa kanyang kapatid na si Harold sa tapat ng church bago ito dumeretso sa bahay ng girlfriend nito dahil may kunting salu-salo daw ang pamilya nito at inimbita ito at pagkatapos ay mamasyal daw ang mga ito. Isama nila ang katulong na si Gemma ngunit gusto niyang siya ang magtulak sa wheelchair ng kanyang ina papasom sa loob ng church. _____ Sa araw namang iyon ay walang duty si Dave sa sarili nitong clinic dahil araw ng linggo. At nasa mansion lang nila ito. Nagkataon namang bigla itong binisita ng matalik na kaibigang si Marvin, kaya nag-inuman ang dalawa. Minsan lang naman makapasyal si Marvin kay Dave kaya nasorpresa si Dave sa biglang pagbisita ng kaibigan. Alam niyang galing itong Korea at kararating lang nito kahapon. Dumalo kasi ito sa wedding party ng pinsan nitong babae sa Korea na doon na nanirahan pati ang buong pamilya. "Alam mo na ba ang latest news?" nakangiting tanong ni Marvin kay Dave sa gitna ng pag-iinuman ng mga ito. Nasa hardin sila, sa labas ng mansion nag-inuman "Latest news? bakit? meron ba?" pormal namang tanong ni Dave na tila walang interes. " Yes, Dave. Di mo pala alam kung gano'n. Nakita at nakasakay ko siya sa airplane kahapon pauwi dito. Nakita ko siya pero di naman niya ako nakita at nakilala. Nakasuot kaso ako ng sombrero at naka shade kaya di niya ako nakilala." seryoso na ring saad ni Marvin. "Who?" nagtakang tanong ni Dave. "Si Helena, nakita ko siya. Kasabay ko kahapon sa airplane." sagot ni Marvin. Natigilan naman si Dave sa narinig. " W-what? Si... si Helena?" nagulat na tanong ni Dave. "Yes, si Helena nga, ang asawa mo, Dave." nakangiting tugon ni Marvin. "A-are you sure, Marvin? s-siya talaga ang nakita mo kahapon?" namanghang wika ni Dave sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD