CHAPTER 7

1558 Words
"Mabuti naman kung gano'n. At naku, dapat kang magmahal muli, sa ganda mong 'yan, alam kong marami ang nagkakagusto sa'yo." sabi naman ni Airah. "Tama ka, marami namang nanligaw sa akin pero di pa ako handa na magmahal muli." sagot niya rin sa kaibigan. "Sa anim na taong nakalipas mula nang niloko ka ay dapat magkaroon ka na rin ng boyfriend mo, Helena." giit pa nito sa kanya. "Darating din ako diyan, kapag may manligaw sa akin at desidido ay sasagutin ko na rin, Airah." wika niya rito. "Dapat lang, dahil deserve mong maging maligayang muli, besty." wika naman ni Airah. "Pero nalulungkot ako sa tuwing maiisip kong nakatali ako kay Dave Dela Torre. Kasal parin ako sa kanya. Naguguluhan ako, Airah, kung gusto kong maghanap ng bagong pag-ibig ay sagabal ang marriage ko kay Dave." naproblemang wika niya rito. "Okay lang yan! ano ka ba naman, hindi ka naman siguro irereklamo ni Dave no, dahil siya ang nag unang nagloko sa mismong araw ng kasal niyo. Wala nalang kayong pakialaman sa isa't isa. Hindi mo naman sila ginugulo ng kapatid mo diba sa six years na nagsasama sila? So, hindi rin yan magrereklamo, sobrang kapal naman ng mukha kung magawa pang magreklamo ni Mr. Dela Torre. Ano siya, sineswerte? deserve mong maghanap ng bagong kaligayahan, Helena, kaya para sa akin ay h'wag kang matakot." ani Airah sabay irap sa mga mata. "You're right, Airah. Gagawin ko talaga yan, maghanap ako ng bagong lalaking iibigin ko. At kapag darating na ang pangalawang lalaki sa buhay ko ay hindi ko na i-uubos lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Para di muling masaktan ng labis tulad sa ginawa sa akin ni Dave." ang sabi naman niya rito. "Oh, 'yan ang dapat! ay isa pa, may annulment naman tayo, i process mo ang annulment, Helena para makalabas ka na sa marriage niyo ni Mr. Dela Torre." masaya pang wika nito sa kanya. "Gusto ko sanang gawin iyan noon, ngunit may nakapag advice sa akin na h'wag ko raw gawin. Magbubunyi si Hilda kapag ginawa ko 'yan. Mananatili siyang kabit forever, Airah at titiisin niya ang tawag sa lahat ng tao sa kanya. Kahit ilang taon pa silang magsama ni Dave ay hanggang kabit parin ang papel n'ya." aniya sa kaibigan. At natawa naman ito sa kanyang sinabi. "Well, tama ka. Dapat manatili siyang kabit habang buhay. Ang mga ahas na tulad niya ay hindi deserve na maging legal na asawa. Ikaw parin ang legal, Helena." nakangiting sang-ayon naman ng kaibigan. "Excuse me, Ma'am Helena, nandito na ang meryenda niyo." nakangiting wika ng katulong nilang si Melona na biglang dumating sa kanilang kinaroroonan. "Thank you po, ate Melona." tugon naman niya sa kanilang katulong. Nilapag agad ni Melona ang dalang masarap na meryenda nito para sa kanila na isang ice cream parfaits at pinarisan ng pizza. At pagkatapos ay nagpaalam na agad ito kanila. Patuloy naman ang pag-uusap nila ng kanyang kaibigan habang sila'y nagmemeryenda nito. Hapon nang umuwi si Airah dahil sa dami ng kanilang mga napag-usapan ng kaibigan. Nakaramdam ng init si Helena kaya naligo muna siya sa kanyang bathroom para mas komportable ang kanyang pagrerelax. Lagi namang pabalik-balik sa kanyang isipan ang pag-uusap nila kanina ng kanyang kaibigan. Medyo gumaan naman ang kanyang pakiramdam pagkatapos siyang naligo. Habang pumili siya ng susuoting pambahay sa kanyang closet ay may biglang kumatok sa kanyang pintuan. "Ma'am Helena! Ma'am, bilisan niyo po! inatake na naman si Ma'am Lydia!" natatarantang wika at katok ng boses ng kanilang katulong na si Gemma. Nabigla naman siya sa mga katok at sa narinig na sinabi ng kanilang katulong na si Gemma. Kaya mabilis naman ang kanyang mga kilos sa ginawang pagbihis. "My god, sandali lang po, ate, Gemma!" gulat niyang tugon habang nagbihis at nagsuklay saglit sa kanyang buhok. Hindi na niya inayos ng mabuti ang kanyang sarili at nagmamadali na niyang binuksan ang pintuan, wala na ang katulong na si Gemma, bumalik na pala ito sa kwarto ng kanyang ina. At siya naman ay mabilis na tumakbo papuntang kuwarto ng kanyang ina. Pagdating niya sa pintuan ng kwarto ng ina ay di na siya kumatok pa, mabilis niyang binuksan iyon at naabutan naman niyang naghihirap sa paghinga at napahawak sa dibdib nito ang kanyang ina habang pinagtulongan itong alalayan ng dalawa nilang katulong para isakay sa wheelchair nito at lalabas sa kwarto para dalhin ito sa hospital. "Mama! jusko!" nataranta at naiyak niyang sambit na tumulong agad sa pag-alalay ng ina para makasakay agad ito sa wheelchair. "A-anak. B-bilisan niyo. Para mabuhay pa ako." naghihirap na wika ni Mrs. Lydia Alcantara. "Yes, mama! mabuhay po kayo! ihihiling natin iyan sa panginoon!" umiiyak niyang wika sa ina. "Relax lang po kayo, Ma'am Helena, madali rin natin si Madam Lydia!" Halos sabay namang wika ng dalawang katulong na sina Melona at Gemma. "Lumaban po kayo, mama! lumaban po kayo! hindi tayo pabayaan ng panginoon!" patuloy niyang iyak dahil sa pag-alala. Mabilis namang itinulak nila ito sa wheelchair palabas para isakay ng sasakyan at dadalhin sa hospital. "Sa p-pinaka m-malapit lang tayo na Hospital, alam niyo na 'yun, Gemma." anang ina niya. Di napigilan ni Helena na umiyak ng umiyak. At taos-pusong nanalangin na sana'y mailigtas pa ang kanyang ina. Pagdating nila sa labas ay mabilis na naisakay naman nila ang kanyang ina sa sasakyan nilang isa. At siya na ang nagmamaneho dahil may alam naman siya sa pagmamaneho. Si Gemma ang sumama sa kanya sa hospital at si Melona naman ang naiwan sa bahay nila. Hindi na naisipan ni Helena na tatawag agad sa kanyang ama at kapatid para ibalita ang nangyayari sa ina dahil ang nasa isipan niya ay ang mailigtas at madali nila ang kanyang ina. Sa pinaka malapit na private Hospital naman niya dinala ang kanyang ina sa Doctor D. Dela Torre medical Center hindi na naisip ni Helena kung kaninong private hospital ang kanilang dinalhan sa kanyang ina. Ang mahalaga ay madali ang kanyang ina at mailigtas ito. Napasigaw ng iyak si Helena nang makitang nawalan na ng malay ang kanyang ina nang sila'y makarating sa Doctor D. Dela Torre medical Center. "Sabi ko lumaban ka, mama! lumaban kayo! kauuwi ko lang diba? at gusto mo pang nagsama tayo ng matagal!? Jusko, mama! h'wag niyo kaming iiwan! hindi ko kaya! babawi pa ako sa ilang taong nawala ako! babawi pa ako sa'yo, ma!!" umiiyak niyang sigaw sa ina. Ipinasok agad ang kanyang ina sa Emergency room. At siya naman at ang katulong na si Gemma ay nasa waiting area lang sa labas. Noon naman niya naisipang tawagan ang kanyang papa at kapatid para ipaalam ang nangyari sa kanyang ina. "Hello pa? nandito kami sa hospital." Iyak na wika ni Helena sa ama sa phone. Gulat naman ang kanyang ama sa nalaman. At sabi nito'y pupunta daw agad ito sa hospital ngayon na kanilang dinalhan sa kanyang ina. At pagkatapos niyang nakausap at naipaalam sa kanyang ama ay ang kanyang kapatid namang si Harold ang kanyang tinawagan. Nabigla naman ito nang malaman ang nangyari sa kanilang ina. Sobrang nag-alala ito sa nalaman. Pagkatapos ng trabaho nito sa hapon ay dederetso daw agad ito sa hospital. Matapos niyang kinausap ang kanyang ama at kapatid ay di siya mapapakaling palakad-lakad sa waiting area na kanilang kinaroroonan. Grabe ang pag-alala niya sa kanyang ina. Naghihintay nalang sila sa result at paglabas ng Doctor na nag-aasikaso ng kanyang ina. "Relax lang po kayo, Ma'am, Helena. Mag pray kang po tayo na walang masamang nangyari kay Madam Lydia." sabi sa kanya ng katulong na si Gemma. "Ate Gemma, bakit nagkaganito si mama? may mentainance po siya sa sakit niya, pero bakit na naman siya inaatake?" umiiyak niyang tanong sa katulong. "Hindi ko rin po alam, ma'am eh. Yan din ang ipinagtataka ko, kung bakit inatake po siya na may maintenance naman siyang gamot niya sa sakit." sagot naman nito. "Malalaman ko rin kung bakit, kapag lalabas na ang Doctor na nag-aasikaso kay mama. My god, hindi ako mapakali, Ate Gemma, kung ano na ang nangyari kay mama." patuloy na wika niya. "Maging positibo lang po tayo, Ma'am." tugon naman nito sa kanya. Hapon na talaga nang lumabas ang Doctor na nag-aalaga sa kanyang ina. "Lumabas na po ang Doctor, ma'am Helena mula sa emergency room." kaagad na sabi ng katulong nang ito ang unang nakakitang lumabas na ang Doctor mula sa emergency room. Mabilis pa sa alas kuwatrong lumingon si Helena sa Doctor na lumabas. At nagmamadaling sinalubong ito. Nakasuot ito ng bouffant cap sa ulo at naka face mask kaya di agad makilala kung sino ito. "Doc, how's my mother?" Kinabahan niyang salubong na tanong sa Doctor. Napansin niyang tinitigan siya nito at di agad nakapagsalita. Napatitig rin siya sa mga mata nito dahil mukhang pamilyar sa kanya ang mga mata nitong nakatitig sa kanya ngayon. Kinabahan naman siya nang biglang maisip si Dave! gusto niyang umatras mula rito subalit hindi rin pwedi dahil gusto niyang malaman kung ano ang kalagayan ng kanyang ina. Biglang lumakas ang t***k ng kanyang puso habang nakipagtitigan sa Doctor na nakasuot ng bouffant cap at naka face mask ngayon. Ang tindig nito ay kilala na niya pati na ang mga, mata! Saglit siyang natameme nang maisipan ang pangalan ng private Hospital na kanilang dinalhan sa kanyang ina—Doctor D. Dela Torre medical center! So, si Dave talaga ang kaharap niya ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD