CHAPTER 5

1645 Words
"Yes, Dave, nasa Korea lang pala s'ya sa loob ng anim na taon. Medyo pumayat s'ya pero mas lalo pang gumanda." nakangiting wika ni Marvin. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko, Marvin. Gusto ko s'yang makitang muli. Simula nang umalis s'ya ay walang araw na di ko s'ya iniisip, kahit na anim na taon na rin kaming nagsama ng kanyang kapatid." wika ni Dave. "Mahirap nga ang sitwasyon, pero kung iisipin ay s'ya parin ang totoong asawa mo, Dave. 'Yun nga lang, parang mahirap mo nang layuan si Hilda. Magkapatid pa naman." sabi naman ni Marvin. Magsalita pa sana si Dave ngunit di natuloy nang makitang paparating si Hilda sa kanilang kinaroroonan at pati ang kaibigan niyang si Marvin ay natahimik. "Love, matagal pa ba, 'yang inuman niyo ni Marvin?" tanong nito na kinalma lang ang boses kahit halatang nainis na ito sa kanila. "Yes, Hilda, minsan lang akong bibisitahin ni Marvin, kaya matagal-tagal pa kami rito." tugon naman ni Dave rito. "Kainis naman, imbis na may time ka ngayon sa akin dahil wala kang duty ay wala na naman, next week ulit ang mahabang time mo sa akin." pagmamaktol pa ni Hilda at di na hinintay nitong makasagot pa sila at tumalikod na kaagad ito. "Oh, baka naman magalit sa akin ang asawa mong si Hilda, Dave? uuwi nalang siguro ako, baka mag-aaway pa kayo dahil lang sa akin." nakangiting wika ni Marvin. "No, hayaan mo s'ya, minsan lang tayong magkabonding magkaibigan dahil kapwa tayo busy, at may mga pamilya na." kampanteng wika naman ni Dave. "Oo nga, minsan lang talaga tayong magkabonding ngayon. Busy nga tayo lagi, alam mo namang may negosyo din akong pinapalakad. Siya nga pala, kumusta na si Jharies? hindi na ba kayo nagkita?" tanong ni Marvin kay Dave. " I don't know where is he, at ayokong pag-usapan si Jharies, muli lang kukulo ang dugo ko sa mga ginawa niya dati sa akin. Mabuti nalang at marunong ako sa self defense, nang pinagtulongan nila ako ng kanyang tatlong kasama." galit na wika ni Dave nang maalala si Jharies. Dati nilang kaibigan ni Marvin si Jharies, subalit traydor pala itong kaibigan at ubod ng Inggitero. "Wala na rin akong balita sa kanya. Simula noong nabalitaan ko ang ginawa niya sa'yo ay dumistansya na rin ako sa kanya." sagot naman ni Marvin. "Hindi siya dapat maging kaibigan. Wait Marvin, ayoko nang pag-uusapan natin si Jharies. Yung sinabi mo kanina about kay Helena, yun ang pag-uusapan natin, sigurado kaba talaga na si Helena ang nakita mo kahapon?" tanong muli ni Dave sa kaibigan. "Yes, Dave, siguradong-sigurado. Kilala ko si Helena at di ako pwideng magkamali, si Helena talaga ang nakikita ko kahapon." paniguradong sagot ni Marvin. Natahimik si Dave at di muna ito nakapagsalita habang nagsalin ito ng wine sa sariling kopita. "kung gano'n, she's back, Marvin." wika ni Dave na tila nabuhayan ng loob sa nabalitaan mula sa kaibigan. ____ Samantalang si Helena ay nakaramdam ng pagod mula sa pagsisimba kasama ang kanyang ina. Ang kanilang katulong nalang ang naghatid sa kanyang ina sa kuwarto nito upang makapagbihis at makapagpahinga na rin ito. Siya naman ay pagkatapos nagbihis ay lumabas muna siya sa kanyang kuwarto para sabihin sa kanilang kusinera na damihan ang iluluto nito para sa dinner nila. Parehong mga bago ang kanilang mga katulong. Ang dating mga katulong daw nila ay umuwi sa probinsya ng mga ito, iisang lugar lang din kasi ang mga ito. At ang dalawang katulong nila ngayon ay mukhang matanda lang sa kanya ng dalawang taon or tatlo—sina Melona at Gemma. 27 na siya ngayon at ang dalawang katulong nila ay mukhang 30 plus na ang mga ito. At kahit 27 na s'ya ay madalas naman siyang napagkamalang 19 years old. "Ate Melona, medyo damihan mo nalang daw pagluto, nagtext sa akin si Harold na dito daw sila magdinner mamaya sa kanyang girlfriend." utos niya sa kusinera nila. "Ahh, okay ho, Ma'am, akala ko hindi dito magdinner si sir Harold, madalas kasi s'yang sa labas magdinner kasama ang gf niya." ang sagot ng kusinera. "Ipakilala niya kasi sa akin ang gf niya, ate Melona." nakangiting tugon n'ya sa kusinera. "Ahh, okay po, Ma'am, kaya pala." nakangiting wika naman ng kusinera. "Yes po, ate Melona. Sige, maiwan ko na muna kayo dito at magpahinga muna ako." paalam na niya rito. "Oh, sige po, Ma'am." tugon naman nito. Pagdaan naman ni Helena sa kanilang sala ay nagkataon namang tumunog ang telepono nila. Sino kaya ito? kakamessage lang sa kanya ng kanyang papa at kapatid na si Harold. At bakit sa telepono pa tumawag kung sila man ito at bakit di nalang sa phone? nilapitan naman ni Helena ang telepono at sinagot naman agad iyon. "Hello, good afternoon. " sagot ni Helena sa kabilang linya. "Hello? who's this please?" tanong pa ng mataray na boses ng babae sa kabilang linya. Nagsalubong ang mga kilay ni Helena nang s'ya pa ang tanungin ng babae sa kabilang linya kung sino s'ya. "You're the one who called here, so you should be the one to introduce yourself." nainis na wika ni Helena sa babaeng tumawag. Saglit naman itong natahimik, at s'ya naman ay mukhang pamilyar sa kanya ang boses ng babae. "T-tell me, sino nga ito? " ulit pang tanong nito sa kanya. " Ikaw nga ang dapat magsabi sa akin kung sino ka." galit na n'yang wika sa babae. "A-ate, Helena? I-ikaw ba ito?" biglang tanong nito sa kanya. Namangha naman s'ya sa narinig mula rito. At noon lang n'ya muling nakilala ang boses ni Hilda. Hindi s'ya nakatugon rito. "A-ate, Helena? u-umuwi ka na pala? I-ikaw ito diba?" ulit na tanong ng boses ni Hilda sa kabilang linya. Wala sa sariling nailagay ni Helena ang telepono. Hindi pa talaga s'ya handang magpatawad sa kanyang adopted Sister. Hindi naman sa dahil hindi pa siya nakapag move-on sa nangyari, kundi tumatak na sa kanyang isipan ang pagtraydor nito sa kanya sa kabila ng pagmamahal na ipinakita niya rito noon bilang tunay niyang kapatid. Tumuloy na s'ya sa kanyang kuwarto upang magpahinga na. Pagkalipas ng isang linggo ni Helena mula sa kanyang pag-uwi ay nakipagkita naman sa kanya ang kanyang dating kaibigan at kaklaseng si Airah. May binili muna siya ng mga personal n'yang gamit sa mall at pagkatapos ay dumeretso na s'ya sa kanilang napagkasunduan ni Airah kung saan sila magkita nito—sa isang Garden cafe sa loob ng luxent Hotel. Pagkarating n'ya roon ay nag order muna s'ya ng malamig na milktea, at kampanteng naupo roon habang hinihintay n'ya ang kanyang kaibigang si Airah. Pati ito ay natuwa nang malamang nandito na s'yang muli. Pagkalipas ng ilang sandali ay sinulyapan naman n'ya saglit ang kanyang relong pambisig kung anong oras na ba. 11:30 am na. Sampong minuto palang ang paghihintay n'ya dahil 11: 20 am s'ya nakarating. Kinuha muna n'ya ang kanyang phone sa kanyang sling bag para mag scroll-scroll muna s'ya sa Face book para di s'ya mainip sa paghihintay sa kanyang kaibigan. Hindi naman s'ya mapakali sa kanyang inookopa at inuupuang table, para bang may mga matang nagmamasid sa kanya kaya nagpalinga-linga naman s'ya sa paligid. At kaagad niyang napansin ang isang lalaking nakasuot ng puting face mask at nakasuot din ng tila uniform ng isang Doctor, at halatang kararating lang nito roon loob ng restaurant na iyon. Matangkad itong lalaki, medyo malaki ang katawan, malinis manamit at mukhang napakabango nitong tingnan. Nakatingin ito sa kanya mula sa mesang inuupuan nito at kahit nakatingin na rin s'ya rito ay di parin ito nag-iwas sa kakatitig sa kanya. Medyo distansiya lang ang mesang inuupuan nito subalit magkaharap namam sila nito. Kinabahan naman s'ya, kahit naka face mask ito ay mukhang pamilyar sa kanya ang mga mata nitong nakatitig ngayon sa kanya, at pati tindig nito ay mukhang kilala din n'ya ito! At biglang pumasok sa kanyang isipan si Dave! tama, kilala na niya ang lalaking naka face mask ngayon, ito ay walang iba kundi si Dave—ang lalaking matatawag na niyang asawa dahil naikasal talaga s'ya rito, ang lalaking minahal niya sa loob ng apat na taon at niloko at sinaktan lang siya nito dahil sa pagpatol nito sa kanyang adopted sister. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso nang makilala niya ang lalaking naka face mask at nakatitig ngayon sa kanya. Hindi na siya pweding magtagal roon, tawagan nalang niya si Airah na umalis na s'ya sa restaurant na napagkasunduan nilang magkita. Tumayo agad s'ya at kinuha ang kanyang sling bag at isinoot iyon. Nakita naman niya sa sulok ng kanyang mga mata na nasa kanya parin nakatingin ang lalaking naka face mask na sigurado s'yang walang iba kundi si Dave ito. Hindi n'ya maintindihan ang kanyang kabang nararamdaman lalo na't s'ya lang ang tinitigan nito ngayon! Nagmamadali na s'yang humakbang para makalabas na roon, at nasulyapan naman niyang tumayo ito at sinundan parin s'ya ng tingin nito. Si Dave talaga ang lalaking ito at di siya pweding magkamali. Malalaki ang kanyang mga hakbang palabas ng pintuan at di na s'ya tumingin pa sa kinaroroonan nito. Nang makalabas naman s'ya sa restaurant ay lakad-takbo ang kanyang ginawa para lang makalabas agad sa loob ng hotel na iyon. Minalas pa talaga siya sa dami ng restaurant ay doon pa talaga pumasok si Dave. Kahit naka Face mask ito ay kilalang-kilala parin niya ito, sa tindig nito at sa mga mata nito ay kabisado parin niya hanggang ngayon. Mabuti nalang at naging wais s'ya noon, apat na taon nga silang magkasintahan nito ngunit hanggang halik lang ang ibinigay n'ya rito dahil kung nagkataon na ibinigay na niya ang kanyang p********e rito noon ay mas nagiging kawawa pa sana s'ya ngayon. Nakakatawang isipin, siya ang legal na asawa nito, isang legal at virgin pang asawa. Ang nangyari ay s'ya ang pinakasalan ngunit iba ang gumanap bilang asawa nito at iyon ay ang ahas niyang adopted sister.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD